A/N: Yaaay! For the first time nakapag update ako ng hindi matagal. Kahapon lang yung last update ko diba? Ano sa tingin nyo? Okay naman ba? Feeling ko talaga failure tong story ko. Pero dont lose hoe diba? Kahit mukhang walang nagbabasa, tuloy pa rin! >:)) Anyways, dun sa mga nagbasa na IM REALLY REALLY REALLY GLAD kasi kahit ganito kashonget ang aking story binabasa nyo pa rin.
Anong team nyo? TEAM CHAZAARA or TEAM CHAELA?
--
ADAM'S POV.
Akalain mo nga naman. Nagkaroon ako ng POV sa storyang ito. Kala ko kay Chaz, Zaara at Kaela lang iikot ang story na to eh. Ang bait talaga ng author naten! I love you author! Muwah muwah.
But anyways, my name si Adam Medina. Ang dakilang nerd at loner ng Eastwood Academy. Third year High school na ko, section C. Nakatira ako sa Vista Carmela Village. My parents? Well my father is dead samantalang ang mother ko naman laging out of the country dahil sa trabaho nya. May kapatid ako, older than me. Si ate Andrealyn. Ang aking baliw na ate! Haha. Nagshashabu yun eh, PERO SYEMPRE MAY HALONG JOKE! >:))))
College na sya kaya madalang na kaming magkita. Minsan kasi uuwi na yun tulog na ko, tas pag gigising naman ako sya naman yung tulog. Kaya bihira na kami pagtagpuin ng tadhana. Lovelife? Naku. Uso ba yun? Wala namang nagkakagusto sakin eh. Sa ganitong itsura? Jusko. Mas may posible pang pumuti ang uwak kesa may magkagusto sakin.
Pero meron talagang isang babaeng nagpapatibok ng puso ko eh. Andrama noh? Sya si Zaara Montreal Quinn. Ang ganda ganda ganda nya, matalino, mabait. NASA KANYA NA ANG LAHAT! Sabi yun ni Daniel Padilla kaya wag kayong umangal. Oo nga nasa kanya na ang lahat, AKO NALANG ANG KULANG! Mwahaha. Pero isang malaking ASA ang sasampal sa mukha ko. Inlove na talaga ako sa kanya, pasimple nga akong stalker eh. Lagi ko syang sinusundan. Sinusulyap mula sa malayo. Minsan nga kinukuhaan ko sya ng picture eh, nakaka adik kasi sya.
Andito ako ngayon sa subdivision namin, palakad lakad lang. Nagiisip isip. Kakagaling ko lang kasing school kaya naisipian kong maglakad lakad muna. Hay nakung buhay to, baket ganito? Lahat na yata ng kamalasan na absorb ko na. Hindi man lang ako nag share ng kahit konti sa iba T^T HUHU.
Napadaan ako sa park dito sa subdivision namin. May nakita akong isang magandang babae na nakaupo sa swing, nag iisa lang sya. Hmm, parang familiar yung mukha nya.
Di nga ako nagkakamali, si Zaara nga yun. Tadhana nga naman. Sa tingin ko eto na yun eh, eto na talaga yun! DIZ IZ IIIIT. Sa tingin ko this time pwede ko na syang kausapin, hindi yung lagi ko nalang syang sinusulyapan lang. ADAM, WAG KANG BAKLA! MAGPAKATATAG KA OKAY?
Lumapit ako sa kanya, at umupo sa tabi nya.
"Hello po. May kasama ka?" pakinshet! nakakahiya! ano ba to! Pwede pa bang mag back out? Naku naman! Nakakahiya talaga! Pero eto na eh, tatakbuhan ko pa ba? BE STRONG ADAM!
Napatingin naman sya sakin agad "Umm, wala eh." Ang bopols ko naman magtanong, nakita na ngang magisa lang sya magtatanong pa eh noh? Haruuu.
"Ah, okay. By the way, Im adam." totoo ba to? nakakausap ko na sya?
"Ako si Zaara. Za nalang itawag mo sakin." nagsmile sya sakin, matagal ko nang gustong makitang ngumiti sya sakin. Shet! Nagsmile din naman ako sa kanya.
"I know..." bulong ko. Ay ano ba yan! Mabubuko ako nito eh! Baka lumayo! Bopols mo talaga adam.
"Ha? Ano? May sinasabi ka?" tanong naman nya sakin.
"H-Ha? Wala. Ang sabi ko, nice name." mukhang tanga talaga ako. Chupul naman!
"Ah, yun pala. Sa EA ka din nag aaral?" she said.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove with my Bestfriend-ONGOING
RomanceNaranasan mo na bang mainlove sa taong tinatawag mong 'Bestfriend'? Eto ang storyang makakarelate ka.