Nakatambay kaming magkakaibigan ngayon sa kubo. Huma-hunting ng mga seksi yung mga kaibigan ko, habang mga lalaking may abs at gwapo naman yung sa'kin.
May iilan akong nakikita pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ako tinatamaan ng mga karisma nila. May parang hinahanap ako.
Kinalabit ako ni Peter kaya awtomatiko akong napalingon sa kanya.
"Oh?" taas-kilay na tanong ko.
Sinanggi naman ako ni Michael habang tawa sila nang tawa kaya kinunutan ko sila ng noo.
"Para namang mga tanga e,"
"Look, Luki! May pogi dun o," pang-aasar pa ni Diego sabay turo sa isang lalaki.
Napalingon yung lalaki sa'min kasabay nang pag-ngiti. Para namang mga sira yung mga kaibigan ko dahil sila yung kinilig.
"Mga gagø pa nga," mura ko.
Mahina akong hinampas nila Yan-yan at Michael sa balikat ko habang nagtatawanan sila.
"'Di ba gusto mo ng lalaking may abs at gwapo? Ayan na yung matagal mong hinihintay. Kausapin mo na para namang hindi ka na nagsasarili jan HAHAHAHA!" pang-aasar ni Yan-yan.
Umakto akong kakaltukan si Yan-yan at kumagat sa ibabang labi ko.
"Baliw talaga kayo! Sampalin ko kayo jan e,"
"HAHAHAHA! Akala ko ba gusto mo sa mga lalaki, ba't parang wala ka sa mood ngayon?" natatawa pang tanong ni Peter.
"Ewan ko sa inyo," pagtataray ko.
"Gumaganon ang bakla," pang-aasar naman ni Diego.
Hindi ko na lang pinansin yung pang-aasar sa'kin ng mga kaibigan ko dahil nasanay na kong mapang-asar talaga sila. Minsan nakakatawa, minsan naman nakakaasar.
Nangalumbaba na lang ako at tumingin sa kung saan. Wala naman talaga akong tinititigan pero may hinahanap yung mga mata ko.
𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘴𝘪𝘯𝘰?
Ilang minuto na kong nakatulala sa kung saan pero hindi pa rin ako makuntento sa nakikita ko. May mga gwapong lalaki pero hindi ko makuhang mag-focus sa kanila dahil may hinahanap nga ko.
𝘕𝘢𝘴𝘢'𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘣𝘪?
Bigla akong napaayos ng upo ko nang mapansing nakikita na ng mga mata ko yung gusto kong makita.
Biglang sumulpot sa paningin ko yung babaeng nakabanggaan ko kagabi. Ang simple lang ng suot nya ngayon at halatang-halatang masaya sya.
Nananatili lang akong nakatitig sa kanya at pinagmamasdan ko yung mga ngiti nya. Nagulat pa ko nang bigla syang lumingon sa'kin at kawayan ako. Nanlaki yung mga mata ko at wala sa sariling napa-kaway ako sa kanya pabalik.
"Huy! Sinong kinakawayan mo jan? Yung babae ba o yung lalaki?" tanong ni Diego.
"H-ha? Wala yun,"
"Sus! Chuma-chamba ka na agad jan tapos mamaya biglang chumu-chupa ka na," natatawang saad ni Michael.
"Yuck! Ang bastos," saad ko.
"Maka-bastos 'kala mo hindi bastos e 'no," sabat ni Peter.
Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at mabilis na naglakad palayo sa kanila. Narinig ko pang tinawag nila akong apat pero hindi ko na sila nilingon.
BINABASA MO ANG
At the sea
Short StoryCOMPLETE | SHORT STORY ______________ Normal lang naman na makaramdam tayo ng kawalan ng ganang mabuhay, pero hindi ibig sabihin nun ay dapat na tayong sumuko at gumawa ng bagay na alam naman nating magiging malaking kasalanan. Ang pagkakaroon ng ba...