Dahil maloloka na ako sa nakita ko.. Sinundan ko sila.. Oo ako ng stalker.. Di ako makakatulog nito mamayang gabi eh.

"San kaba pupunta huh Shine?"

"Sa puso ni Adrian"
Wala sa mood kong sagot..

Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanila hanggang sa tumigil sa paglalakad yung babaeng kasama ni Adrian at napaligon sa amin.. Medyo malapit lang ang agwat namin..

"Sinusundan mo ba kami?" Medyo mataray nyang tanong sa amin

"Why would we?? Dito din kaya ang daan papunta sa amin.. *assuming*"
Totoo yung sinabi ko.. Sinusundan ko sila pero dito din ang daan namin.. After namin sabihin yun na una na kaming maglakad dahilan para malagpasan namin sila..

Nung medyo malayo layo na kami..

"Taray mo Shine!!" Sabi ni Cham at binatukan na naman ako

"Yung totoo guys.. May galit ba kayo sa akin?? Lagi nyo kasi akong binabatukan eh"
Sabi ko sa kanila.

"Wala naman.. Mahal na mahal ka nga namin eh" sabi ni Janine

"Ewww.. Kadiri ka Jan.." Sabi ko..

Tumigil na muna kami para makasabay namin sina Adrian

After some minutes.. Nakalagpas na sila sa amin.. Kaya kami naman sunod na naman..

At nanlaki ang mga mata ko ng malaman kong kapitbahay ko pala ang babaeng kasama ni Ma Labs.. Ang saklap araw araw ko syang makikita.. Nahalata ata ni Girl ang pagsunod parin namin sa kanila kaya napalingon sya sa amin.. Kaso inunahan ko na sya..

"Di ka namin sinusundan.. Like duh?! Sino ka ba para sundan namin?? And lastly.. Dito ang bahay ko!" Mataray kong sabi sabay turo ng blue na bahay..

Pumasok na kaming tatlo sa bahay ko.. At dun pinagbabatukan na naman akonng dalawang toh.. Walang awa sila dre!!!

"Di mo ba alam na sa ikinilos mo kanina eh.. Pwedeng mag iba ang tingin sayo ni Adrian??" Sermon sa akin ni Cham..

Simula na naman sila.. Haaayyy..

"Kasalanan ko ba??? Buti na nga lang nakag pigil pa ako eh" nanggagalaiti kong sabi.. Ai ewan ko ba kung bakit naging ganito ang reaksyon ko

"Nagseselos ka Shine.. Kaya ganyan ka.." Mahinang sabi ni Janine..

Buti na lang soundproof tong bahay ko kung hindi naku!!! Narinig na nang babaeng yun ang pag uusap namin.

Haaayyyy.. Sa tingin nyo nagseselos nga ba ako?? Ewan ko kasi sa sarili ko eh.. Ansakit!!!

Ang hirap kasi mag mahal lalo na kung di ka mahal ng mahal mo.. Ang hirap mag selos lalo na kung wala ka naman sa lugar para mag selos.. At higit sa lahat.. Ang hirap umasa lalo na kung wala ka namang dapat asahan!!

"Huy Shine!! Wag ka nga umiyak.. Marami pa naman jan eh. May mga taong nag mamahal sayo.. Bakit di mo sila bigyan ng chance?"

"Kasi di naman sila ang mahal ko! Di sila si Adrian!"

Di ko namalayang naiiyak na pala ako..

Napaka unfair ng life!! Lalo na kung pagdating sa pagmamahal!! Bakit kasi kailangan pang may masaktan eh!! Bakit sa dinami dami ng masasaktan ako pa??

Bakit Adrian?? Bakit sya pa?? Andito naman ako eh!!

Pero ano namang panama ko sa babaeng kasama nya?? Maganda sya.. In short bagay sila.. Eh ako?? Isang hamak na normal girl.. Normal girl na nerd at bitch ang ugali.. Normal girl na umaasang mahalin nya rin ako..

Andadrama ata ng lahat ng chap noh?? Hahaha di bagay sa mood ko today.. Im happy eh.. Hahahaha..

Vote and comment kung nagustuhan nyo!! Chalamats ♥

Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon