Chapter Four

3.1K 133 11
                                    

Habang dinadama ko yung ano niya sa ilalim ng pants niya, biglang nagring naman yung phone ko na agad ko namang hinanap sa dala kong sling bag.

"Sino yan?" Tanong ni Gian na nakaupo na.

Excited ba siya? Hindi niya ba nakikitang hinahanap ko pa phone ko?

"Ah si Nica lang." ani ko nang mahanap ko na.

Agad namang bumalik sa pagkahiga si Gian at tumitingin lang sakin.

"Hello. Bakit?" Pagtataray ko kay Nica. Kase naman napaka isturbo!

"Asan ka raw ghurl? Hinahanap ka ni Tita. Tumawag sakin kala niya magkasama pa rin tayo."

"Ha? Ah eh. Sabihin mo pauwi na may binili lang."

"Owwwkeeeeeyy."

"Oh? Bakit? Ano bang iniisip mo?" Tanong ko. Parang may mali kase sa tono eh. Kilala ko to si bruha pag may maruming iniisip.

"Ay walaaaa. Alas nuebe na kase ng gabi at wala ka pa sa bahay niyo. And as I remember, iniwan kit kay Gian sa Mcdo?"

"Oh? Ano naman ngayon?"

"Wala nga dibaaa. Osige na ghurl. Inform ko nalang si Mama mo na pauwi ka na. Bye! Mwa!" Aniya at sabay patay ng phone.

"Bakit daw?" Biglang tanong ni Gian na nakahiga pa rin.

"Pinapauwi na ako." Aniko nang matamlay. Sino bang hindi tatamlayin eh nabitin ako sa ginagawa namin! Charot! Hehe.

At ayun na nga mga beks nagdesisyon na kaming umuwi ni Gian. Wala siyang magagawa eh gusto ko nang umuwi. Ako masusunod. Charot! Hehe.

Pagkauwi ko ng bahay agad naman akong inararo ng mga tanong ni mama. Haaay! Kakauwi ko palang daw from Manila, lakwatsa ng lakwatsa na naman ako bla bla bla. Ano bang bago? A mother will always be a mother.

"Sino naman kasama mo at ginabi ka?" Masungit na tanong ni mama.

"Si Gian ho." Sagot ko nang makaupo ako sa dining chair dahil kakain na ako. Nagutom kaya ako dun sa kadramahan namin kanina ni Gian.

"Ah si Gian ba? Oh papasukin mo dito. Kumain na ba siya?" Sunod sunod na tanong ni mama. Aba bigla yatang nag-iba mood ni mama nang mabanggit si Gian.

Sabagay eh paboritong paborito niya si Gian sa mga kaibigan ko. Ay! wala naman kase akong ibang kaibigan na super close kundi si Gian lang. Kaya magaan loob ni mama sa kanya. Mas mahal pa nga siguro niya si Gian kesa sa akin na anak niya.

"Ay umuwi na ho. Hinatid niya lang ako rito at dumeretso na agad sa kanila. Hinihintay na rin siya ng Tita niya." Sagot ko kay mama habang kumakain.

Habang kumakain pa rin, bigla namang tumunog ang phone ko. May nagtext. Tinignan ko kung sino pero number lang. Wow? For the first time in forever may nagkainterest din sakin magtext. Madalas kase Globe or 4438 lang nag-aaksaya ng panahon magtext sa'kin eh. Sino kaya to? Uso na kaya chat ngayon. Bakit hindi nalang nagchat?

Aba ewan ko sa kanya. Later ko nalang basahin kung sino parang hindi naman importante hehe.

Habang kumakain pa rin (Oo mga besh. Matagal talaga ako kumain) bigla na namang tumunog yung phone ko. This time, tumatawag na. Aba? Sana all may load.

"Sino ba kase to?" Tanong ko sa sarili na iritang irita kase nga kumakain pa.

"Hello?" Ani ko nang sinagot ko na yung tumatawag.

"Hello?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses sa kabilang linya. Lalaki at hindi familiar ang boses.

"Sino po sila?"

Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon