"Hoy, Luki, sa'n mo nilagay yung bagahe ko?" tanong ng kaibigan kong si Diego na abala sa pagbitbit ng mga gamit namin.
Nandito kami ngayon sa Boracay. Naisipan naming magpahinga muna, academic break kumbaga. Ilang buwan na kasi kaming lubog na lubog sa pag-aaral at wala na gaanong masyadong bonding sa'ming magtro-tropa kaya naisipan naming mag-Boracay.
Binitbit ko yung bagahe na sinasabi ni Diego at inirapan sya.
"'Di na lang kasi binitbit 'tong bagahe mo. Napakabigat kaya," reklamo ko.
Napakamot sa ulo nya si Peter na isa din sa mga kaibigan ko at napailing.
"Nagreklamo ka pa talaga hane? Ikaw na nga 'tong walang masyadong ginawa nung nasa biyahe pa tayo tapos pinabitbit lang sayo yung bagahe, andada mo na," pananalak pa ni Peter.
Inirapan ko na lang silang dalawa at pinagpatuloy ang pagbuhat sa bagahe. Nagkanda tapilok-tapilok pa ko dahil hindi ko mabuhat nang maayos ang bag.
Binangga ako ni Michael na isa sa mapang-asar kong kaibigan. Inagaw nya sa'kin yung bag at muli akong binangga.
"Aray naman, Michael! Para ka namang tanga e," naiinis na sigaw ko sa kanya.
Bahagyang natawa si Michael at binuhat na yung bag.
"Mga pre, hindi ko talaga alam kung pa'no ba napunta sa circle of friends natin 'tong baklang 'to. Sarap bigwasan sa sobrang kaartehan," natatawang saad ni Michael.
Itinaas ko yung kanang kong kilay at namaywang.
"Hoy! Kahit baklitang bakla ako, may ambag ako sa pagkakaibigan natin. Baka nakakalimutan nyong―" saglit akong tumigil sa pagsasalita at ngumuso.
Nginuso ko yung nasa ibabang parte ng katawan ni Michael at pinakitang nasasarapan ako.
Nakita ko yung itsura nilang tatlo na nandiri sa sinabi at ginawa ko kaya hindi ko napigilang matawa.
"Yuck! Bastos ang bakla," saad ni Peter.
"Mal!bog kami pero hindi kami magpapa-wampipti sayo. Kadiri kaya," nandidiring saad naman ni Diego.
"Ihagis ko sayo 'tong bag e," ani Michael at akma nang ihahagis sa'kin yung bag.
"Joke lang. As if naman na magpapa-wampipti rin ako sa inyo e alam ko namang mga nasa 2 inches lang mga etits nyo, char," natatawang saad ko.
Pinagpatuloy na lang namin ang paglalakad papunta sa Boracay house kung saan kami tutuloy nang mga ilang linggo. May iba ding mga taong namamasyal sa kabuuan ng dagat.
Habang naglalakad kami, may iilang mga naggwa-gwapuhang kalalakihan akong nakita at aminado naman ako sa sarili ko na pinagpapatansyahan ko na sila. Pero alam kong hanggang pantasya na lang dahil malabong malapitan ko sila.
Saglit akong tumigil sa paglalakad para panandaliang pagpantasyahan ang lalaking nakikita ko. Bumubukol sa suot nyang beach short ang pang-ibaba nyang parte.
"You're my hubby. You're my honey. You're my sweetie sugarbaby. You are my lovely hubby sugar plum my honey, my sweetie baby baby―Aray!" napatigil ako sa pagpapantasya ko nang may bigla na lang sumampal sa'kin.
Nag-peace sign yung nasa harapan ko at ngumiti.
"Sorry, my dearest beshy friend," nakangiting saad ni Yan-yan, isa sa mga kaibigan ko.
Napahawak ako sa pisngi ko at sinabunutan sya.
"A-aray naman, Luki! Ansakit ah," daing nya.
"How dare you to slap my beautiful, pretty and gorgeous face?" pagtataray ko na animo'y isa talaga akong babae.
"Sorry na nga e,"
__
"Nakita nyo ba yung post ni Maria? Takte mga par, grabe ang seksi nya talaga," pagyayabang ni Diego habang ipinapakita sa'min yung post ng ka-schoolmate namin na naka-bikini.
"Yow!"
"Nakaka-L naman yan, par,"
"Seksi nga,"
"Yung clevage nya o,"
Yung mga kaibigan ko, todo sa paghiyaw habang ako, pakiramdam ko masusuka ako sa nakikita ko.
Itinago na ni Diego yung cellphone nya kaya alam kong nanghinayang na naman sa pagkakataon ang mga kaibigan ko.
"Awat na mga par, nasusuka na yata si Luki, HAHAHAHA!" Pang-aasar pa sa'kin ni Diego.
Inirapan ko sya at itinaas ang gitnang daliri ko.
"Fvck you nga pala sayo, Diego!"
Nagtawanan silang lahat kaya inirapan ko na lang sila at ibinaling yung tingin ko sa kung saan. Nabo-bored ako, gabi na rin kasi ngayon kaya pakiramdam ko ang boring ng paligid.
Sinipa-sipa ko yung buhangin na nasa paanan ko. Paulit-ulit kong pinaglaruan ang buhangin at gumawa pa ko ng shape na heart tapos may nakalagay na pangalan ko at ang pangalan ng kaklase namin.
Huminga ako nang malalim at yumuko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at pinagpagan ang sarili ko.
"Pards, maglalakad-lakad lang ako," pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko.
"Sus! Maglalakad-lakad daw pero yung totoo mamimingwit ng lalaki," natatawang pang-aasar ni Peter.
"Bingwitin ko kaya yang alaga mo nang maiprito at makain at mabansang 'hatdog ni Peter na sunog'?"
"HAHAHAHA! Sige na, Luki! Lumayas ka na, wag ka nang bumalik," pang-aasar din ni Yan-yan.
"Mga tang!na nyo! Grabe talaga kayo sa'kin," ani ko kasabay nang paglalakad palayo sa kanila.
Narinig kong nagtawanan silang apat kaya bago pa ko makalayo nang tuluyan sa kanila, muli kong itinaas yung gitnang daliri ko.
"Fvck you nga pala sa inyong apat, i-wampipti ko kayo jan e,"
Nakalayo na ko sa mga kaibigan ko at kasalukuyan na kong naglalakad-lakad sa tabi-tabi. May mga nakakasalubong akong mga gwapong lalaki, pero dinededma ko muna dahil gusto kong mag muni-muni.
Pangiti-ngiti lang ako, pero yung totoo, bagsak na bagsak na ko. Madami na kong problema sa buhay ko at minsan ang naiisip kong paraan para takasan ang mga problema ko ay ang pagpapakamatay, pero hindi ko ginagawa dahil sumasagi din sa isipan ko na "paano kapag nawala ako? Magbabago ba lahat?"
Madami na nga kong problema sa buhay ko. Sa pamilya ko, sa mga kamag-anak ko, sa pag-aaral ko, sa mga gastusin, sa mga problemang dapat hindi ko muna pino-problema ngayon―at ang pesteng lovelife na yan. Na-basted kasi ako ng nagugustuhan kong kaklase namin, ansakit pala.
Nagkibit-balikat na lang ako at huminga nang malalim. Nakayuko ako habang naglalakad kaya hindi ko na alintana kung sino yung mga nakakasalubong ko.
"Ay, sorry po," nagulat ako nang bigla akong banggain sa balikat ng isang babae.
Napatingin ako sa babaeng bumangga sa'kin at matama ko syang pinagmasdan. Nag s-slowmo ang paligid ko habang panay sya sa paghingi ng sorry at pagyuko. Saglit akong natulala dahil sa kanya kaya paulit-ulit nya kong kinalabit.
"H-ha?" taas-kilay na tanong ko.
Ngumiti yung babae sa'kin at muling yumuko.
"Kako, sorry po kung nabangga kita. Hindi kasi kita napansin, pasensya na talaga," saad nya.
Umiling ako at nginitian sya pabalik.
"Hindi na be, ayos lang. Ako nga 'tong dapat na mag-sorry sayo kasi nakayuko ako habang naglalakad," kamot-ulong saad ko.
"Ay, 'di po! Ayos lang po iyon, basta pasensyang-pasensya na po talaga,"
"Sige-sige,"
"Mauna na po ako, pasensya na po ulit talaga," ani'ya kasabay nang paglalakad nya.
Sinundan ko pa sya nang tingin habang naglalakad sya palayo. Marahan lang syang naglalakad na parang napakagaan lang ng mga paa nya.
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy na rin sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
At the sea
Short StoryCOMPLETE | SHORT STORY ______________ Normal lang naman na makaramdam tayo ng kawalan ng ganang mabuhay, pero hindi ibig sabihin nun ay dapat na tayong sumuko at gumawa ng bagay na alam naman nating magiging malaking kasalanan. Ang pagkakaroon ng ba...