IKA-WALONG TULA

52 0 0
                                    

Title: Totoo ba?

GInoo, totoo ba?
Mahal mo ba talaga ako?
O isa lang akong laro sayo
Baka naman ginoo,
Biro lang pala ang lahat ng ito

Ginoo, pasensya na ha
Hindi ko lang talaga mapigilan
Masyadong marami akong iniisip
Hindi ko nga alam
Kung ano ang totoo at ang hindi

Ginoo, tulong
Tulongan mo naman ako
Tulongan mo ako mawala ito
Ginoo

Tulong mo ang aking kailangan
Aking mapapagkukunan ng lakas
Ginoo, bigyan mo ako ng lakas
Lakas na ako maka pag laban

Gusto ko pa makipaglaban
Gusto ko ilaban ang pagmamahalan na ito
Mapapagod man pero hindi ako susuko

Ginoo, sana ikaw ang magbigay sa akin ng sagot
Magbigay ng kagaan sa aking nararamdaman
Ginoo, tulongan mo naman ako

Mahirap ang aking kinakaharap
Sana wag mo akong iwanan
Sa gitna ng ating labanan

Ginoo...
Mahal kita, mahal kita ng totoo
Sana ganon rin
Ganon rin ang pagmamahal mo para sakin

—euri

100 TULA PARA SA AKING GINOOWhere stories live. Discover now