IKA-SIYAM NA TULA

45 0 0
                                    

Title: Pasensya

Ginoo, hindi ako sya
Hindi ako yung babae naminahal mo
Sa loob ng tatlong taon
Hindi ako sya

Magkaibang tao kami
Sana makita mo
Hindi ako katulad ng tatlong taon na minahal mo
Ginoo, pasensya na ah

Hindi kasi ako yun
Hindi ako yung nagpatino sa iyo
Hindi ako yung nagparamdam sa iyo
Hindi ako yung naging dahilan ng pagbabago mo

Pasensya kana aking inirog
Hindi ako malapit sa iyo
Hindi ko mahawakan ang iyong mga kamay tuwing ikaw ay kinakabahan
Kahit walang kaba hahawakan ko

Pasensya na kasi hindi ko mahawakan ang iyong damit
Hindi ko malagay ang aking mga kamay
Sa loob ng bulsa ng iyong pantalon
Hindi kita mayakap sa ginaw ng panahon

Pasensya na aking ginoo
Hindi kita masamahan sa iyong mga lakad
Hindi ko kayang isigaw ang iyong pangalan sa loob ng court
Pasensya na aking ginoo
Dahil ako'y malayo sa'yo

—euri

100 TULA PARA SA AKING GINOOWhere stories live. Discover now