"Dito pa talaga kayo maghahalikan?"
Natauhan at napadilat ako ng mata. Sabay naman kaming napalingon ni Gian sa nagsalita. Si Leonil lang pala. Naka sando ito at jersey shorts.
Kahit kailan talaga Leonil, panira ka talaga ng moment. Nagmomoment kami ni Gian dito, hindi mo ba nakikita? Ugh!
Kumawala naman ako kaagad mula sa mga bisig ni Gian." Kami maghahalikan? Never!"
Pero 'di nga? Balak niya ba akong halikan or what? Loko-loko ka talaga Gian!
Hindi ako assuming. Sadyang marupok lang talaga ang puso ko kaya hindi na rin ito mapakali at kung anu-ano nalang binubulong sa utak ko.
Hoy puso! Umayos ka nga. Hindi ako hahalikan ni Gian. Nagdrama-dramahan lang ang lokong ito dahil nainis sa'kin. Wag kang ano.
"Oy pare!" Wika ni Gian kay Leonil sabay apir.
"Hindi ka na namin nakikita ah, sabi ng Tita mo na-ospital ka raw?"
"Na-ospital? Hindi ah."
"Eh pumunta kami dito sa inyo kahapon. Yayayain sana ka namin mag inom, pero sabi ng Tita mo nasa ospital ka raw."
"Namisinterpret mo lang. Nandoon nga pero hindi ako naadmit." Natatawang sagot ni Gian.
Ba't di mo nalang kase sabihing may binibisita kang nurse? Ha Gian? Nang magkaalaman na.
"Nasa ospital si Gian kase may jowa siyang nurse!" Pagsingit ko naman at ibinaling ng dalawa ang tingin sa'kin. Inunahan ko na siya para naman hindi ako magmukhang tanga pag siya ang nagsabi.
Napangisi ang Leonil. "Aahhh kaya naman pala high blood na parati itong si Dane."
"Ikaw ginogood time mo na naman ako. Gusto mo tusukin ko mata mo? Chismoso!"
"See?" Ani ni Leonil kay Gian.
Tumatawa-tawa lamang si Gian at hindi na nagsalita. Hoy! Idefend mo naman ako Gian at sabihin mong hindi mo bet yung nurse at nagkakamali lang ako. Sige na po.
"Sira ulo! High blood lang itong bespren ko kase abala sa pagrereview." Wika ni Gian sabay akbay sa'kin "Diba, bespren?"
Napanguso na lamang ako dahil sa ginagawa ni Gian. Little does he know, kinikilig lang talaga ako.
Siniko ko naman agad ang loko at napangiwi ito sa sakit.
"Aray ko naman. Ngayon lang tayo ulit nagkita, sinasaktan mo na ako." Pabebeng wika ni Gian.
Mas masakit pa kaya yung araw na iniwan mo ako.
"Wag ka ngang dikit ng dikit. Kadiri ka. Baka mamaya magalit jowa mo." Itinulak ko ang loko palayo sakin.
Ginulo naman nito ang buhok kong ineffortan ko pang ayusin kanina. "Arte nito. Sino pinagsasabi mong jowa ko?"
"Edi yung nurse kanina. Nakita ko kaya lumabas sa bahay niyo."
Tumango-tango ito "aaah.. si Nurse Via yun. Hindi pa kami nun."
Napatitig na lamang din ako kase hindi ako makareact ng bongga. So totoo pala ang chismis na nanliligaw siya sa nurse na yun? Pucha talaga mga te. Pack up na!
Naniningkit naman ang mga mata ni Gian habang tumititig sakin. "Hmmm... teka nga. Nagseselos ka ba?"
"A-ako nagseselos? Bakit naman?"
"Eh nakasimangot ka eh."
"Eh s-syempre.." Napahinga ako ng malalim "D-di ko man lang kase alam na may jojowain ka na pala? Di mo man lang kase chinika sakin before." Hmmm palusot ko na may sarcastic na tono.
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]
Teen FictionPaano kung dumating ang isang araw na bumalik ang taong minahal mo noong mga bata pa kayo? Hahayaan mo ba ang sariling mahulog at masaktan ulit? Para kay Dane, no! Gagawin niya ang lahat para mapigilan ang sarili na mahulog muli sa taong dati ay lub...