Chapter 45

5 1 0
                                    

JACOB'S POV:

Kasalukuyan ang RHGP namin ngayong hapon na pinangungunahan ni sir Donnovan. Panay ang salita ni sir sa harapan at lahat naman ng mga classmates ko ay attentive sa pakikinig. Maliban sa 'kin. Dahil wala ako sa hulog ngayon.

Panay ang paglingon ko sa upuan sa tabi ko - upuan ni Acacia. Ewan ko ba pero mula noong mawala si Acacia na dahilan ng pagliban niya ay lagi na lang akong tumitingin sa upuan niya. Laging naaagaw ng upuan niya ang atensyon ko kaya hindi ako maka-concentrate. Sa tuwing tumitingin pa naman ako sa upuan niya ay siya lagi ang naaalala ko. Malamang dahil siya ang nakaupo doon kaya siya at siya ang unang papasok sa isip ko.

Naninibago kasi ako lalo pa't parang may kulang dahil wala siya sa klase namin. Parang di masaya. Ewan ko ba kung ako lang ang ganito o pati rin ang mga classmates namin. Hindi naman kasi ganito kalaki ang epekto kapag may isa o dalawang mag-absent sa amin. Pero bakit ngayong si Acacia ang wala, parang kulang na ang lahat? Hindi lang naman iyon dahil sa siya ang class president. Kundi dahil siya rin ang pinakamatalino sa klase namin. Oo. Tanggap ko ng siya nga ang pinakamatalino sa amin. I already accepted na siya ang pinakamagaling sa klase. I'm just a loser na hindi kayang tumanggap ng pagkatalo. Lagi kong isinisiksik sa utak ko na ako ang nakakaangat sa lahat. But I ended up looking like a desperate person. Nagmukha akong talunan dahil desperado akong pabagsakin siya dahil sa napaka-childish kong dahilan. 

Sa tuwing naaalala ko ang mga ginawa ko sa kanya sa isiping nakikipag-compete siya sa 'kin, parang gusto ko na lang iuntog ang sarili ko. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o maaawa sa sarili ko. Kasi sa totoo lang, ang lala ko na. Nag-umpisa akong maging ganito noong high school ako. Ilang estudyante na rin ang naperwisyo ko at walang nagsusumbong sa kanila kahit paulit-ulit ko silang binubully. Pero sa lahat ng mga nagawan ko ng ganito, kay Acacia ako pinaka tinamaan ng awa. Mas pinili niyang 'wag akong patulan kahit sobra na ang ginagawa ko sa kanya. I invalidated her feelings and I kept bullying her for my own will. Without knowing that behind her soft smiles that she showed to everyone, she's hiding her pain, her cries, and her sad backstory. Masyado ng mapait ang pinagdaraanan niya sa buhay tapos dumagdag pa ako. And now I feel guilty.

Nakapako ang paningin ko sa upuan niya habang inaalala ang lahat ng mga pinaggagagawa ko sa kanya. I felt sorry for her. Masyado ko siyang kinawawa. But wait. Kanina ko pa siya iniisip ah? Did I just missed her? Well yeah. I miss her presence. Teka, ano bang iniisip ko-

"Mr. Torrealba, why are you looking at Miss Felipe's seat? Kanina ka pa nakatingin diyan."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig kong tawagin ang apilyedo ko. Nabalik ako sa realidad at naputol ang malalim na pag-iisip ko kanina. Inilingon ko ang ulo ko sa harapan at nakita kong nakatuon ang atensyon ng lahat sa akin. 

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman nakikinig. Ang lalim pa ng tingin mo sa upuan ni Miss Felipe." ani sir habang mariing nakatingin sa direksyon ko. Nakaramdam naman ako ng hiya. Bahagya pa akong napalingon sa paligid ko. Nakita kong nakatutok sa 'kin ang mata ng mga kaibigan ni Acacia. 

Now this is awkward.

"It seems that you are daydreaming." saad ni sir kaya napatingin ako ulit sa kanya. Pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang sasabihin.

"Do you miss your rival?" tanong nito na ikinalaki ng mga mata ko.

"S-sir?"

"I know the issue between you and Miss Felipe. Nakarating na sa 'kin lahat-lahat pero nitong nakaraan lang. I was about to call your parents yesterday pero hindi ko na tinuloy."

"B-but why?" nagtatakang tanong ko. Alam ko naman kasing may pananagutan ako sa lahat ng nagawa ko at dapat lang na pagbayaran ko 'yun. Pero bakit hindi itinuloy?

Falling into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon