Chapter 38

12 1 0
                                    

Habang umaandar ang sasakyan ay patindi ng patindi ang kabang nararamdaman ko. Habang papalapit kami ng papalapit sa destinasyon namin ay lalo akong nakakaramdam ng takot. Takot na baka kung ano ng nangyari kay Acacia at baka kailangang-kailangan niya na kami sa mga oras na ito.

Minuto at segundo na ang lumipas pero hindi pa rin kami nakakarating. Dahilan para lalong tumindi ang pag-aalalang nararamdaman ko. Habang tumatagal ang biyahe ay lalo akong hindi mapakali. Tingin ako ng tingin sa relo at sa labas ng bintana. Hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin si Acacia habang lalo akong nananabik na makita siya. Nanginginig ang mga kamay ko habang umaandar ang sasakyan. Kasabay ng panalangin ko sa itaas na sana ay huwag niyang pababayaan si Acacia habang hindi pa kami nakakarating.

Hintayin mo kami please. Parating na kami.

Makalipas ang ilang minutong pag-andar ng sasakyan ay tumigil na rin ito sa wakas. Tumigil sa isang madamong lugar ang police mobile na sinusundan ko kaya dali-dali akong bumaba ng taxi pagkaabot ko ng bayad. Patakbo akong lumapit sa mga kapulisan na napansin kong hindi pa rin pumapasok sa loob ng abandonadong gusali.

"Anong ginagawa mo rito? Sinundan mo ba kami?" tanong ng isang pulis sa 'kin pero hindi ko iyon pinansin.

"Bakit hindi pa po kayo pumasok sa loob? Paano kung may nangyayari na kay Acacia doon?" balik tanong ko.

"Kailangan muna naming masiguro na walang nagbabantay sa paligid ng building. Saka kami papasok."

"Masiguro? Eh kailan niyo pa po masisiguro 'yun kung may isang buhay sa loob na kailangan nating iligtas?!"

"Kumalma ka muna okay? Gagawin namin ang lahat para iligtas si miss Acacia-"

"Bakit hindi na ninyo gawin ngayon?! Bakit hindi niyo na siya iligtas?! Paano kung sinasaktan na siya ng kumidnap sa kanya?! Ano maghihintay pa kayo ng oras bago kayo-"

"Hijo kami ng bahala dito. Pumasok ka na lang sa kotse at hayaan mo kaming gawin ang trabaho namin-"

"Kung hindi pa kayo papasok sa loob, pwes ako na lang. Kung hindi niyo pa siya ililigtas, ako na lang ang gagawa!" singhal ko sabay takbo papasok sa abandoned building. 

"Hijo bumalik ka dito! Delikado sa loob!"

Dinig ko pa ang pagsigaw sa 'kin ng mga pulis pero hindi ko iyon pinakinggan. Bahala sila kung susundan nila ako o hindi. Dahil sa mga sandaling ito ay wala na akong pakialam sa sarili kong kaligtasan. Wala akong pakialam kahit magalit pa ang buong kapulisan sa 'kin. Wala na akong ibang mas pinapahalagahan ngayon kundi ang kaligtasan ni Acacia.

ACACIA'S POV:

Nagising ako na sumasakit ng sobra ang buong katawan ko. Natagpuan ko ang sarili ko na nakahandusay sa sahig habang duguan at puno ng pasa. Bahagya akong gumalaw para tignan ang paligid ko at na-realize kong....

Buhay pa ako?

Buong akala ko ay tuluyan na akong mamamaalam matapos kong ipikit ang mga mata ko. Akala ko ay hindi na ako aabutan pa ng liwanag. Hindi ko akalain na sa mga sandaling ito ay humihinga pa ako. Pero hindi ko rin alam kung dapat ko iyong ipagpasalamat.

"Nagising ka pa pala?!"

Bahagya kong naigalaw ang ulo ko nang marinig ko ang boses na iyon. Si Mang Ernest. Naglakad siya palapit sa 'kin at naupo sa harap ko. Pero hindi gaya ng dati, wala na akong maramdamang takot ngayon. Siguro dahil alam kong wala na siyang magagawa sa 'kin. Lamog na lamog na ang katawan ko sa pananakit niya. At kung sasaktan man niya ako ulit, mabuti 'yun para tuluyan nang matapos ang mga paghihirap ko. Total wala rin namang magliligtas sa 'kin dito, kamatayan na lang ang pag-asa ko.

Falling into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon