A/N: Annyeong! ^___^v Sorry kung matagal bago mag update. Inatake lang si author ng katamaran nya. Intindihin nyo nalang po! Hihi :") Eto na po, uumpisahan ko na. Eto na talaga, eto naaaa.
Chapter 10 Part 1.
KAELA'S POV.
It's been 2 months since naging kami ni Chaz. Masaya akong naging kami. Masaya akong naging boyfriend ko sya.
Yung first month namin Masaya. Sweet sya, Caring, Gentleman, lahat lahat na ng hinahanap ko sa isang lalake nasa kanya na. Araw araw magkasabay kami sa pagpasok pati sa paguwi, minuminuto magkausap kahit sa phone o chat. Walang araw na nag away kami o kahit misunderstanding. Pero nabago lahat yun simula nung 2nd monthsary namin.
[FLASHBACK]
"Hi babe Goodmorning. Nagbreakfast ka na ba? Wag kalimutan okay. Kita nalang tayo mamya sa school. Bye I love you, take care." message sent.
Today is Monday, at hindi lang sya ordinaryong Monday dahil monthsary namin ni Babe Chaz ko ngayon. 2nd Monthsary. Excited na kong batiin sya pero hindi ko muna gagawin yun, hihintayin ko muna na sya ang mauna. Tignan natin kung aware sya.
Hindi kami sabay papasok ngayon dahil isasabay daw ako ni Manong driver namin sa kanya, dadaan din daw kasi syang Market malapit sa School.
Nung matapos na ko magayos at kumain ng almusal, tinawag ko na si Manong para makaalis na. Ang saya saya ko ngayon. Nag ayos pa talaga ako para kay Chaz, cuz it's a special day!! :D
Habang nakasakay sa kotse, tinititigan ko yung Ring na binili ko for Chaz. Monthsary gift ko sa kanya. Couples ring to, ang cute cute talaga. Black ring sya tapos may tenga ni Mickey at Minnie mouse. Yung sakin suot ko na tas yung sa kanya, nasa box pa. Cute talaga *U*
Kaso nakakapagtaka, anong oras na wala pa syang text sakin. Ang weirdooo nya. Sa pagkakaalam ko never nalelate ng gising yun eh, napakaarte pa naman nun. Ayaw ng late. Baka wala syang load, okaya lowbat, okaya sira yung phone nya, or hindi na nya ko mahal. Ay baliw! Bat ako nagiisip ng ganun? Erase.
Finally nakarating na rin akong school. Dumiretso agad ako ng room nila baka kasi nandun na sya. But unfortunately wala pa :( anmeron? Anong oras na kaya. Oh well, magtatanong nalang ako.
"Ghie nakita mo ba si Chaz?" Kay Ghie ako unang nagtanong, early bird kasi palagi yan. Malay mo nakita nya eh.
"Hindi eh. Try mo kay Carlo. Madalas nyang kasama tuwing umaga yun eh!" Si Carlo yung team mate nya sa Basketball team.
Hinanap ko naman tong si Carlo, at dun ko sya nakita sa Gym. Nagsho-shooting. Ang aga aga eh? Asim nyan for sure! Hahahahaha XD joke lang.
"Hey carlo! Nakita mo ba si Chaz?"
"Sorry but no." Oha umi-english si kuya.
"Oh, okay! Thanks. Bye!" tapos umalis na ko agad sa Gym mamya Englishin pa ko nun eh! Duguin ako dun! Hahahah.
Nasan kaya yung lalakeng yun? Tinatawagan ko number busy naman. Pasaway. Ayoko pa namang masira tong araw na to cuz it's a special day nga diba?
While walking sa hallway nakita ko si Zaara at Adam. Ang sweet naman nila, para silang couples. Cute nila, bagay na bagay!
"Uy za, si kaela oh! Parang may hinahanap." narinig kong sinabi ni Adam kay Zaara.
"Kaela! May problema ba?" Inapproach ako ni Zaara.
"Uhh.. Ano kase.. Hinahanap ko si Chaz, nakita nyo ba?" Wala man lang silang reaksyon, nakatulala lang sila tas nagkatinginan din sila. Anmeron?
"H-Hindi ko alam eh." sabi ni Zaara.
"Hindi namin nakita Kaela eh, sorry ha?"
"No its okay. You see, its our special day today. You know, monthsary.. Kanina ko pa sya hinahanap pero no sign of him. Nag woworry na ko sa kanya eh." Napahinga naman ako ng malalim, medyo pagod na rin kasi ako. :(( nasan ba sya?
"A-Ah okay. Bye." tapos umalis na sila ni Adam.
Bat ganun si Zaara? Parang wala syang pakielam kay Chaz, take note! Bestfriend nya pa yun. Magkagalit kaya sila? Anong problema nun? Gara! Daming problema, @z@r.
Hanggang sa nag ring na yung bell namin hindi ko na nakita si Chaz. Anak ng tinapang bulok naman oh! San ba nagsusumuot yung lalakeng yun? Medyo nagagalit na ko ha? Pagod na ko -__-.
Ano kayang nangyari dun? Napapaisip naman ako. Nag aalala na rin ako sa kanya at the same time. Pasaway naman kasi, bat ngayon pa sya nagkaganun, kung kailan monthsary namin. Yamot lang ha?
"Bessy, what's wrong?" umentrada naman agad tong Bessy ko, nageemote pa eh.
"Bessy kasi eeh. Si chaz di ko makita." sabay simangot.
"What? Oh my god bessy. Where is he?" malay ko nga diba!
"Hindi ko nga alam eh, kaya nga di makita diba? Asar lang?" commonsense noh!
"Ay. Sorry bessy! Eh baka naman he's sick or something like that. Or he's just late."
"Late? That's impossible. He's never late. Hate nya kaya yun!"
"Malay mo love nya na ngayon bessy, nagbabago din ang pananaw ng ibang tao. Like me! Look at me now bessy, kikay na. Hahahaha!" Nababaliw na yung bessy ko -___-.
"Bessy alam mo... HINDI KA NAKAKATULONG!!!!!!" bahala sya, mabasag ear drums nya. Ang dami kasing kalokohan, nakakaasar.
"Ouch bess!! You're so mean! Bad yan ha?" yeah right whatever.
"Bahala ka nga jan. Di ka talaga nakakatulong! Dun ka nga." tapos tinaboy taboy ko sya.
"Oo na. Oo na! Aalis na nga eh. Che! Jan ka na nga, emote ka jan. Hmp!" tapos pumunta na sya dun sa upuan nya.
Good thing dumating na yung second subject teacher namin para naman malibang ako. Buti nalang Chemistry yung susunod na subject, favorite ko to eh. :)
"Okay class.. blahblahblahblahblah." Bat ganun? Favorite ko to pero nabobored ako ngayon. Ano ba yan! Nakakainis naman. Makatulog na nga lang, hindi naman strict si Maam Munoz eh.
--
A/N: Guys, di pa to tapos. May part two pa. Eh kaso nagmamadali yung iba, naiinip na daw sila sa tagal kong magupdate. Sorry talaga ah? :( :)
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove with my Bestfriend-ONGOING
RomanceNaranasan mo na bang mainlove sa taong tinatawag mong 'Bestfriend'? Eto ang storyang makakarelate ka.