Chapter 14

15 2 0
                                    

ACACIA'S POV:

Nanginginig man ang mga paa ko ay ipinilit kong ihakbang ito palayo sa pinagdarausan ng birthday party na iyon. Ang lahat ng mata ay ramdam kong nakatingin sa akin at mas lalo itong nakadaragdag sa pagkapahiyang nararamdaman ko. Para akong kinapos ng lakas kaya hindi ko magawang tumakbo. Nanghihina ang mga tuhod na hinakbang ko ang papuntang pintuan at lumabas ako ng mansyon na iyon nang umiiyak. Kaagad namang sumunod sa akin ang mga kaibigan ko.

"Acacia sandali!" habol sa 'kin ni Anji subalit ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating na ako sa gate.

"Bakla hintayin mo naman kami!" ani Zedi na tumakbo pa para abutan ako. Nang tuluyan na nila akong abutan ay huminto na rin ako sa paglalakad at umiiyak na humarap sa kanila. Lumapit naman silang lahat sa akin at pinakalma ako.

"Gago talaga 'yung Jacob na 'yun kahit kailan! Akala mo may evidence! Gwapo nga may sungay naman. May pa-peace offering, peace offering pang nalalaman. Tapos ang ending ipapahiya ka lang pala." halatang inis na ani Zedi. Sumang-ayon naman sa kanya ang iba pa naming kaibigan.

"Lokong 'yun! Nag-imbita lang pala para mamahiya. Akala ko pa naman genuine na 'yung paghingi niya ng tawad sa 'yo. Iyon pala, may maitim na balak na itong si demonyito." ani Catryn.

Kung anu-ano pa ang mga sinabi nila tungkol kay Jacob. Sa bawat komento nila ay ramdam kong naiinis sila. Lalong-lalo na si Nelrick.

"Walanghiya talaga 'yung Jacob na 'yun. Hindi ba siya nagsasawa sa ginagawa niya? Una pa lang ang sama na ng trato niya sa 'yo. At ngayon ito naman. Hindi pa ba siya nakuntento? Ilang beses ka na niyang pinahiya sa harap ng mga schoolmates natin. Tapos ipapahiya ka ulit niya sa harap naman ng mga kamag-anak niya? Sino ba siya sa akala niya?" singhal nito na animoy nasa harap niya si Jacob.

Sa lahat ng sinabi nila ay wala ni isang nakapawi sa nararamdaman ko. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko at pakiramdam ko ay ganoon na kasama ang imahe ko sa harap ng maraming tao. Sirang sira na ang imahe ko sa buong campus at mas lalo pa ngayon dahil pati mismong kamag-anak niya ay nakasaksi ng pamamahiya niya sa akin. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa akin na hindi siya tumitigil hanggat hindi sumasama ang reputasyon ko.

.

.

.

Kinabukasan...

Lumabas na ang resulta ng test namin sa Chemistry noong isang linggo. Ngayong hapon ay isasauli na sa amin ni sir Ramirez ang mga test papers namin para matingnan kung ilan ang mga scores namin. 

"Ang masasabi ko lang sa test ninyo ay ang bababa. Parang di ako nagturo sa inyo. Iilan lang sa inyo ang pumasa and the rest ay bagsak na."

"Sir wala na po bang plus points diyan? Lagot ako sa mudrakels ko nito."

"Walang plus points! Diyan kayo magaling eh. Eh kung nag-aral ka sana!"

"How about mag-retake na lang sir?"

"Anong retake? Sayang oras! Marami pa tayong topics na kailangang tapusin."

Nag-iingay sa reklamo ang buong klase pero parang wala akong narinig. Nakatulala lang ako at mistulang nasa kawalan ang isip. Hindi dahil iniisip ko kung ilan ang markang makukuha ko. Ang iniisip ko ay 'yung nangyari kagabi. Pagkapasok ko kasi ay dinig kong ako na naman ang pinag-uusapan. At alam kong dahil na naman ito sa nangyari kagabi sa party.

"Good thing ay may isang naka-perfect sa inyo."

"Talaga sir? Sino sir? Ako ba?"

"Huwag ka nang umasa pa Mr.Aguilar. Simpleng seatwork nga hindi mo magawa ng tama. Ma-perfect pa kaya 'tong quiz na 'to."

Falling into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon