Inakbayan ako ni Michael at Yan-yan. Nakita ko namang tumawa sila Diego at Peter kaya kinunutan ko sila ng noo.
"Akala ko ba ayaw mong magsuot ng ganyang damit? Ba't parang mas lalaking-lalaki ka kesa sa'min ngayon? HAHAHAHA..." natatawang pang-aasar ni Diego.
"Tinatanong pa ba yan, Diego? Syempre, natamaan na," natatawang sabat naman ni Peter.
"Para namang mga siravlo," saad ko.
"Ipakilala mo na kasi kami jan kay Anna nang makita namin kung bakit bigla kang nagkaganyan," hirit ni Yan-yan.
"Maganda yan for sure kasi tingnan nyo ha, napatino nya 'tong si Luki," sabat naman ni Michael.
"Pakilala mo na kasi kami," hirit pa ni Peter.
"Kapag pinakilala ko sa inyo baka bastusin nyo lang," saad ko.
"Yan na lang palagi mong sinasabi, Luki," saad ni Michael.
"Baka naman kasi ayaw mo lang talaga naming makilala sya kasi natatakot ka na baka ma-inlove sya sa isa sa'ming apat? HAHAHAHA..." pang-aasar naman ni Diego.
"Gagø!" mura ko sa kanya.
"Easy-han mo lang!" ani Yan-yan at hinaplos-haplos yung balikat ko.
"Wag kayong mag-alala, ipapakilala ko rin si Anna sa inyo."
"Sabi mo yan ah? Aasahan namin yan," nakangising saad ni Diego.
"Oo!"
__
Hinaplos ko yung buhok ni Anna at iniayos yun. Nananatili syang nakatitig sa dagat.
"Favorite place mo pala talaga dito 'no?" tanong ko.
Tumango si Anna at malapad na ngumiti.
"Oo. Nandito ako palagi noon pa. Favorite ko talagang puntahan 'to kasi memorable 'to e," sagot nya.
"Ano namang memorable ang nangyari sayo dito?"
Unti-unting nawala sa mga labi nya ang malapad na ngiti at dahan-dahang yumuko. Nangunot-noo ako dahil sa ginawa nya kaya hinaplos ko yung braso nya.
"Sorry, pero hindi ako available na ikwento sayo. Sa susunod na lang," malungkot na saad nya.
"It's okey, Anna. Ayos lang naman kahit hindi mo na sabihin."
Muli nyang iniangat ang tingin nya sa dagat at ngumiti. Ganun na lang din ang ginawa ko at nanahimik.
Tanging hampas ng mga alon lang ang maririnig dahil wala ni isa sa'ming nagsasalita. Nakatutok ang mga mata ni Anna sa dagat, habang ako ay simusulyapan sya.
"Anna," saad ko sa isipan ko.
Napansin ko na unti-unting napapasandal sa'kin si Anna kaya inalalayan ko sya.
Nakasandal sya ngayon sa kanang balikat ko kaya hindi ko napigilang mamula. Hinaplos ko yung ulo nya at inakbayan sya.
"Anna..."
"Alam mo, Luki. Masayang mabuhay. Masayang mabuhay nang malaya at nagagawa ang mga bagay na gusto mong gawin. Masayang mabuhay nang wala kang dinadala. Kagaya lang yan ng dagat, sumusunod sa paghampas ng alon. Pinaparating lang sa'ting kailangan nating sumunod sa agos ng buhay," saad nya.
Nanatili lang akong tahimik at nakikinig lang sa kanya.
"I-enjoy mo ang buhay mo dahil hindi mo alam kung kelan ka mawawala. Lahat naman ng nilalang―mapa tao man yan o hayop, may mga pinagdadaanang problema. Pero hindi nating pwedeng gawing solusyon ang pagkitil sa sarili nating buhay. Alam mo kung ano ang kailangan natin?"
BINABASA MO ANG
At the sea
Short StoryCOMPLETE | SHORT STORY ______________ Normal lang naman na makaramdam tayo ng kawalan ng ganang mabuhay, pero hindi ibig sabihin nun ay dapat na tayong sumuko at gumawa ng bagay na alam naman nating magiging malaking kasalanan. Ang pagkakaroon ng ba...