Title: Sana
Napapa-isip ka rin ba aking ginoo?
Kapag ako'y malapit sa iyo
Ano ang pwede nating kainin
Ating pupuntahanAting pag-uusapan sa salas
Ating lulutuin na pagkain sa loob ng kusina
Ating pwesto sa pagtulog
At paglabas sa pintuan ng ating bahayGinoo napapa-isip ako
Kapag ba malapit ako sa'yo
Yayakapin mo ba ako ng mahigpit
Tuwing ako'y iiyak
At tuwing malamig ang panahonGinoo, alam mo
Gusto kitang yakapin
Gusto ko makita ang iyong mga mata ng malapitan
Gusto ko mahawakan ang iyong buhok
Makinis na mukha
At matangos na ilongIsama na ang iyong mga tenga
Gusto ko makita iyon na mamula
Nakakatawa
Gusto ko makita ang iyong mukha habang natutulogGinoo, sana malapit ka lang nu?
Bakit ba kasi ikaw'y malayo
Yayakapin kita aking ginoo
Gusto ko maramdaman ang iyong kamay sa aking balikatGusto ko maramdaman ang iyong hininga sa aking leeg
At kung paano mo amuyin ang aking mahabang buhok
Ginoo, sana magawa natin ang mga bagay na ito
Sana dadating ang araw na magawa natin ang lahat ng ito
Mahal kita—euri
YOU ARE READING
100 TULA PARA SA AKING GINOO
RandomAng librong ito ay ina-alay ko sa aking minamahal. Mga tula na sya ang pamagat at laman ng bawat aking tugma. Marami ang aking mga katanungan, ngunit hindi ko masabi ng harap-harapan sa kanya. Kaya sabayan nyo ako sa aking ma-alon na nararamdaman.