Chapter 1: Hamilton University

60 10 2
                                    

"Mag-iingat ka ro'n, anak, ha? Huwag mong kalimutang tumawag palagi. Lalo na kapag kailangan mo ng allowance, huwag kang mahihiyang humingi, ha? Gagawan namin ng paraan ng tatay mo," habilin ng nanay niya, hinimas-himas nito ang kanyang braso. Bakas din sa boses nito ang pag-aalala.

Kasalukuyan silang nasa airport dahil ngayon ang araw ng flight niya para pumunta sa dormitory ng unibersidad na papasukan. Nakapasa kasi siya sa Hamilton University. Isang tanyag na eksuwelahan dahil doon nag-aaral ang mga anak ng business tycoons, politicians, at mga sikat na personalidad.

"Kung may problema ka rin, tumawag ka lang, Dio," sabi ng tatay niya na nasa tabi ng kanyang ina. Inabot nito ang bag na hawak at tinanggap niya naman iyon.

Tumango siya at malapad na ngumiti rito. "Don't worry po, Ma, Pa, tatawag po ako sa inyo gabi-gabi."

Bumuntonghininga si Diosa, ina niya. "Kahit hindi na gabi-gabi, 'nak, kahit isang beses lang sa isang buwan ka tumawag. Sayang ang pa-load, p'wede mong gamitin iyong pera para doon sa ibang bagay."

"Okay po, Ma. Tatawag po ako nang isang beses sa isang buwan."

Nagyakapan sila at pagkatapos ay lumuhod si Diodelo para mapantayan ang nakababata niyang kapatid na si Kailo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at tiningnan nang deretso sa mga mata. "Kai, ikaw na'ng bahala kina Mama, ah? Huwag kang masiyadong pasaway."

Ngumisi si Kailo kaya lumabas ang kulang-kulang nitong mga ngipin na nakapagpangiti kay Diodelo. "Ako pa ba, Kuya? Malaki na ako para magpasaway, 'di ba, Pa?" confident na anito at tumingala sa parents niya.

Ginulo ni Diodelo ang buhok ng kapatid at tumawa. "Aasahan ko 'yan, ah. Kapag nabalitaan ko lang na pasaway ka kina Mama, iisipin kong isip-bata ka pa," pang-aalaska niya sa kapatid.

Sumimangot si Kailo at tinulak siya nang bahagya na lalo niyang ikinatawa. Sa hindi kasi malamang dahilan, ayaw ng kapatid niyang tinuturing na bata. Feeling matured kahit may gatas pa naman sa labi.

Pinisil ni Diodelo ang pisngi ni Kailo dahil na-cute-an siya rito. Umaray naman ang huli at tuluyan na siyang nilayuan. Nagtago ito sa likod ng binti ng tatay niya. Napailing-iling na lang siya sa ginawa ng kapatid.

Ang cute talaga nito, isip-isip ni Diodelo.

Tumayo na si Diodelo at muling hinarap ang kanyang mga magulang. Sinilip niya ang oras sa medyo basag nang screen ng kanyang phone. "Ma, Pa, mauna na po ako sa loob. Malapit na po iyong flight ko."

Sa huling pagkakataon ay nagyakapan sila, kasama na si Kailo dahil binuhat ito ng kanyang ama. Nang matapos ang pagpapaalam sa mga ito, naglakad na si Diodelo patungo sa counter kung saan nandoon ang mga taga-check ng flight ticket.

Habang naglalakad papunta roon, pasulyap-sulyap si Diodelo sa kanyang pamilya. Parang may nabasag sa loob niya nang makitang umiiyak na ang kanyang ina at nagpupunas-punas naman ng luha si Kailo.

He forced himself to smile, waving his hand as he walked to where the other passengers, falling in line. Nang nasa pilahan na siya para sa economy class, may namutawing luha sa pisngi niya na agad niya ring pinunasan. Talagang mami-miss niya ang mga ito. Lalo na't ito ang unang beses na mawawalay siya sa pamilya nang matagal.

Mabilis lang na nakarating si Diodelo sa destinasiyon niya, wala pa sigurong isang oras. Nang makalabas ng eroplano, iginala niya ang mga mata para hanapin ang susundo sa kanya. Umukit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang lalaking may hawak ng banner na HU Scholars.

Naglakad siya papalapit sa maputi at medyo payat na lalaki. Kapansin-pansin ang buhay nitong nunal sa gilid ng labi.

"Hello po, I'm Diodelo Florencia, freshman scholar ng Hamilton University," medyo may kalakasang pahagyag ni Diodelo. Napatingin sa kanya ang ilang taong malapit sa puwesto nila kaya napayuko siya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Lalo na nang may narinig siyang flashes ng camera. Mula sa peripheral vision niya, natanaw niyang nakatapat ang back-cam ng phones ng mga ito.

The Salted Fish Has Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon