Lumingon sa'kin si Anna at malapad na ngumiti.
"Ano nga pala yung sasabihin mo sa'kin? 'Kala mo nakalimutan ko ha? HAHAHAHAHA..." tanong nya.
Napakamot ako sa ulo ko at napayuko.
"Ahh ano kasi..."
"Uhmm?"
"Mangako ka na hindi magbabago ang tingin mo sa'kin kapag nasabi ko na sayo 'to," saad ko.
"Oo."
"Mangako ka muna."
Itinaas ni Anna yung kanang kamay nya, tanda nang isang pangako.
"Pangako."
Huminga ako nang malalim at tinitigan sya sa mga mata nya. Nanginginig pa ko habang nagbabalak na magsalita.
"I-I don't know how to say this
nor to do but Anna... I know I'm literally a gay but, I like you."Alam ko na agad ang magiging reaksiyon ni Anna. Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko. Unti-unting ngumi-ngiti sa'kin si Anna at naramdaman kong hinawakan nya yung kanang kamay ko.
"Anna... I'm sorry."
Umiling sya at nag bugtong-hininga.
"It's okey."
"Anna..."
"Actually, I like you too. Hindi ko alam kung pa'no kita nagustuhan pero masaya ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag nandyan ka. Ikaw lang ang lalaking nagparamdam nang gan'to sa'kin―at nagpapasalamat ako sayo."
Hinaplos ni Anna yung kaliwang pisngi ko.
"Pero..."
Hinawakan ko yung kamay nyang humahaplos sa pisngi ko at dinama yun.
"Pero ano, Anna?"
"Hindi na tayo pwede," saad nya.
𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘸𝘦𝘥𝘦...
Mga salitang hindi ko kayang tanggapin. Mga salitang bigla na lang nakapagpanginig sa'kin.
"Bakit?"
Pilit na ngumiti si Anna. Tinitigan nya ko sa mga mata ko pagkatapos nun ang pagsiil ko nang matamis na halik sa kanya.
Ito ang unang beses na humalik ako ng isang babae, at masasabi kong masarap sa pakiramdam.
"Sorry, Luki..." nagsimulang pumatak ang mga luha sa mga mata nya kaya agad ko yung pinunasan.
"Bakit hindi na tayo pwede?"
Dahan-dahang kumalas sa'kin si Anna at naglakad palayo sa'kin. Mabilis ko syang sinundan sa tabing dagat.
"Anna..."
Napatigil ako sa pagtakbo ko nang makita si Anna sa tabing dagat. Malapad ang ngiti nya sa'kin at alam kong masaya sya.
"Mahal kita, Luki..."
"Anna..."
"Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sayo pero tandaan mo na mahal na mahal kita."
"Anna naman."
"Kailangan ko nang umalis ngayon, Luki..."
"Anna..."
Sa pinakaunang pagkakataon, iniyakan ko ang isang babae.
Muling ngumiti nang malapad si Anna at kumaway sa'kin.
BINABASA MO ANG
At the sea
Short StoryCOMPLETE | SHORT STORY ______________ Normal lang naman na makaramdam tayo ng kawalan ng ganang mabuhay, pero hindi ibig sabihin nun ay dapat na tayong sumuko at gumawa ng bagay na alam naman nating magiging malaking kasalanan. Ang pagkakaroon ng ba...