Kabanata 24

29 7 0
                                    

Pebrero ko'y iyo pa rin

•••

"Okay sige, magseseryoso na 'ko. Promise! Peksman! Kain susi! Mamatay man angkan ko!" panata niya sa harapan ko.

Naglalakad kami pauwi. Sinundan niya ako dahil hindi ko siya pinansin kanina sa school. Hinayaan ko lang siya tumabi sa akin at magdaldal mag-isa...kahit na mahirap para sa akin na hindi agad siya pansinin at kausapin pero kailangan...para malaman naman niya na seryoso ako.

"Turuan mo ako! Makikinig ako sa'yo! Mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin!" aniya.

"Ilang buwan na lang graduation na sebastian...kulang ka na sa oras."

"Hindi naman nagmamadali ang mundo para sa pagbabago, ah? Tanggap ko na 'yong grades ko gano'n pero at least sa 4th grading exam may chance ako makakuha ng mataas 'di ba? Tapos tataas marka ko sa grade. Kung tutuusin katanggap tanggap pa rin naman 'yong grado ko, eh. Sabi ni kuya steven hindi naman daw sa grades nakukuha ang pagyaman kundi sa diskarte sa buhay."

"Tsss, sinasabi lang 'yan ng mahihirap na hindi nag-aral ng mabuti. Ang taong lamang sa edukasyon ay lamang din sa opportunity...sabi 'yon sa akin ni papa."

"Pwes, bebe loves, mali si papa ro'n."

"Papa mo?"

"Papa natin...'di mo masasabi 'di ba? Hahahaha!"

Gusto ko talaga na sinasabi niya iyon na parang planado na niya ang future namin...na nakikita niya na kami na talaga hanggang dulo.

"Boang ka...sa tingin mo tayo na talaga hanggang huli?" wika ko.

"Bebe loves, ikaw lang ang gusto kong makabatuhan ng plato balang araw."

"Gago ka!"

Natawa siya ro'n.

"So, ano, masama ako?"

"Hindi ah! Para ka kasing nanay ko! Kaya ko nasabi 'yon kasi kung para kang nanay ko, e di gagayahin ko na lang din ang tatay ko 'di ba? Si nanay nagbabato ng plato, si tatay gano'n din hahahahaha!" pagbibiro niya.

Hindi naman talaga nagbabatuhan ng plato ang magulang niya. Nagbabangayan, oo. Pero iyong tatay niya kalmado lang naman palagi, iyong nanay niya lang hindi...mana siya sa nanay niya. Kuhang kuha niya ugali no'n lalo na kapag naiinis.

"Gusto ko lang makapasa ka sa entrance exam...magsisimula na 'yon sa february, sebastian. Malapit lang, isang sakay lang ng jeep. Semi-private pero pwede naman daw tayo maging scholar ni kapitan...mag-apply lang."

"Sa february pa naman, eh,"

"Mabilis lang ang panahon sebastian kaya dapat hindi mo sinasayang lang sa kung ano-anong bagay na walang magandang dulot sa'yo."

"Kaya nga magseseryoso na, eh?"

"Ikaw?" tinignan ko siya na may pagdududa.

"Ipapasa ko 'yon, magtiwala ka sa'kin. Kung hindi man ako maging matino ngayong highschool malay mo sa college magbago na 'ko, 'di ba? Atsaka tama ka naman...sabi rin ni kuya selvestre, tama ka. Dapat magkaroon na 'ko ng pangarap lalo na kapag college raw doon nagsisimula ang tunay na pangarap. At pinapangako ko sa'yo, ligaya, makakagraduate ako ng college dahil sa tulong mo. Pinaparealize mo kasi sa akin palagi kung gaano kaimportante ang college...pero dapat ikaw rin, ha?"

"Ako, sigurado ako. Sa iyo ako hindi sigurado kung kakayanin mo mag-aral hanggang college. Mabilis ka sumuko. Math problem pa nga lang ayaw mo na agad problemahin."

"Ayoko ng math, eh! Kukunin kong kurso sa college 'yong walang math!"

"Ikaw bahala..."

"Promise bebe loves magseseryoso na 'ko! Para sa atin!"

Sandali Lang Naman (Life Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon