Chapter 6: Deduction Showdown

6 4 0
                                    

Nasa stage na ang lahat ng participants, maski si Diodelo, katabi niya ang babaeng napili niya bilang suspect sa pagpatay kay Laura.

"Now that all of the participants are here, let's begin the deduction showdown! For this round, ang kailangan n'yo lang gawin ay mag-step forward. Kapag naging red ang ilaw ng stage, ibig sabihin ay hindi na kayo magpo-proceed sa next round. Kapag green naman, ibig sabihin ay tama ang suspect na napili n'yo! Are you guys ready!"

Nagsigawan ang mga estudyante sa loob ng theater building dahil sa sinabi no'ng host na makapal ang makeup. Halatang sobrang nag-e-enjoy sila sa pa-game na sila rin mismo ang gumawa.

"Magfe-fail ka. Hindi ako suspect," mahinang sambit ng katabi niya. Maikli ang kulay red nitong buhok at may piercing sa gilid ng labi.

Tanging tingin at tango lang ang sinukli niya sa pahayag nito. Hindi rin naman siya sure kung tama ba ang napili niyang suspect, pero dahil walang sinabi si Jade nang makita siya nito kanina ay medyo nabuhayan siya ng pag-asang tama ang hula niya.

"Paano mo pala nasabing suspect ako? May evidence ka ba?" usisa ulit ng katabi niya. Medyo naririndi na si Diodelo dahil kanina pa ito tintatanggi ang pagiging suspect nito.

"Just my hunch," sambit niya na lang at nginitian ang katabi.

"Tsk. May hunch-hunch ka pang nalalaman, mali ka naman," sabi nito.

Binalewala niya ang sinabi ng katabi at tinuon ang mata sa mga participant na tinatawag para mag-step forward.

"Mr. Florencia, kindly step forward." Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang pangalan. Napalunok siya at humugot ng hininga. Humakbang siya papunta sa gitna ng stage kasama ang babaeng hinuha niya ay isa sa mga suspect.

"Tama kaya ang napiling suspect ni Mr. Florencia?" saad ng host. Dahil doon ay parang lumakas ang kabog ng dibdib ni Diodelo.

Tumingin lang siya sa harap at binalewala iyon, hinihintay ang magiging kulay ng ilaw sa stage. At nang makita ang kulay green, parang may natanggal na mabigat na bagay sa dibdib niya.

Umuukit ang ngiti sa kanyang mga labi. "Sabi na, eh. You're one of the suspects."

"Tsk. Yes, yes, tama ka na. Napakagaling mo na, Mr. Florencia," ani ng kasama niya habang naglalakad sila pabalik sa stage.

Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang mga natira sa stage. Makakalaban niya kasi ito sa susunod na round. Apat silang participants, lima kapag kasama siya.

"Okay! Green ulit! Congrats, Ms. Lagdameo!" ani ng host. "Save the best for the last talaga. Excited na ba kayo para susunod na round?" dagdag nito.

Meron nang anim na participants na magpu-proceed sa susunod na round. Medyo nabigla pa siya nang tumabi sa kanya iyong huling participant. "Congrats, Mr. Florencia," makahulugan nitong sabi na may ngisi pa.

Pamilyar ang matinis na boses nito. Nang marinig niyang makipag-usap si Ms. Lagdameo sa mga magpu-proceed sa susunod na round, napagtanto niyang ito iyong mga estudyanteng namataan niya sa bubong ng second floor kanina.

Mukhang may clue silang nahanap doon dahil magpapatuloy rin sila sa susunod na round.

"Eherm, eherm, calling the attention of the participants! For the last round of the game tonight, I want you all to justify why your chosen suspect is the killer. We will give you fifteen minutes to think and plan," sabi ng host at pagkatapos no'n, binigyan na kami ng upuan sa stage.

Nagpatugtog din ng dancey na kanta kaya nagsasayawan na ang manonood kanina. Prenteng nakaupo lang si Diodelo habang pinagmamasdan ang mga estudyante sa dance floor.

The Salted Fish Has Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon