Chapter 57

5 1 0
                                    

"Hey! Wait for me!" dinig kong tawag sa 'kin ni Jom habang nakasunod siya sa 'kin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungong canteen. "Jacob ano ba! Ang bilis mo namang maglakad!" reklamo pa niya pero hindi ko siya nililingon.

"Jacob sandali nga kasi! Maghintay ka naman!" anya pa pero hindi pa rin ako lumingon sa direksyon niya. Binilisan ko ang paglalakad hanggang makarating ako sa canteen. Nang makarating ako ay agad akong humilera sa pila ng mga estudyante. Pero ang kumag ay tinakbo pa talaga ang direksyon ko at tumabi pa sa 'kin sa pila. Peste!

"What the hell Jacob?! Alam mo bang muntik na akong masubsob do'n sa pintuan kakahabol sa 'yo?!" reklamo niya pagkalapit niya sa 'kin. Hindi ko pa rin siya pinansin at tinuon lang ang atensyon ko sa umuusog na pila. Ano naman kaya sa tingin niya ang pakialam ko kung muntikan na siyang masubsob? O kahit pa masubsob talaga siya at dumugo ang nguso niya ay wala pa rin akong pakialam. Wala talaga.

"Hoy! Kinakausap kita! Ang sabi ko muntik na akong masubsob kakahabol sa 'yo!" ulit niya dahilan para lalo akong mairita. Nyeta! Ba't kailangang paulit-paulit?! Sirang plaka ba 'to??

Sa inis ko ay agad kong kinuha ang pagkaing binili ko at mabilis na humanap ng mesang mapwepwestuhan. Sa paghahanap ko ng pwesto ay sumalubong sa 'kin ang kakaibang tingin ng mga estudyanteng nakaupo sa katabing mesa. Hindi ko sila pinansin at naupo na lang ako sa pwestong nahanap ko. Nagsimula akong kumain nang hindi iniinda ang mga matang panay ang nood sa 'kin. Artista ba ako? O sadyang nakakaaliw lang talagang tignan ang isang gwapong kumakain?

Nakakailang subo pa lang ako nang biglang may maglapag ng plate sa harap ko. Natigilan ako sa pagnguya at tiningala ang lapastangang basta na lang ng naglapag ng plate niya sa mesa ko. "Hoy! Ba't di mo ako hinintay hah? At bakit kumakain ka na agad nang wala ako?" hindi nga ako nagkamali. Ang pesteng pinsan ko nga ang nasa harap ko. Ni hindi ko pa nga nalulunok ang kinakain ko ay naupo na siya sa tapat ko. "Hoy! Tinatanong kita! Bakit hindi mo ako hinintay? Alam mo bang nakakatampo ka?!" reklamo niya.

"Tss. Hindi mo naman hawak ang bunganga ko para hintayin pa kita bago ako kumain." saad ko saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"A-Aba! Loko ka ah!" dinuro pa ako ng tinidor ng gago.

"Why? I'm just telling the truth. Kaya kong kumain ng wala ka." diretsong saad ko na ikinalaki ng mga mata niya. "The disrespect! You're hurting me Torrealba!" madramang saad nito habang nakahawak sa dibdib at umarteng nasasaktan. Maya-maya lang ay sumeryoso ito at nakanguso nang tumingin sa 'kin. "Ba't ka ba ganyan hah? Badtrip ka pa rin ba sa 'kin? Sorry na nga di ba?" parang batang saad nito. My mind is laughing at his face. Mukha siyang tangang bata.

"Pa'nong di mababadtrip sa 'yo eh kanina ka pa hoy nang hoy sa 'kin. May pangalan naman ako." saad ko habang kinukutsara ang kanin sa plate ko.

"Oo nga may pangalan ka nga. Pero di ba sabi mo kanina sa office, 'DON'T FUCKING CALL MY NAME! EVEN IF YOU SAY IT FOR GAZILLION TIMES, YOU CAN NEVER STOP ME FROM WANTING TO KILL THIS SON OF A BITCH!'" bahagya akong nasamid sa sigaw niyang 'yon. The fuck is he doing?!

"What the hell are you doing?! You're embarassing me!" saway ko sa kanya habang pasimpleng tinitignan ang mga nasa paligid namin. Lahat sila ay nawiwirduhang nakatingin na para bang tinatawag na nila kaming baliw sa mga utak nila. Natatawa namang nagpatuloy sa pagkain ang loko na animo'y walang nangyari.

"What the fuck is wrong with you?!" napapahiyang saad ko habang naghihimas ng sintido. Natatawa naman siyang tumingin sa akin na para bang kaaliw-aliw ang ginawa niya. "What? Ginaya ko lang naman 'yung linya mo kanina do'n sa office ah." natatawang anya na medyo nabubulol pa dahil sa pagnguya. "Grabe! Alam kong mayabang ka at ma-pride pero never in my whole existence kitang nakitang magka-gano'n!"

Falling into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon