Chapter 2: Epitome of Beauty

29 5 0
                                    

May nakaukit na ngisi sa mga labi ni Steven Masayoshi habang nakatingin sa kanila. May hawak pa itong baso ng juice.

"Required? Paano po kapag wala kaming formal na damit para d'yan?" kamot-ulong tanong ni Harvey.

"There's a mall nearby, you can ask your seniors or faculty members for the direction if you want to buy clothes or something," pag-i-explain ni Steven at sumimsim sa baso ng juice.

Nag-thank you lang naman dito si Harvey at nagpaalam na si Steven sa kanila.

"I can't believe it, man! Nakausap ko ang tagapagmana ng Masayoshi Empire . . . " usal ni Harvey, nakatulala sa papalayong bulto ni Steven. Tinatapik-tapik din nito ang balikat niya. Hindi napigilan ni Diodelo na mapatawa dahil sa reaksiyon nito.

Pero hindi niya naman masisisi si Harvey. Sa mga kagaya nilang nasa baba ng pyramid, parang miracle na na makausap o masulyapan man lang iyong mga nasa taas.

"Pero . . . man! Wala akong masusuot bukas. Ikaw ba, meron? Kung wala, sabay na tayong pumuntang mall. Kasama kakambal ko, wala rin iyong formal clothes . . . siguro?" Napailing si Diodelo nang hindi pa sigurado si Harvey kung wala nga bang pang-party na clothes 'yong kakambal nito.

"Meron akong dalawang coats. P'wede kong ipahiram sa 'yo 'yong isa kung gusto mo."

"Really? Thank you, man! Savior talaga kita." Niyakap siya ni Harvey. Hinayaan niya lang ito kahit ang awkward dahil hindi pa naman talaga sila close. Pero kabaliktaran siguro ang tingin ni Harvey dahil sa pagiging touchy-feely. Sobrang comfortable nito sa kanya.

"Wala 'yon. I'm glad to be of help," nakangiting sambit ni Diodelo. Tinapik niya ang balikat ni Harvey at marahang tinulak ito para kumalas na sa yakapan. Medyo dumarami na kasi ang mga matang nakatingin sa kanila.

"Sorry, Dio. Thankful lang talaga ako kasi naka-save ako ng pera dahil sa 'yo. Iniisip ko pa lang 'yong presiyo na gagastusin ko, naiiyak na ako," anito at nagkamot ng ulo, may kiming ngiting nakakurba sa mga labi.

Tumango si Diodelo. Naisip niya rin iyon. Dahil tanyag itong university kung saan maraming mayayaman ang nag-aaral, malaki ang possibility na puro branded ang binebenta roon sa mall na iyon. Baka kulang pa nga 'yong allowance niya for this month kung bibili siya ng isang bagay sa mall na binanggit ni Steven.

Napatingin si Diodelo sa bulsa ni Harvey nang mag-ring ang phone nito. Harvey fished out the phone in his pocket and answered the call. Bakas sa mukha nito ang pagkadigusto kaya napakunot ang noo ni Diodelo.

Sino kaya ang tumawag dito?

"Ayoko nga. Ang layo mo kaya, 'tsaka bawal lalaki sa inyo 'di ba?"

"P'wede bodyguard? Bakit? Bodyguard mo ba ako?"

"Fine, fine, fine. Pupunta na ako d'yan." Pagkatapos sabihin iyon ay ibinababa na nito ang tawag.

"Kambal mo? Bakit tumawag?" pag-uusisa ni Diodelo rito.

Nagpakawala ng buntonghininga si Harvey at ipinasok na ang phone sa bulsa. "Pinapapunta ako roon sa kanila. Tulungan ko raw siyang buhatin 'yong gamit niya. Aish. Hindi ko pa naman alam kung saan 'yon. Hindi ko pa nga nadadala gamit ko sa dorm natin, eh. Ba't kasi ang daming maletang dala ng isang 'yon? Apakaarte," reklamo ni Harvey. Hinawakan siya nito sa balikat.

"Bro, ikaw na munang bahala sa gamit ko, ah? Babawi ako sa 'yo mamaya. Promise!" Walang pasabing ibinigay nito sa kanya ang isang maleta at bag at pagkatapos ay tumakbo na paalis.

Napatingin na lang si Diodelo sa dalawang maleta at dalawang malaking bag na nasa harap niya. Humugot siya ng hininga bago kinuha ang mga ito at lumabas ng building.

The Salted Fish Has Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon