Chapter 35

8 1 0
                                    

ANJI'S POV:

"Ay sarado." saad ko nang makitang naka-lock ang gate ng bahay nina Acacia.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila para dalawin siya. Naisip ko kasi na baka may sakit siya kaya hindi siya nakapasok. Pero natigilan ako nang makitang nakakandado ang gate nila.

Sa'n kaya 'yun?

Aalis na sana ako nang biglang may lumapit sa 'king ale. Bahagya pa akong nagulat sa pagsulpot niya.

"Wala 'yung mga nakatira diyan hija. Hindi pa sila nauwi mula noong isugod 'yung anak ni Arlene sa ospital." anang ale na mukhang kapit-bahay nila.

"S-si Xylynn ho?"

"Oo."

"Ah eh, si Acacia po?"

"Hindi ko pa nakikitang umuwi 'yung batang 'yun mula pa noong isang araw. Baka nando'n pa sa ospital at nagbabantay sa kapatid niya."

"Gano'n po ba? Ahm sige, salamat po."

May nangyari na naman ba kay Xylynn na hindi sinasabi ni Acacia sa 'kin?

Pagkatalikod nung ale ay dali-dali akong sumakay ng kotse. Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa ospital kung saan naisugod si Xylynn noon. 

Kinakabahan ako. May mga pagkakataon kasi talaga na hindi nagsasabi si Acacia ng problema niya sa amin. Nagwoworry ako na baka may problema na naman sa kalusugan ng kapatid niya kaya hindi siya nakakapasok ng school. Makakaapekto 'yun sa grades niya lalo pa't may mga na-missed siyang activities.

Pagkadating ko sa ospital ay nagpunta agad ako sa room ng kapatid niya. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Anji hija, ikaw pala. Mabuti't napadalaw ka. Tuloy ka sa loob." bati sa 'kin ni tita Arlene habang pinapapasok ako sa loob ng room ni Xylynn.

"Good afternoon po tita. Pasensya na ho at ngayon lang ako nakabisita. Kumusta na ho pala si Xylynn?"

"Sa awa ng Diyos ay unti-unti ng nababalik ang lakas niya. Pero kailangan pang ma-monitor ang kalusugan niya kaya dito muna kami sa ospital."

"Mabuti naman po kung gano'n. Para 'di na rin ho masyadong mag-alala si Acacia sa kapatid niya. Baka po kasi makaapekto 'yun sa studies niya at madagdagan ang stress niya. Naaawa na nga ho ako sa kanya minsan eh. Naiiyak na lang ho siya sa dami ng iniisip niya."

"'Yun na nga ang sinasabi ko sa batang 'yun eh. Masyado niyang inaaalala ang kapatid niya. Masyado siyang nag-aalala sa amin at umaabot na sa puntong nakakalimutan niya ang sarili niya."

"Gano'n na po yata talaga si Acacia. Napaka-selfless. Uunahin lagi ang iba kaysa sa sarili niya."

Sandali akong napatigil sa pagsasalita saka luminga sa kabuuan ng kwarto. Hinahanap ng mga mata ko si Acacia. Simula kasi nung pumasok ako dito ay ni anino niya hindi ko nakita.

"Ah tita, si Acacia po pala?"

"Nasa bahay siya. Pero nag-text na ako at baka maya-maya lang ay nandito na 'yun. Ang totoo nga'y dalawang araw nang hindi nagagawi dito ang batang 'yun. Malamang may dinaramdam na naman 'yun sa tatay niya."

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba sa sinabing iyon ni tita Arlene.

"B-bakit ho?" tanong ko.

"Nung isang araw kasi ay nagpunta ang batang 'yun sa bahay ng tatay niya para ipakita sana ang grades niya. Kaso mukhang hindi naging maganda ang resulta ng pagpunta niya doon. Kaya ayun, mukhang nagtatampo na naman kaya pati sa amin ng kapatid niya ay hindi nagpapakita. May gano'ng ugali pa naman ang batang 'yun."

Falling into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon