PART THREE

61 8 0
                                    

Nakaupo kaming dalawa ngayon sa buhanginan. Pinapakinggan ang paghampas ng mga alon, huni ng mga kuliglig at ang ingay na nagmumula sa dagat.

Humahampas din sa balat namin ang malamig na simoy ng hangin habang pinagmamasdan ang maliwanag at bilog na buwan.

"Masaya ka pala kasama," basag nya sa katahimikan naming dalawa.

Kumuha ako ng maliit na bato at inihagis sa dagat.

"'Di naman. Minsan gagø ako kapag trip kong manggagø. Nahawa kasi ako sa mga bwisêt kong mga kaibigan. Pero salamat pa rin at least napansin mo," ani ko kasunod nun ang muling paghagis ko ng maliit na bato sa dagat.

"Syempre, mapapansin ko. Ikaw ba naman pakisamahan ng bakla, 'di ka ba makikipagkulitan?" natatawang tanong nya.

Nakitawa na rin ako sa kanya para hindi nya masabing hindi ako nakakasabay sa humor nya.

Saglit kong itinigil yung paghahagis ko ng bato at nilingon sya.

"By the way, 'di pa tayo nagkakaroon ng maayos na introduction 'no? Introduction natin ano, ah nung nagkabungguan tayo HAHAHAHA... ano nga pa lang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

Itinaas nya yung kanan nyang kamay, senyales na gusto nyang makipagkamay sa'kin.

"Anna. I'm Anna Ludrigal," nakangiting pagpapakilala nya.

Tinitigan ko yung kamay nyang inaabot nya sa'kin at saglit na nag-isip. Bigla akong kinabahan dahil sa nangyayari ngayon at pakiramdam ko, nag-iinit na ang magkabila kong mga pisngi.

𝘓𝘶𝘬𝘪, 𝘢𝘯𝘰 𝘺𝘢𝘯?

Inabot ko na yung kamay nya at nginitian sya pabalik.

"Luki. I'm Luki Sandoval," pagpapakilala ko rin sa kanya.

Habang magkadikit ang mga kamay namin, nakakaramdam ako na parang kinukuryente ang katawan ko kaya mabilis ko nang inagaw yung kamay ko sa kanya.

__

Matapos ang gabi na pagpapakilala namin sa isa't-isa ni Anna, naging madalas ang pagkikita't pagkakasalubong namin. Kung nasaan ako, nandoon din sya.

Dahil nga sa madalas na pagkikita namin, hindi namin naiwasang magkahingian ng mga facebook accounts at phone numbers. Lagi kaming nag-uusap, pa-chat man yan o personal. Hindi kami nauubusan ng topic dahil parehas naman kaming palaging may baon.

[ON CALL]

[𝘖𝘩 𝘩𝘦𝘭𝘭𝘰, 𝘓𝘶𝘬𝘪]

[Hello, Anna]

[Kamusta araw?]

[𝘜𝘩𝘩]

[𝘌𝘵𝘰 𝘣𝘶𝘴𝘺]

[Ay hala, bakla]

[Naabala ba kita?]

[Sorry sorry]

[𝘏𝘈𝘏𝘈𝘏𝘈𝘏𝘈𝘏𝘈]

[𝘎𝘢𝘨𝘰̈ 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪]

[Sabi mo kasi busy ka]

[Baka naabala kita sa ginagawa mo kasi bigla akong tumawag]

[Sorry talaga, bakla]

[𝘈𝘺𝘰𝘴 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘏𝘈𝘏𝘈𝘏𝘈𝘏𝘈]

[𝘐 𝘮𝘦𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘣𝘶𝘴𝘺 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘮𝘶𝘯𝘪-𝘮𝘶𝘯𝘪 𝘸𝘩𝘰𝘭𝘦 𝘥𝘢𝘺]

At the seaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon