Chapter 49

2 1 0
                                    

"Okay, so we need flowers, then confetti poppers.... What else do we need?" tanong ko sa buong klase habang abala ako sa pagsusulat sa blackboard.

"Eh balloons kaya? Dagdag natin 'yun sa listahan." one of my classmates suggested. 

"Ah yes! We needed that too. Ano pa ba? May hindi pa ba nalilista?" sambit ko habang isinusulat ang suhestiyon ng classmate ko sa pisara. Nakatalikod pa din ako sa buong klase habang fina-finalize ko ang listahan ng mga kakailanganin.

"May preparations na tayo for Christmas party 'di ba? Bakit bigla naman yatang nabago?" natigilan ako sa pagsusulat nang biglang magtanong ang isa kong kaklase.

"Oo nga. Saka bakit kailangan pa nang flowers? For games ba 'yan or what?" tanong naman ng isa pa. Hininto ko ang pagfa-finalize sa listahang ginawa ko at hinarap sila. Ang ilan ay nagbubulungan at nagtatanungan kung ano ba talaga ang pinatutunguhan ng usapan namin.

Oo nga pala. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila.

"Aherm." I cleared my throat first before speaking. Kanina pa kami nag-uusap dito tungkol sa mga kakailanganin namin para sa small party na isasagawa namin dito sa room. Ako na ang nanguna sa buong klase para sa meeting namin na ito. Pero mukhang nasobrahan yata ako sa pagiging excited dahil mas inuna ko pa ang mga materials na gagamitin kaysa ang sabihin sa klase at event na idadaos namin.

"Actually, this is not for our Christmas party. Ibang event ang pinagpaplanuhan natin ngayon." panimula ko. Napuno naman agad ng reklamo ang ere ng buong klase.

"Ano ba yan?! Bagong event na naman? Ni wala pa nga tayong nafa-finalize na plan do'n sa ini-assign sa atin last week tapos meron na naman?! Jusme pagod na ako!" bulalas ng isa sa mga classmate ko. Agad namang sumang-ayon sa kanya ang iba sa pag-aakalang iyon nga ang gagawin namin.

"Calm down, everybody. Chill lang kayo. Don't worry, walang bagong assigned task sa 'tin. And hindi rin ito for upcoming Christmas party. These preparations are meant for a small event that we will conduct here in our classroom. Ako nang bahala sa lahat ng gagawin. I just really need your cooperation because I can't do this alone." mahabang litanya ko sa harap nilang lahat. Agad naman silang nakahinga ng maluwag at umayos ng upo.

"Eh ano ba kasi 'yan? Ikaw naman kasi eh! Pabigla-bigla ang atake mo! May pa-materials ka nang nalalaman eh hindi pa namin alam ang event!" puna ni Zedi na siyang ikinatawa ko na lang habang bahagya pang nagkakamot ng ulo dahil sa konting pagkapahiya. Masyado kasing excited eh!

"Ah haha! Sorry for that. Na-e-excite lang kasi ako sa gagawin natin." saad ko.

"Excited? Bakit anong ganap? May visitors ba? May alumni homecoming ba? May magbabalik ba-"

"Precisely!" I cut him off. Pinanlakihan naman nila ako ng kilay na para bang tinatanong nila kung sinong magbabalik.

"At sino naman 'yang babalik hmm? 'Wag mong sabihing si Joshua Garcia 'yan? Aba'y jusko talaga naman at tutulong ako sa lahat ng preparations! Ako na rin ang magvo-volunteer na mag-tour sa kanya dito sa school!" nakatayo at pumapadyak-padyak pang ani Zedi na para bang excited na excited sa pagdating kuno ni Joshua Garcia. Teka, sino ba 'yun?

"Gaga! Nagtitrigger na naman ang sakit mong delulu ka! Pa'nong babalik si Joshua Garcia dito eh hindi naman 'yun alumni dito??" sarkastikong banat ni Catryn na hinila pa si Zedi paupo sa upuan nito. 

"Wala kang pake! 'Yung ex mo nga di bumabalik!" banat ni Zedi na siya namang ginantihan ulit ni Catryn at nagpaulit-ulit lang ang eksena. Nakangiwi akong pinanood sila at hinintay na lang na matapos ang diskusyon nila bago ako magsalita. 

"Aherm!" I cleared my throat for the second time. Kailangan kong makuha ang atensyon ng lahat na sa kabutihang palad ay nangyari naman.

"Look. I can't do this all by myself. Kailangan ko ang tulong niyo dito. This won't come out successfully kung wala ang cooperation ng lahat. So please..." 

Falling into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon