Title: Titig
Mga mata na ako'y namamangha
Kumikislap tuwing natatamaan ng araw
Mga tingin na hindi mawala
Bagay na pinaka magandaAking ginoo, bakit ganyan ka?
Sa mga titig mo ako'y nahuhulog
Sa mga mata mo na aking paborito
Ginoo, ano ako sayo?Makatitig ka sakin
Parang ako'y lilisan
Nakalimutan mo ba mahal ko?
Ang aking pangako na ako'y sayo?Ginoo, wag kang tumitig sakin ng ganyan
Mga titig mo na may pagtatanong
Puno ng pagdududa
Hindi ko man mawari bakit yan ang iyong nararamdaman
Ngunit sinsabi ko sayo
Mahal kita at ako'y sa iyo buong-buoMahal, ang iyong mga titig ay kasing ganda ng mga bituin sa kalangitan
Kumikislap sa kadiliman ng aking buhay
Puno ng pagmamahal
At sana'y hindi mawawala iyon
Dahil ang mga titig mo ang hiyas sa mundo
Na ayaw ko na mawala sa aking buhayTitig na kay ganda
Titig na maraming emosyong nakabalot
Sana'y wag mawala
Dahil ako'y nahuhulog sa iyo—euri
YOU ARE READING
100 TULA PARA SA AKING GINOO
Ngẫu nhiênAng librong ito ay ina-alay ko sa aking minamahal. Mga tula na sya ang pamagat at laman ng bawat aking tugma. Marami ang aking mga katanungan, ngunit hindi ko masabi ng harap-harapan sa kanya. Kaya sabayan nyo ako sa aking ma-alon na nararamdaman.