Riley's Point of View
Nagising akong sobrang sakit ng ulo. Ramdam ko rin ang init ng katawan ko.
"Riley.. riley.. okay ka lang ba?" rinig kong sabi ni Akhiro. May pagluhod pa ito at umiiyak na wala namang luha. Tss! ano ba yan.
"tse! tumigil ka nga dyan kakahiya ka napaka-oa mo" sita ko rito.
Agad naman itong tumayo at inirapan pa'ko. Tss! parang bakla naman.
"pero okay ka lang ba? anong masakit sa'yo? ang taas pa ng lagnat mo oh" ani naman ni Kim. Sa kanilang apat talaga sya ang pinakamaaalahanin, well lahat naman sila, mas lamang nga lang ang kakupalan nung tatlo.
"okay lang ako, lagnat lang 'to" sagot ko naman.
Nahiga na muna ako at pumikit dahil medyo nahihilo pa rin ako pero sa ingay ng mga kasama ko ay mas lalo yata akong lalagnatin.
Sandali pa ang nakalipas ay biglang tumahimik ang paligid. Bahagya akong mumulat at napansin ang imahe ng isang babae sa may gilid ng kama.
Si ma'am Lexine.
"sige Riley una na kami ha, may klase parin kami e. okay ka lang naman dito? tawagan ko ba mommy mo para masundo ka?" ani ni Earl.
"no need na, konting pahinga na lang naman ito tsaka may driver naman ako" sagot ko.
Tinanguan lamang ako ng mga ito at umalis na habang naiwan kami ni ma'am Lexine.
"how are you? okay kana ba? do you need anything?" nag-aalalang tanong nito.
"okay lang po ako ma'am, salamat po" sagot ko.
"hmm, sinabi mo na rin yan kanina pero anong nangyari?"
I chuckled a bit.
"okay nga lang po ako ma'am, promise. konting pahinga lang po ang katapat nito" nagtaas pa ako ng isang kamay para lang maniwala ito.
Mukha namang nakumbinsi ko ito at tumango na lamang.
"nagugutom ka ba? anong gusto mo? tell me" sunod-sunod na namang tanong nito.
Mas oa talaga sya kesa sa mga kaibigan ko.
"wag na po kayong mag-abala ma'am, busog pa po ako"
"promise" inunahan ko na, baka di na naman maniwala e.
"sige tubig na lang, bibilhan lang kita ha. wait for me"
Hindi na'ko nakapagsalita dahil umalis na agad ito. Um-oo ba'ko? hays desisyonism.
.
.
.
.
.
.
.
Third Person's Point of View
Pagkaalis ni Lexine ay nahiga muna si Riley dahil sumasakit na naman ang ulo nya.
Sa kabilang banda naman ay ang babaeng kanina pa syang binabantayan hindi kalayuan, sapat na para makita sya.
Lingid sa kaalaman nito ay hindi lamang sya ang naroon upang bantayan si Riley.
Si Ms. Ohales na hindi pa pala umaalis simula ng mawalan ng malay si Riley. She's just there staring blankly at the ceiling, her mind drifting somewhere far beyond the room, trapped in thoughts she couldn't quite grasp.
Wait, thoughts or regrets? hays.
After a few minutes, may lumapit na nurse kay Riley.
A smile formed into Riley's lips.
'oh wow, ganda ng ngiti ah' a someone who seems jealous speaks into her mind.
'the hell? I'm prettier than that woman' the other someone also speaks into her mind.
Seconds after, there's Lexine holding a bottle of water and a sandwich. She stopped for a while. Her face frowned, displeased with what she saw.
'cute nyo naman, mukha kayong mag-nanay' bulong nito.
.
.
.
.
.
.
.
Shen's Point of View
I'm on my way to the clinic. Kukuha ako ng hot compress. Grabe ang period cramps ko ngayon, pinahihirapan ako.
Umagang umaga pa lang kanina sinusubok na'ko ng mundo. Tapos dumagdag pa itong cramps na'to.
Minutes later I've arrived at the clinic. Dumeretso na ako kaagad sa pagkuha ng hot compress.
Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang nurse kase hindi ko naman 'to pwedeng basta kunin na lang.
Pero sa di inaasahan, nakita ko si Ms. Martinez. Masaya itong nakikipag-usap sa nurse.
May sakit ba yan? bakit parang wala naman, nakakapangharot pa nga e.
Ano kayang nangyari sa kanya? Is she okay? She's sick?
Wait ha, concerned lang ako as a professor kasi wala na'kong mauutusan di'ba. CONCERNED LANG!
Sa kabilang banda naman ay nakita ko si Lexine. Di kalayuan pero mukhang inaantay nya matapos mag-usap si Riley at yung nurse. May dala pa syang pagkain at tubig.
"Lex, ginagawa mo dito? masama pakiramdam mo?" tanong ko kahit alam ko namang nandito sya para kay Riley.
"Wala, sinasamahan ko lang si Riley" sagot nito na di maipinta ang mukha.
"Para namang di nya kailangan ng kasama, tingnan mo nga oh ang ganda pa ng ngiti- aray!" daing ko ng bigla ako nito kurutin sa tagiliran. Ang sakit non ha!
"manahimik ka na nga lang pwede?"
"tss, nagseselos ka sa nurse? don't tell me gusto mo talaga yang si Ms. Martinez? yuck" hindi makapaniwala kong sabi na inirapan lang nito.
"palibhasa never ka pa nagkagusto sa kahit na sino, alam mo tatanda kang dalaga" aniya na tinawanan ko lang.
"di bale na, wag lang kay Ms. Martinez bumagsak 'no" dipensa ko.
Okay na'ko ng mag-isa, wag lang magkagusto dyan 'no.
Hinayaan ko na lamang si Lexine sa kabaliwan nya. Bahala nga sya, aalis na'ko mamaya ko na lang sasabihin sa nurse na kumuha ako ng hot compress.
Naglakad na'ko palabas pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay tinanaw ko ulit si Ms. Martinez na hanggang ngayon ay ang lawak parin ng ngiti.
Tss! kairita.
YOU ARE READING
The Four Professor's Obsession
RomansaThis is my first story and I hope you'll like it. I have always been admiring and crushing on my teachers so I decided to write a story about them. I just changed their names so this wouldn't be so obvious that the characters here are them hihi:)
