CHAPTER 5

47 5 0
                                    

RACHEL's POV

Closing time na ng parlor at nagpaalam na ako sa mga kasama ko at kay Madam Boss. Bumili muna ako ng donut sa gilid ng parlor para pasalubong ko sa mga kapatid ko at kay auntie at Tiana

As i've arrived sa bahay ni Auntie ay sumalubong agad ang dalawa kong kapatid na sina Dina at si Eric. Binigay ko agad sa kanila ang box at nagtalon talon pa ang mga chikiting sa saya kaya napatawa nalang ako

Nakita ko namang lumabas si Auntie galing sa CR kaya bumati ako sa kanya at nagmano

"Kamusta trabaho mo nak?" Kahit pamangkin niya ako parang anak ang turing niya sa amin. Sobrang malaking pasalamat talaga kami ni Auntie kasi simula nang nawalan na kami ng magulang siya ang kumupkop sa amin magkapatid. Pati din si Tiana na cousin ko at anak niya, super bait din yun.

"Okay lang po ako auntie. Super tiring siya pero kakayanin para sa mga kapatid ko" ngumiti ako sa kanya at tiningnan ang aking kapatid na kumain ng donut kasama ni Tiana

"Meron akong dinala na donut auntie, kumuha ka lang ha"

"Sige iha, pass muna ako kasi sumasakit ang ngipin ko sa mga matamis na pagkain. Pagpasenyahan mo ako ha"

"No probs auntie" Nagpaalam muna ako kay auntie at pumunta na sa mga kapatid ko

"Toothbrush kayo ha pagkatapos niyo diyan"

"Yes po ate" at bumalik ako kay auntie kasi gusto kong siyang kausapin sa nangyari kanina

Nag-uusap kami regarding dun and hindi naman tutol si auntie. Sinabihan ko din siya about sa plano kong mag rent na kami ng mga kapatid ko pero hindi din tumutol si auntie, she said na she supports my plan. Kaya mahal ko ito si Auntie kasi parehas talaga sila ni mama na super supportive. Napalungkot nalang ako ng walang oras ng mai-isip ko na naman sila Mama at Papa, Sana... Sana nasa mapayapang lugar na sila na wala ng tumutol sa relasyon nila

"Ano iha, una nalang ako sa inyo matulog ha. Ah oh nga pala nak, when ka aalis?"

"Lunes na auntie"

"Sige tulungan kita bukas sa pag impake at mas mabuting sabihan mo na ang mga kapatid mo about sa trabaho mo ha" Tumango naman ako at ngumiti sa kanya, nagpasalamat din

__

"Dina, Eric meron sanang sasabihin si ate sa inyo" umupo agad sila sa kama at and their attention ay agad nasa akin

"This Monday, lalayo muna si Ate ha kasi meron akong work. Pero doncha worry mag request lang ako sa amo ko if pwede ba akong umuwi mga kahit mga every Sunday"

"Bakit Sunday lang uwi mo ate?"

"Kailangan kasi akong magstay dun sa amo ko for work and also i'll bring anything kung anong gusto niya. Ipasabi niyo lang ni Auntie kung ano ang gusto niyo para makaprepare ako ha" I felt relieved when they jump on the bed and said "Yehey" so sign ito na okay lang nila

Huwag kayong mag-alala Dina at Eric, i'll do my best para bigyan ko kayo ng magandang kinabukasan. Gagawin lahat ni Ate para sa inyo

Lumapit ako sa kanila at niyakap sila

"We love you ate!" they said in unison at na touch ako sa sinabi nila kaya I tickled them na ika-ingay ng kwarto namin ng puno ng tawa

And there the room is filled with laughs that made Rachel's stressful day into a memorable one...

------

Thank you so much for reading

Sorry for the wrong grammars

_UNEDITED_

MY BEWILDERED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon