CHAPTER 11

85 7 1
                                    

Rachel's POV

"Hello Van!"

Oh siya nga!

"WOW! Kylie! Kamusta!" napatayo ako at niyakap siya

Sobrang shock ako kasi for how many years ngayon lang kami nagkita. I think last naming nagkita ni Kylie nung panahon na sobrang crazy pa ako ni Luke which is the most embarrasing memory na meron ako.

"Oki lang gurl, ito gumanda ako ng todo pa" sabi nito sabay flip sa imaginary long hair niya na ikinatawa ko. She's still the same Kylie na nakilala ko

By the way Kylie is one of the friends ni Luke at siya lang ang na naclose ko, mabait siya and funny din. 

"Oh sis, nagkita ba kayo ni Luka?" Huh? Napalaki ang mata ko sa sinabi nito


Nandito si Luke??

"Nandito siya??" naguluhan kong sabi sa kanya at nakita kong nangungunot naman ang nuo nito kasi parang nahuluhan din ito

"Hindi mo alam sis? Si Luke yung cliente mo. Sinabi kasi nung isa naming barkada which is I believe na boss mo, na ikaw ang binigay niya kay Luke na maging personal make up artist" napahawak ako sa baba ko sa nalaman ko

Shucks! All this time kaya pala sobrang familiar siya sa akin nung una palang namin nagkita sa opisina nito. OH! Kaya pala sinabihan ako na bakit hanggang ngayon sinusundan ko parin siya at Salamat naman Lord! She didn't fire me, sabi ko sa isip at napabuntong hininga ako sa nasa isip ko and looks at Kylie again

"Ahm, hindi ko talaga alam na si Madam pala ay si Luke? Kaya pala tinarayan niya ako nung nag signing of contract kami. Sinabihan pa nga niya ako na bakit hanggang ngayon ay sinusundan ko daw siya? Which is definetely not true! And besides, hindi ko na siya gusto Kylie. Nag focus na ako ngayon sa trabaho ko dahil meron akong dalawang kapatid na binuhay at kailangan nila ako" tipid kong sabi sa kanya na napatango naman ito at nakita kong parang may gusto siyang sabihin na hindi sigurado na sasabihin ba niya ito?


"Hindi sa masama-in sis ha, pero may tanong lang sana ako. Nung highschool pa tayo, bakit ka umalis sa Sanders University?" Napatigil naman ako when she mentions about that. 

"Ahm, okay lang sis if you find it uncomfortable to answer my question huwag mo na lang sagutin" 

Napayuko ako at hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko. Nataranta naman si Kylie at nagtanong pa nga bakit ako umiyak, at sa oras nayun sinabi ko sa kanya ang lahat ng rason kung bakit ako umalis sa University.

--------

LUKA'S POV

Lumabas na ako cuz my outfit is done

Pumunta na ako sa set kung saan mangyari ang photoshoot and I asked one of the crew if nasaan ang amo nila which is my bestie, si Kylie at sinabi naman nila na nagpaalam daw ito sa kanila na meron daw itong puntahan muna and I just nod to them as a response

Oh! And nasaan kaya si Van? Tinawag ko naman si Vina which is my hair stylist at tinanong kung nasaan si Van and sinabi naman nito na hindi niya alam, basta pumunta daw ito sa may dalampasigan


Uh! Nasaan ba ang babaitang yon! I need her not because I wanna see her but if ever I need some retouch nanjan agad siya to do the work. Kaya kinuha ko ang phone ko to call her sana pero nakarinig ako ng, and the voices are so familiar! 

Tiningnan ko sila and I see Van and Kylie nagtawanan papunta sa set. I dunno pero uminit ang ulo ko sa nakikita ko, like kanina pa ako dito at nag chika lang pala ang mga chaka??

At mas sobra ko pang nairita dahil ang sobrang bagal pa nila maglakad kaya hindi ko na talaga matiis at pumunta patungo sa kanila

"Ganun Ba! Ang lupit naman nun Kyliee HAHAHA" sabi ni Van sa chararat kong besti na ikinatawa pa nito at may sama pang tampal sa braso si besti kay Van na parang kinilig ito na sobrang ikina-irita ko at hindi ko alam bakit?


"HOY! MGA BRUHA!" at napatigil naman ang dalawa sa dulot nilang tawanan at napatingin sa akin

Nakita kong lumaki ang mata ni Van at nag bow agad sa akin at si Kylie naman nakangisi sakin

"Sis, you're done na pala. Pasensya na at natagalan aketch, natagalan kasi ang usapan namin ni Rachel. Miss na miss kasi namin ang isa't isa dahil ang tagal na ng panahon at ngayon ko lang siya nakita muli" sabi ng sisteret ko sakin at ngumiti pa ni Rachel at tumingin na naman sa akin.

I just nod at her and rolled my eyes and I divert my vision kay Rachel na naiilang na tumingin sakin


"Ikaw babae? Diba dapat dumiretso ka sa set at maghintay ka sa akin pero anong ginawa mo? Inuna mo yung pagka chikadora mo kaysa trabaho mo!" sobrang irita talaga ako dahil she must think of her job than talking to some strangers or kahit sa bestfirend ko pa. Dapat behave lang siya kasi... AH! Basta!


"Huwag ka namang ganyan besti, ang harsh mo naman kay Rachel. Ako ang nag-aya sa kanya pumunta muna sa may restobar para mag-usap, kaya walang kasalanan si Rachel. Ginawa lang niya ang pabor ko" Sis! Dapat pabor ka sa akin hindi sa sobrang nakakadiring stalker nato!

I rolled my eyes again at nagsalita ang chakang babae nasa harapan ko

"Pasensya po Madam" at yumuko na naman ito sa akin na ikina-ilang ko dahil hindi ako nasanay na ganito ang trato ni Rachel sa akin na sobrang galang

"Sus! Huwag mo na i-ganyan si Luka, Rachel" Sabi nito 

"Halika na Luka, magsimula na ang shoot and pahiram na naman ni Rachel. Dontcha worry sa set lang naman kami, just call me if you need her" at hinila na si Van papunta na sa set at nag-uusap na naman sila na parang wala lang ang sigaw ko sa kanila at sobrang uminit ang ulo ko

Kaya no choice nalang ako at sumunod nalang sa kanila para makapagsimula na ang shoot



Nang nasa set na ako tiningnan ko silang dalawa na nagtawanan na naman, at sobrang lakas pa ng tawa na parang kiniliti ng chakang besti ko. Hindi ko alam na close pala ang dalawang'to? 

Tumingin naman ako ni Van na sobrang enjoy. Diba dapat sa akin ang attention niya dahil baka tawagin ko siya oh di kaya kung makita niya na kailangan ng retouch ang make up ko edi puntahan niya agad ako pero ang babaita ay hindi nakatingin sa akin kundi nakatuon ang kanyang attention sa besti which I really find it frustrating and super galit ako!

Grr! Humanda ka sakin mamaya Van...

-----

_UNEDITED_

Thanks for reading! I apologize sa mga wrong grammars^^


MY BEWILDERED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon