IKA-APAT NA TULA

91 0 0
                                    

Title: Ginoo

Ginoo, matanong ko
Sino ka?
May mga ganyang tanong sa aking utak
Hindi ko man lang malaman ang sagot
Sasagutin mo ba?

Ginoo, mahal kita
At alam ko na alam mo iyan
Ngunit aking ginoo
Sino ka ba talaga?

Alam ko at aking nararamdaman
Marami kang tinatago na lihim sa akin
At alam mo na kapag akin iyon matuklasan
Masasaktan ako

Ngunit aking ginoo
Gusto ko malaman ang totoo sa'yo
Hindi ko nga batid bakit humantong ako sa ganito na mga tanong
Hindi sa pag dududa
Pero sino ka?

Gusto ko malaman ang lahat sa'yo
Mga lihim na tinatago
Alam ko, may mga lihim
Ngunit aking ginoo,
Pwede mo ba mapahiwatig sa'kin ang mga iyon?

Alam ko na ayaw mo na tinanong kita tungkol sa iyong nakaraan
Ngunit sino ka?
May mga bagay na gusto ko malaman
Gusto kitang makilala ng lubusan
Ngunit ginoo masasaktan ata ako

Sino sya, aking ginoo?
May tinatago ka
Sabihin mo sa'kin
Ako'y magagalit man pero hindi ako magsasabi ng masasakit na salita
Kasi ayaw ko na masaktan kita sa aking mga salita

Ginoo mahal kita
Sana ako'y mahalin mo rin
Ng totoo at lubos
Walang sekreto, walang panloloko
Ginoo, mahal kita nang totoo
Sana ibalik mo din sa akin ang pagmamahal na iyon

—euri

100 TULA PARA SA AKING GINOOWhere stories live. Discover now