"Two copies each po nito and one copy nito." Ani ko kay aleng Lina. Ang may ari ng pinakasikat ng photocopy-han sa barangay namin. Eh pano, computer shop lang naman niya ang may photocopier hehe.
"Dane. Balita ko graduate ka na raw?" Pakikipagchismisan pa ni aleng Lina habang ginagawa ang trabaho niya.
"Ah Oo." Tanging sagot ko lang at ngumiti.
"Naku buti ka pa. Alam mo itong si Leonil, ewan ko jan. Papalit palit ng course. Ikaapat na yan nag shift at ngayon ay Architecture naman ang kinuha. Haaay!
Buti ka pa at graduate na. Wala nang pagpapaaralin si Mam Diona."
"Ay jusme aleng Lina! Anong mabuti sa graduate? Eh ito nga ako ngayon abalang abala sa pagpophotocopy ng mga reviewers. Kung ako tatanungin mo, mas pipiliin ko pang maging estudyante nalang forever."
Napangisi naman ito at napailing. "Ito talaga. Ano nga pala ang course mo hijo?"
"Education po."
"Tingnan mo nga naman. Napakaswerte talaga ng mama mo at may sumusunod sa mga yapak niya."
Napailing nalang ako sa narinig. Anong maswerte dun? Nakakapagod din kaya maging teacher.
"Oh siya! Ito na ang mga pinaphotocopy mo."
Kinuha ko ang mga papel at iniabot ang bayad kay aleng Lina.
Nang makalabas sa computer shop nila aleng Lina ay bigla namang bumungad sa harapan ko si Leonil, ang anak niya.
Agad naman akong napahangad dahil sa tangkad nito. Magkasin tangkad sila ni Gian at parehong gwapo kaya hindi ko rin naiwasan ang matameme na lamang habang siya ay nakayuko sa'kin.
Bakit ba kahit saan ko nalang naaalala si Gian? Kahit dito kay Leonil, nakikita ko si Gian eh ang layo naman ng istura niya para mapagkamalan kong si Gian. Mas gwapo kaya yung bebe ko. Charot.
Teka nga, bakit naman napunta kay Gian ang topic?
"Uy. Dane!" Wika ni Leonil na nakangiti na tila bay pinapawindang ako sa braces niya sabay paltik ng mahaba-haba niyang buhok.
"Hmm." Ani ko at tumango at nagpatuloy sa paglalakad.
Ayokong maassociate kay Leonil. Kase minsan nang nag-away kami ni Apol dahil dito. Nagselos ang bakla kase bakit daw kami close? Aba. Eh syempre magkalapit bahay lang kami. Manigas siya.
"Wow suplada." Dinig kong sambit nito na parang nang-aasar. "Asan na pala si Gian?" Tanong pa nito dahilan para mapalingon ako.
Hindi naman maiwasan ng mga kilay ko ang magsalubong dahil dito kay Leonil na tila bay nang-aasar at nakangisi pa. "Aba ewan ko. Hindi ako hanapan ng mga asong nawawala."
"Woah woah. Chill." Wika nito at bahagyang napaatras sa kinatatayuan. "Mainit ulo mo ah? Nagtatanong lang po."
Natauhan naman ako sa sinabi nito at agad na umayos. "Ah sorry. Stressed lang siguro."
Onga naman. Bakit ba ang init init na madalas ng ulo ko? As far as I remember, nagsimula ito nang bumalik dito si Gian. Hindi na ako makakilos ng maayos dahil sa lalaking yun. Langya! Ano bang meron sa kanya?
"Dahil ba dyan sa mga papel na yan?" Tanong ni Leonil sabay turo sa mga bitbit kong photocopies. "Wag kase over studying. Mag chill ka naman."
Yun. Medyo nainis ako dun sa sinabi niya pero dinedma ko na lamang kase hindi naman nito naiitindihan ang situation ko ngayon. Hello magtitake ako ng board exam? Anong chill ang sinasabi niya?
Ngumiti lamang ako at tumitig ng diretso kay Leonil. "Bakit mo pala hinahanap yung beb—este si Gian?" Muntik na ako dun mga besh.
"Hindi na kase siya namin nakakalaro sa basketball. Dalawang araw na."

BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]
Teen FictionPaano kung dumating ang isang araw na bumalik ang taong minahal mo noong mga bata pa kayo? Hahayaan mo ba ang sariling mahulog at masaktan ulit? Para kay Dane, no! Gagawin niya ang lahat para mapigilan ang sarili na mahulog muli sa taong dati ay lub...