Habang nagdadaldalan sina Andy at Jade sa isang tabi--si Andy ay dinadaldal si Jade, hindi naman mapakali si Diodelo dahil sa tinging pinupukol sa kanya ng mga estudyanteng makakalaban sa second round. Wala siyang maalala na ginawang masama sa mga ito, kaya bakit gano'n sila makatingin? Parang kulang na lang ay patayin siya.
Diodelo gulped and averted his eyes. Napagpasiyahan niyang tumingin na lang sa entablado kung nasaan ang lalaking staff na nagve-verify ng sagot ng mga estudyante.
"Finally! All the fake freshmen have been found! Congratulations to the freshmen who will proceed to the next round. I would also like to extend my gratitude to all who participated. Don't lose hope, guys. Malay n'yo, maulit ulit ang ganito," makahulugang sabi ng announcer na nasa second floor.
"Standby muna tayo nang kalahating oras habang sine-setup ng mga staff ang gagamiting props for the second round. For the time being, magpahinga na muna kayo."
Nagpalakpakan naman ang mga estudyante. Nang mahagip ang paningin ni Diodelo si Harvey, nag-thumbs ito sa akin at may sinabing kung ano na hindi niya naman nadinig. Dahil malayo sila sa isa't isa.
Ngumiti lang siya rito at tumango. Kasama nito sina Harlene at Fiona na pumapalakpak din. Ngumunot ang noo niya nang umiwas sa kanya ng tingin si Harlene.
May nagawa rin ba siya ritong masama na hindi niya alam?
"Hey, congrats ulit." Someone nudged him and when he tilted his head to where the voice came from, the smiling face of Jade appeared.
Parang huminto ang oras nang mga sandaling iyon. Para kasi itong anghel na bumaba sa langit.
Nagusot ang mukha nito at tinaasan siya ng kilay. "What? Why are you staring at me like that?"
Nahimasmasan si Diodelo dahil doon at tumikhim. "Nothing. Thank you. May idea ka ba kung ano'ng gagawin sa next round?" pag-iiba niya ng usapan.
"Gusto mong malaman, Diodelo? Alam ko," singit ni Andy na abot-tainga ang ngiti. "Pero siyempre, hindi ko sasabihin sa 'yo nang libre."
Tumawa si Andy nang malakas. Napapilig na lang ng ulo si Diodelo. "I'm not asking you though."
Andy crossed her arms over her chest and stared blankly at him. "Fine. Bibigyan sana kita ng hint kung paano lutasin 'yong susunod na round, pero huwag na lang pala."
Hindi pinansin ni Diodelo ang sinabi ni Andy at tumingin kay Jade na nakangisi lang sa kanila. "Hindi mo ba alam?"
"Of course, may idea ako. Wanna know? May kondisyon din ako kung gusto mo talagang marinig ang hint tungkol sa second round," anito at nakipag-apir kay Andy.
Diodelo heaved a sigh. Mukhang trip siyang kutyain ng dalawang ito. Parang kakakilala pa lang nila kanina, close na agad sila?
Gano'n ba talaga rito? Gano'n din kasi si Harvey. Wala pang kalahating araw, pero kung ituring siya ay parang matagal na silang magkakilala.
Hindi na umimik si Diodelo at nagpasiyahang puntahan sina Harvey sa dating puwesto nila. Nagpaalam muna siya kina Jade at Andy bago iwan ang mga ito.
"Hey, bro! Congrats, ang suwerte mo talaga ngayong gabi. Ka-partner mo na 'yong Sana ko at nanalo ka pa sa first round. Anong sikreto mo? Pabulong ako!" bungad sa kanya ni Harvey.
Napangisi lang siya sa sinabi nito. Suwerte nga ba siya? Siguro. Kahit siya rin, hindi niya na-imagine na makakapareha niya sa laro si Jade. At mananalo siya sa first round ng game, kahit pa una pa lang, wala nang chance ang mga gaya niya na manalo.
"Happy ka na niyan?" si Harlene, matalim ang tingin sa kanya.
"Happy? Paano naman?" Uminom si Diodelo ng basong nakita sa mesa at nang malasahan iyon ay gumusot ang mukha niya. Hindi naman siya na-inform na alak pala ito.
BINABASA MO ANG
The Salted Fish Has Gone Mad
RomanceAfter being accepted into a prestigious university in the country, Diodelo's plan to live a quiet and peaceful life until he graduates with flying colors fails when Jade--the school owner's daughter, the girl who tries to end her life by jumping off...