Chapter Two

3.4K 134 2
                                    

Nagising ako sa malakas na kanta na Passenger Seat ng Stephen Speaks. I can assure na si kuya nagpapatugtog kase isa to sa mga paborito niyang kanta. Pabalikbalik naman lang talaga yung mga pinapatugtog niya since noong high school pa siya-pansin ko lang.

Ano ba nangyari kahapon?

Ay Oo nga pala. Bumalik ako deretso sa kwarto ko. Tinamad na rin kase akong lumabas kagabi at hindi naman kase agad nagsisink-in sa'kin na nakita ko na ulit si Gian.

Si Gian na payatot dati pero crush ko pa rin.
Si Gian na mahilig mang-asar kase iyakin daw ako pero crush ko pa rin.
Si Gian na inaway ako dati kase hindi ko siya pinakilala sa crush niya noong grade 5 kami-kase nga crush ko siya-pero crush ko pa rin.

As I still remember, siya lang palagi kasama ko dati. Siya pa nga yung palaging pumupunta dito sa bahay para kunin ako at gamit niya palagi yung bike niya. Kamusta na kaya ngayon yung bike na yun? Dami namin kaya memories dun. Naaalala ko na nagbabangayan pa kami palagi dati kung sino yung magbabike at kung sino yung angkas lang, at sa huli ako lang naman palagi ang angkas, nakakatamad kaya mag pedal. Hindi naman siya makaangal sa'kin, palagi ko kaseng sinasabi na di nalang ako sasama pag ako magbike, kaya ayun angkas lang ang beauty ko, wala naman kase siyang choice kundi sundin ako kesa sa mawalan siya ng kasama.

Kung saan-saan kami napapadpad, nalibot na nga siguro namin yung buong Calbayog na gamit lang yung bike niya e. Ganoon kami kaclose dati. Ganoon kami kasweet-charot!

Hindi naman sa namiss ko siya at crush ko pa rin siya hanggang ngayon no, ang pogi na niya kase ngayon lalo e. At ang sarap-este ang tangkad niya pa. Mga 5'9 or 6 siya, 'di ba? Sino bang hindi mapapaangat ng ulo idagdag niyo pa yung gwapo niyang mukha. At yung biceps, triceps niya... shookt talaga ako mga beks para siyang pamangkin ng isang Greek God.

May biglang kumatok sa kwarto ko habang nakatulala pa ako sa ceiling na may nakalagay na quote ("Keep Moving Forward" - Walt Disney) na nakalagay na since six years old ako.

"Pasok." ani ko habang dahan dahang bumabangon.

"Andito si Nica." sabi ni kuya nang sumilip siya sa kwarto ko.

Kanina pa kaya si Nica? Dapat dumeretso nalang siya dito sa kwarto ko tutal wala namang kwentang tambayan yung sala sa bahay tapos ang ingay pa ng mga kanta ni kuya na catchy naman pero nakakasawa na.

Tumango lang ako kay kuya na agad namang bumalik at sinara ang pinto.

"Hi Guuurrl!" Bati ko kay Nica nang makita siyang komportableng nakaupo sa isa sa mga upuan sa sala habang busy kakascroll sa phone niya.

"Hey" Sagot niya lang at tumango habang busy pa rin kakascroll ano ba kaseng ginagawa niya?

Pasimple akong sumilip sa phone niya na hindi ko naman nakita kase naka privacy screen yung gaga. Hahays. May tinatago e.

"Uy! Ano? Pumunta ka lang dito para makiwifi at magdownload ng mga porn?" Sigaw ko at nagulat naman siya kaya napalingon na ang bruha sa'kin na parang natatawa o naiirita.

"Hindeeee. Naiinis kase ako dito kay Rio. Hindi niya sakin sinabi na 'di siya uuwi ngayon na katatapos lang din ng graduation niya sa Cebu." Paliwanag niya sabay ayos ng buhok niyang mahaba at makintab. Char. Kakarebond lang siguro nito.

"Or you mean naiinis ka kase nag-aksaya ka pa magparebond?" Pang aasar ko na ikinatawa naman niya. Half truth siguro yung sinabi ko. "Nahiya naman ako kay Rio. Pinag-effortan mo pa at ginastusan." dagdag ko sabay erap kay Nica.

"Shyrempre" ani niyang pabebe. Landi ng bruhang to.

Buti nalang di uuwi ngayon si Rio wala naman siyang kwentang boyfriend at kaibigan. Biruin niyo, pag nagpaplano kami ni Nica na gumala with some other friends, pinagbabawalan niya si Nica na sumama. Si Nica pa talaga yung hindi makakasama na kami naman dalawa madalas magplano ng lakwatsa.

Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon