"All of the freshmen are on the first floor, but not all of them are freshmen. There are fifteen fakes and you need to find one in order to proceed to the next round," basa ng babaeng pinagkuhanan nila ng cardkeys sa malaking TV screen.
Halata ang pagka-bore sa boses nito maski ang tinging pinupukol sa kanila. Nakasuot ito ng kumikinang na pulang dress na may slit at kwintas na may pulang mga bato.
"There are clues you can only find on the first floor to identify the fake. It may be the color of the clothes they're wearing, name of brands, accessories, their unique traits like moles and birthmarks, etc. But before we start the first game, the contestants need to group themselves into two. They will be working together to find the fake," the bored girl explained. "Also, when you already have the answer, the staff on the stage will verify it. P'wedeng dalhin n'yo sa staff iyong fake o kaya sabihin iyong name at course nila. Good luck."
Pagkatapos sabihin ang instruction ng unang palaro, pinapila na sina Diodelo, hiwalay ang babae't lalaki, at pinabunot ng numbers sa kahon.
"26," sabi ni Diodelo nang mabunot ang number na iyon. Itinaas niya pa ito para makita ng mga senior na nasa taas.
Luminga-linga siya para hanapin ang makakapareha at nang marinig ang bulung-bulungan sa paligid, biglang kumabog ang dibdib niya. Malas ba siya sa partner niya?
Huwag naman sana. Kailangan niyang makuha ang papremyo.
Bahagyang napabuka ang bibig ni Diodelo nang lumapit sa kanya ang naka-blue satin dress na babae. Naka-ponytail ang wavy nitong buhok at naka-light makeup lang kaya natural ang dating ng ganda ng dalaga.
She's the one I met at the cafeteria . . .
Napalunok si Diodelo. "Hi? You're my partner? I'm Diodelo, by the way," pagpapakilala niya. Inilahad niya ang kamay sa harap nito, pero tiningnan lang iyon ng babae.
Tumango ito sa kanya. "It's Jade," maikling sabi nito at naglakad na patungo sa bakanteng puwesto.
Wala namang nagawa si Diodelo kundi sundan ang babae. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, parang may karerahang nagaganap. Ilang chance ba naman na makaka-partner niya si Jade sa dami nila?
Ito ba iyong tinatawag nilang destiny?
Agad na napailing si Diodelo sa naisip. Iwinaksi niya iyon. Hindi iyon ang goal niya ngayong gabi.
Nang makaupo sa bakanteng upuan, tiningnang mabuti ni Diodelo ang puwesto nila. Baka meron kasing clue roon, pero wala siyang nahanap.
Seryosong tiningnan niya ang mga magkakapareha at nang dumako ang tingin kay Harvey, napangiti siya. Nag-wave kasi ito sa kanya. Sinuklian niya lang iyon ng tango.
"May strategy ka bang gustong i-share para mabilis nating mahanap 'yong fake?" panimula ni Diodelo. Tiningnan niya si Jade na ngayon ay naglalaro na ng kung ano sa phone nito.
"You're gonna join their childish game?" tanong nito habang pokus na pokus ang mga mata sa phone.
Childish? Kumunot ang noo ni Diodelo. Hindi niya inaasahang gano'n ang tingin ni Jade sa palaro ng mga senior. Para kasi sa kanya, once-in-a-lifetime opportunity iyon. Hindi naman lagi-lagi may pagkakataon siyang manalo ng isla, isang milyon, at brand new car.
"Yeah. Sayang din kasi iyong prize," nasabi na lang niya. Umayos siya ng upo at niluwagan ang kulay asul na necktie na suot.
Jade chuckled that made Diodelo frown. May nakakatawa ba sa sinabi niya?
"Sorry-sorry, natatawa lang kasi ako na umaasa ka talagang mananalo sa palaro nila," natatawang sabi nito at iwinagay-wagay pa ang kamay sa harap niya. Nakalapag na ang phone nito sa mesa.
BINABASA MO ANG
The Salted Fish Has Gone Mad
RomanceAfter being accepted into a prestigious university in the country, Diodelo's plan to live a quiet and peaceful life until he graduates with flying colors fails when Jade--the school owner's daughter, the girl who tries to end her life by jumping off...