Ang Huling Tula na Isusulat Ko para sa 'Yo Part 2 : Juan Miguel Severo

926 1 0
                                    

Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko, at patatawarin kita, sa hindi mo pagsugal. At patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sa 'yo, at patatawarin kita, sa hindi mo sa akin pagmamahal, mahal. Gumawa tayo ng kasunduan: Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako. Para sa wakas ay matapos ko na itong tula, na masyado nang matagal nang nakatira dito. At patawad... kung magiging masyadong mahaba, at maraming masyadong boladas. Pero pangako: huli na 'to... huli na 'to... huli na 'to... Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung saan ako nakatira... Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako... Magsisimula ako uli sa umpisa... Magsisimula ako uli... Magsisimula ako... Ito na ang huling tula na isusulat ko para sa 'yo... Mali!!! Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sa 'yo... T**g *na mo! Tapos na ako...

Orayt ! ✌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon