Title: Mahal kita
Masarap bigkasin ang salita
Lalo na sinasabihan mo ang taong mahal mong lubos
Walang halong biro
Kahit laro lamangGinoo, mahal kita
Hindi mo man mawari kung kailan
Kung kailan ko naramdaman
Ngunit ito ang pintig ng aking puso
Ano ang aking papakinggan?Ginoo, anim na buwan
Anim na buwan na tayong magkasama
At doon ko nakita ang iyong katotohanan
Pati na ang kabou-anGinoo, may tinago ka man sa mga panahon na iyon
Ngunit wala na akong magagawa
Dahil natapos na
Natapos na ang mga panahon na iyonAkin ka ngayon na boung-bou
Sana wala nang maka kuha no?
Sana kahit kailan wala nang makakuha ng iyong atensyon
Nakakatawa diba?Ang damot ko
Syempre ikaw kaya bakit kita papakawalan?
Ikaw yung tao na nagpadama
Nagpadama sa akin ng salitang mahal kitaObsess, oo obsess ako
Wala na akong magawa
Ako'y nahulog na ng lubusan
At hindi na maka-ahon magpakailan manKaya ginoo,
Tuwing ikaw ay magsabi saakin ng salitang ‘mahal kita’
Iyon ay totoo
At hindi isang biroHindi kita pinagdududahan
Ito'y isang hiling lamang
Hiling ng isang dilag
Na nagmamahal sa'yo ng lubusan—euri
YOU ARE READING
100 TULA PARA SA AKING GINOO
RandomAng librong ito ay ina-alay ko sa aking minamahal. Mga tula na sya ang pamagat at laman ng bawat aking tugma. Marami ang aking mga katanungan, ngunit hindi ko masabi ng harap-harapan sa kanya. Kaya sabayan nyo ako sa aking ma-alon na nararamdaman.