Chapter One

3.2K 85 1
                                    

"Bangon na Dane! baka 'di tayo makaabot sa departure niyan!" Narinig ko boses ni papa na feeling ko mula sa ground floor. Hindi naman po malaki bahay namin dito sa makati. Sadyang two-story lang. sakto lang pero medyo masikip. Ano daw?

Bumangon naman agad ako nang medyo may namumuong mga muta pa sa mata. Buti nalang naihanda ko na yung mga dadalhin kong gamit pauwi ng probinsiya. There's no need to rush. oa lang talaga itong si papa o masyado lang excited?

I checked the time at 6 am pa lang naman. E hindi ba 1pm pa flight namin?

Ten minutes later, I decided na bumaba na "Pa! 1pm pa flight natin di ba?" Tanong ko habang bumababa sa hagdan. Nakita ko naman si papa na may binabasang libro. Ewan ko kung ano pero parang first time ko palang makita yung librong hawak niya.

Nagtimpla ako ng kape—as usual—at kumuha ng dalawang pirasong sliced bread mula sa ref. Typical breakfast kumbaga.

"Magmadali ka Dane kase may bibilhin pa akong pasalubong sa BGC." Sagot lang ni papa nang hindi tumitingin sakin.

Wait what? "Hindi pa ba sapat yung mga pasalubong na binili mo kahapon?" Nagtataka kong tanong. Ang dami na kaya ng mga nabili niya. Sino pa ba pagbibilhan niya?

"Tapusin mo nalang ang pagkakape mo at maligo ka na. ang bagal mo pa namang kumilos." Sagot niya lang habang nasa libro pa ring hawak niya ang atensyon niya. Hindi na ako kumibo at nagfocus nalang sa kape ko at bread. Medyo excited din naman ako kase uuwi na ako ng province namin.

Naligo naman ako agad pagkatapos kong magkape at nagmadaling mag-ayos. nakakahawa kase minsan pagkaexcited ni papa. Last time na umuwi kami ng probinsiya was last year pa. Christmas yun kaya malamang umuwi kami. At ilang buwan pa lang naman yung lumipas pero parang excited si papa umuwi ng probinsiya ngayon. Pano ko nasabi? bihis na bihis na po siya habang nagbabasa ng libro. Yung tipong isang tayo niya lang aalis na agad siya.

July pa lang naman pero bakit ang init na? nakakatamad pa naman maglakwatsa pag ganito e. Kakagraduate ko lang this month kaya mas tinatamad ako kumilos ngayon.

Sa four years kong pag-aaral ng kursong Bachelor of Education Major in Social Studies sa UP, ngayon lang ulit ako tinamad ng ganito. Ako na siguro pinakatamad na tao e.

Tinamad din ako matulog kagabi and around 3 am na ako nakatulog kase binasa ko pa yung book na nirecommend sa akin ni bff nica.

Tinamad din kase ako basahin yun kaya on rush kong binasa kagabe yung librong yun. 'Di ba? ganun ako katamad.

Alam kong naaawa kayo ngayon sa kalagayan ko. Imagine 3 am ako natulog tapos pilit na ginising ng 6 am. Grabe ang sakit sa ulo nun.

Wala naman akong magawa kase gusto ko na ring umuwi ng probinsiya. Nakakabagot yung fast-paced life dito sa maynila, particularly sa makati.

Problema ko lang po yung katamaran ko. Kung pwede lang sana isang clap lang at nandun na agad kami sa probinsiya, siguro hindi na kami tumira dito.

Si papa naman kase dito pa nagwork sa BGC. E pwede naman sa probinsiya namin. May mga bangko naman dun na maganda rin ang pwedeng maioffer na position para sa kanya especially na graduate din siya ng UP.

Yes. graduate po papa ko ng accountancy. sa totoo lang, gusto niya rin ako dati i-enroll sa course na accountancy. pero sabi ko lang, "kailangan ko pang lumunok ng sampung sci-cal bago mangyari yan."

Corny ba? E wala naman kase talaga akong kaalam-alam sa math or anything na related dun. if confused po kayo pano ako nakagraduate. madali lang naman po e. Sinisikap ko naman aralan ang math pag kailangan lang pero pagtapos na yung exams, lanakompake dun.

Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon