Chapter 6

1.2K 63 7
                                        

“Hoy Riley! tinatanong ka namin? bat nakatulala ka dyan?” ani ni Kim at inalog alog pa'ko.

“Ahmm, sorry. Ano nga ulit yon?” tanong ko.

“ang sabi ko bakit ka ulit pinatawag ni Ma'am Shen?” pag-uulit ni Earl sa tanong.

“ah, wala” sagot ko para tumahimik na sila.

“anong wala? ang weird mo girl ha”

Hindi ko na sila pinansin at kumain na lamang. Bakit ba ganon si Ma'am Shen? nababaliw na ata sya hays.

“I need you to love me, Riley”

“po? ma'am?” baka kasi mali lang ako ng narinig.

Lumapit ito sakin na hindi man lang inaalis ang titig sa mga mata ko.

'hala ma'am wag kang pa-fall, nakakatunaw naman yang titig mo'

Bahagya akong napaatras dahil hindi ko alam ang gagawin nya sakin. Oo na, may trust issues ako e bakit ba?

Every step of her palapit sa akin ay sya rin namang pag-atras ko until my back touches the wall.

Yumuko ito ng bahagya at inilapit ang mukha sa may tainga ko. Halos mawalan ako ng hininga.

Ano ba'to?

Ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hininga.

“Ang sabi ko, I need you to leave me” she said at bumalik na sa kanyang table na parang walang ginawang ikamamatay ko. Nakita ko pa ang pag-irap nito.

'Ano daw?'

I gave her a confused look saying 'huh? what?'

You are 5 minutes late Ms. Martinez, kanina pa kitang pinatawag hindi ba? kaya't wag na lang, umalis kana lang”

Tingnan mo 'tong babaeng 'to, ipapatawag ako tas wala lang pala. Aba ang hirap kaya maglakad ang layo layo pa naman nitong office nya sa cafeteria.

I rolled my eyes on her at tumalikod na.

“Nakita ko yon Ms. Martinez!”

Nyenye! hindi ko na iyon pinansin at umalis na. Kakainis!

Bahagya akong napailing para iwaksi sa isipan ng nangyaring iyon. Kasi naman, arrghhh! Totoo kaya yung sinabi— Huy!!

Tigilan mo nga yan Riley, para kang tanga!

Pero yun nga ba ang sinabi nya? Malinaw kasi ang pagkakarinig ko. 'I need you to love me, Riley'

Arghh nababaliw kana Riley!!

Tigilan mo na nga yan! Mali ka lang ng narinig okay? Move on na girl.

Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain at pilit na inalis sa isipan ang kung ano mang sinabi ni Ma'am Shen. Bahala sya, basta ako wala akong tinatapakang tao. Hmpp!

----

After kumain ay naghiwa-hiwalay na kaming apat. May kanya kanya pa rin kasi kaming errands today.

Pupunta muna ako sa library since may kailangan din akong libro for my assignment sa next class ko.

Papasok na'ko ng building ng hindi sinasadyang makarinig ng isang conversation.

“yes, pakiasikaso na lang kay Serene ha. I'll be home soon, medyo may tatapusin lang akong ilang papers” rinig kong sabi ng isang babae sa kausap nito sa phone.

Nakatago ako sa isang pader kaya't hindi ako nito napapansin pero mula sa katayuan ko ay nakikita ko sya. Sya yon di'ba? yung babaeng pinakilala sakin nila Mommy dun sa isang birthday party. Tingnan mo nga naman oh, ang liit talaga ng world. Akalain mong isa pala sya sa mga Prof dito sa University.

What's her name again? Feliz..

Sino kayang kausap nya?

Serene..

Bahagyang sumikip ang aking dibdib kaya't napahawak ako rito. I was confused, what's happening? Pakiramdam ko ay may kung ano sa akin na biglang nangulila at nalungkot.


Weird, baka stress lang ako.

.
.
.
.

It's already 4:30pm at tapos na rin ang klase ko ngayon araw. Gusto ko na umuwi. Sobrang nakakapagod ngayon araw. Nakakastress.

Pag-uwi ko sa bahay nadatnan ko si Mommy sa may garden may kausap syang isang babaeng hindi ko malaman kung sino dahil nakatalikod ito.

“hi mom” lumapit ako rito at hinalikan sa pisnge.

“oh, hello sweetheart” bati pabalik ni mommy pero hindi ko na iyon masyadong napagbigyang pansin dahil napukaw ng atensyon ko ang babaeng kausap ni Mommy.

Sya yung Mom nung Feliz kung di ako nagkakamali.

Napansin yata ni Mommy ang pagtataka sa mukha ko kaya't nagsalita na ito.

“honey, do you remember her? the one that I introduced you sa birthday party the other day”

“ahh ye-yeah, of course. hmm, t-tita janna?” nag-aalanganin kong sagot dahil hindi ako sigurado sa pangalang binaggit ko.

Baka mamaya mali pala, kahihiyan na naman.

Nagpaalam na'ko sa kanila and I was about to leave when I felt someone bumped into me. Narinig ko pa ang bahagyang pagdaing nito sa sakit dahil sa pagkabangga.

Pagtingin ko, nakita ko ang isang batang babaeng sa tingin ko ay nasa apat na taong gulang.

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng inis. Well oo na, alam ko namang bata 'to at di nya sinasadyang nabunggo ako okay? Pero kasi e basta, don't judge me!

Napatitig ako sa bata. Medyo mahaba ang buhok nito, matangos ang ilong, may mapilantik na mga pilik, pinkish lips, ang ganda rin ng mga mata, nakasuot sya ng pink dress na bumagay sa kanyang maputing balat.

Pinulot ko ang stuff toy nito na nahulog at binigay iyon sa kanya. Nagtatakbo ito kay Tita Janna at nagtago na para bang nahihiya.

Anak ba sya ni Tita Janna? in fairness ang ganda ha. Pero parang di sya kamukha nina Tita Janna at Tito Fred, mas kamukha nya ang Ate Feliz nya. Actually, parang pinagbiyak na bunga nga e.








Okay na'to.

The Four Professor's ObsessionWhere stories live. Discover now