Chapter 7: Front Page

8 4 0
                                    

Natuon ang atensiyon ng lahat sa pintuan ng auditorim. Napatayo nang bahagya si Diodelo para tingnan kung sino iyon. Ito iyong laging nakabuntot kay Steven na may malaking itim na salamin.

"Sinong Jade daw?" ani Harvey, magkasalubong ang kilay.

"I didn't have any idea. Pero sana hindi siya iyong nasa isip ko," sambit ni Diodelo at bumuntonghininga.

Nang makitang mabilis na bumababa ng stage iyong pinakilalang may-ari ng university, lumakas ang kabog ng dibdib niya. Nakasunod dito ang mga kasamang bodyguard.

Pagkalabas ni Mr. Hamilton, nag-uunahan na ang mga estudyante at professors na lumabas. Nakipagsiksikan naman si Diodelo sa mga ito.

Nang nasa labas na ng building, tumingala siya sa rooftop kung saan nakatingin ang karamihan. Dahil sa sinag ng araw, hindi niya masiyadong makita ang itsura ng taong nandoon.

"Jade! Bumababa ka d'yan! What are you doing? Are you trying to jump off and kill yourself again? Please! Don't do that!"

Naestatwa si Diodelo sa puwesto niya nang lubusang makita kung sino ang nandoon. It's the girl he saw at the cafeteria and the girl he got partnered up with at the game yesterday.

What the hell is she trying to do?

She had a megaphone in her hand. May malaking ngiti sa mga labi nito; ibang-iba sa Jade na nakausap niya na laging bored sa buhay at walang gaanong reaksiyon sa paligid nito.

"Hey! Want me to show you something interesting, guys?! Welcome to HU!" malakas na sabi ni Jade sa megaphone, binitiwan iyon, at nakapikit na tumalon mula sa rooftop ng fourth-floor building.

Nanlaki ang mga mata ni Diodelo. His heart skipped a beat. Parang naputop din ang hininga niya. Narinig niya rin ang sigaw at pag-gasp ng mga tao sa paligid niya.

What the hell is happening?! Anong eksuwelahan ba itong pinasok niya?

Nang makita ang isang malaking balloon na nasa baba ng building kung saan nahulog si Jade, nakahinga nang maluwag si Diodelo.

Nagsilapitan doon ang mga estudyante. Narinig niya pa ang halakhak ni Jade na hindi niya makilala habang kausap si George na ama nito.

Iyong Jade na nakikita ng mga mata niya ngayon, ibang-iba sa Jade na nakausap niya kagabi.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata, agad siyang umiwas ng tingin dito at tumalikod. Bumalik siya ng auditorium, gaya ng inuutos ng mga professor dahil hindi pa raw tapos ang orientation nila.

Pagkabalik, hindi na si Mr. Hamilton ang nasa stage kundi ang anak na nito na nagngangalang Garnett ang nagsalita sa harap.

"Si Jade ba talaga iyon, bro? Hindi kaya kambal niya iyon?" bulong ni Harvey na mukhang nawala na ang hilo dahil sa nangyari.

"I don't know. Maybe," sagot niya.

"That Jade is crazy, bro. Huwag ka nang makikihalubilo ro'n. Wala talagang perfect sa mundo, 'no?" anito at umiling-iling.

Hindi na sinagot ni Diodelo ang sinabi ni Harvey at nag-focus sa harap kung saan nandoon ang lalaking may pagkahawig ni Jade.

Pagkatapos ng orientation, kumain lang saglit sina Diodelo at Harvey sa cafeteria at bumalik na sa dorm para matulog. Mamayang hapon pa naman kasi ang unang klase nila ngayong araw. Hindi niya lang sure kung may balak bang pumasok si Harvey dahil kanina pa nito bukambibig na gusto nang matulog.

Pinanood niyang sumalampak sa higaan si Harvey nang hindi nagpapalit ng damit pagkapasok na pagkapasok pa lang nila ng dormitory. Napailing siya rito at naghubad ng uniform na suot. Nagpalit siya ng pambahay na damit at nahiga na rin sa kama niya't natulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Salted Fish Has Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon