Ilang sandali lang ay biglang umupo si Gian mula sa pagkakahiga. Napaupo na rin ako.
"Ah, Gian?"
"Hmmm?" Lumingon ito sa direksyon ko.
"Bakit ka nga pala bumalik dito?"
Hindi ito sumagot agad, bagkus ay ngumiti muna bago magsalita. "Hmm. Let's play a game nalang. Isang tanong, isang sagot. Ang hindi sumunod pipingutin."
"Ha? Ang OA naman niyan."
"Ayaw mo? Sige. Wag nalang tayo mag-usap."
"Osige na nga." As if naman atat akong makipag-usap sa kanya. Curious lang ako no.
"Okay. Game. May gusto lang akong balikan."
"Gustong balikan?"
"Opo. Nakakamiss kase ang lugar na to. Dito kaya ako lumaki. My happiest years were here in this place kaya gusto ko talagang bumalik dito since Day 1 pa nung pumunta kami ng America. Isa pa, gusto rin ki— teka nga, isang tanong, isang sagot diba?" Nakakunot noo itong tumingin sa'kin at bigla na lamang akong piningutan.
"Aray!" Hinampas ko siya sa braso. "Para san yun?"
"Dalawang beses ka nang nagtanong, dapat ako naman." Natatawa nitong wika.
"Ah ganun?" Piningutan ko rin siya. Hindi ako papatalo no.
Sinubukan nitong pumalag pero huli na dahil mabilis ang kamay ko at naabot agad ang tenga niya.
"Aray! Bat mo ko piningutan?" Naluluha nitong sabi.
"Eh sumagot ka rin naman nang magtanong ako ulit. Dat hindi ka sumagot."
Pinaningkitan lang ako nito ng mata. "Sige quits na tayo. Ako naman. Iniiwasan mo ba ako?"
Napahinga ako ng malalim "Gian, ilang beses ko bang uulitin na—"
"Hep! Hindi ko pala nasabi, rule no. 1 sa game na to is bawal magalit. kapag nagalit, it means in denial ka."
"Edi wow. Imbento mo lang yan eh."
"Hmmm. Nagalit ka, it means in denial ka. It also means, iniiwasan mo nga ako."
"Hoy—"
"Oh? Magagalit na naman. Sige mamaya ka nalang mag-explain." Natatawa nitong sabi.
Umirap lang ako "Sige ako naman. Hindi ba awkward sa'yo na bestfriend mo ako?"
"Anong gusto mo? Boyfriend?"
Piningutan ko ito. "Hmm. Ayan! Pag tinanong ka, sagutin mo ng matino. Hindi yung tanong din ang sagot mo."
"Eeh. Ano ba kase ibig mong sabihin?"
"Why do you still treat me as your bestfriend?"
"Ewan ko Dane pero parang nasasaktan ako sa tanong mo. Pero sasagutin ko yan, bestfriend kita eh. Hindi ba yun malinaw? Is there a better reason to explain why? I think it's enough to say that you were the first person who I could trust and we knew each other very well, Dane. I hope we still do. Bakit? Hindi na ba ako ang bestfriend mo?"
"Hoy ang drama mo naman. Of course, bestfriend pa rin kita. Pero hindi ka ba nabigla na iba na ako?"
"Anong iba ka na? Na bakla ka?"
"Hindi yun. Tanga naman neto. Alam naman natin yun since then. Ibig kong sabihin, iba na attitude ko o mga hilig ko, in other words baka hindi na ako ang Dane na kilala mo."
Napangisi ito "Ikaw pa rin ang Dane na bestfriend ko. Ikaw pa rin ang Dane na iyakin kapag inaaway ng ibang mga bata. Ikaw pa rin ang Dane na nagdadabog kapag natatalo sa laro. Ikaw pa rin ang Dane na nagagalit sakin agad kapag may ibang kasamang kaibigan dahil selfish ka, gusto mo sayo lang ako."
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]
Novela JuvenilPaano kung dumating ang isang araw na bumalik ang taong minahal mo noong mga bata pa kayo? Hahayaan mo ba ang sariling mahulog at masaktan ulit? Para kay Dane, no! Gagawin niya ang lahat para mapigilan ang sarili na mahulog muli sa taong dati ay lub...