Chapter 1 (part 2)

21 4 0
                                    

" I-I'm not the best b-but I promise I will always love you " sabi ni Ynna kay Jero na halata namang namumula na sa hiya. 

Kinilig naman ang mga classmates ko as if totoo ang nakikita namin sa stage. May ilang kaklase ko ang pinatigil ang ibang humuhiyaw dahil hindi makapag concentrate si Ynna. 

Umakyat naman ako sa stage at inayos ang ilang props sa gilid. 

" uy magsalita ka na, kanina ka pa nakatunganga dyan." bulong ni Ynna kay Jero na medyo natatawa na rin kay Ynna.

" ah,I-I, teka!!! nakalimutan ko yung next line ko!" natatawang wika ni Jero at kinuha ang hawak na script ni Ynna.

"ano ba naman yan Jero ilang ulit na tayong pabalik-balik sa scene na'to oh! Ayusin mo kaya!" galit na wika ni Ellaine na siyang director ng stage play namin.

Pinagalitan na muna ng ilang classmate ko si Jero. At ako naman nasa gilid lang at tinutulungan ang mga kasama ko sa paglalagay ng mga ilaw sa kesame ng stage.

" Oo na sorry! Eh kasi naman itong si Ynna nakakatawa! " paliwanag nito at kinainis naman ni Ynna.

"huy wag mo akong madamay-damay dyan ha!" pasigaw nitong sabi kay Jero at sinapak siya sa balikat.

Pinabalik na ulit sila sa stage at nagsimula nanaman kami sa last scene namin.

" I'm not the best but I promise I will always love you," this time medyo naayus narin ni Ynna ang pagsasalita niya at tumigil na rin sa pangungutya ang mga kaklase ko.

" Mianne, I know.. And I promise I'll protect you-----------" biglang naputol ang pagsasalita ni Jero ng biglang dumating ang teacher namin na may kasamang ibang students.

"how's your practice class?" panirang wika ni Ma'am Wenna sa moment.

Nagbulungan naman yung mga kaklase ko sa mismong gilid lang ni ma'am, " ano bayan , perfect na sana eh!"

Napatigil kami lahat at bumaba na rin si Ellaine para magsilbing spokesperson namin na kanina pa mainit ang ulo sa mga actors.

" ah ma'am napadalaw po kayu? " pilit na napingiti si Ellaine para di mapansin ni Ma'am na pagod na pagod na kami.

" I just want to make sure na ongoing pa rin yung practice ninyu para sa upcoming foundation day ng school natin, maganda na ba ang outcome ng practice ninyo?"

Tumawa ng papilit at mahina si Ellaine," haha, opo naman po Ma'am ang GAGALINg at MASUNURIN nga po ang mga napiling actors namin ma'am eh, hehe" halatang eni-emphasize niya ang word na magaling at masunurin sabay tingin sa'min.

"That's good, by the way ito nga pala sila yung sinasabi kong mag-a-assist sa inyu dito, kindly introduce yourselves students." nakangiting wika ni ma'am at pinakilala sa'min ang mga kasama niya.

Senior High-school na pala sila, may ilang graduating na at ang ilan ay grade 11 pa. 

"Well nice to meet you mga ate at kuya! sana mag-enjoy po kayung kasama kami!" buong galang na wika ni Ellaine sa kanila.

Umakyat na ako sa ladder at nagkabit ng mga pabitin pagkatapos umalis ni ma'am. Bumalik na rin ang iba sa mga ginagawa nila.

Si Ellaine naman busy sa pakikipag-usap sa mga Seniors.

" Yuki, pakilagay rin nito oh, pinapalagay nung lalake." biglaang sabi ni Risa, kaklase at inabot sa'kin ang matitingkad na ornamental bulbs, sabay turu sa lalakeng nakatingin sa direksyon namin.

Malamig na tingin ang pinukol ko sa kanya at ikinabit ang mga ornamental bulbs. 

' Lakas ng loob na mag-utos ' isip ko.

" may kailangan pa ba siya?" tanong ko kay Risa na nakabantay lang sa baba.

" Wala na, sige ha tatanungin ko pa si Ellaine kung anong kailagan niya." nagpaalam na si Risa. 

Tiningnan ko ulit yung lalake, nakatingin pa rin siya sa'kin. Nung napansin niyang nakatingin din ako sa kanya ay agad naman siyang umiwas ng tingin at bumaba sa stage. napabuntong hininga nalang ako.


Pagsapit ng uwian nagpaalam nayung iba naming kasama. Iilan na lang ang natira sa amin pati na rin ang ilan sa mga Seniors na kanina pa busy sa pag aayus ng mga props.

" Yuki, sure ka bang magpapaiwan ka?" tanong sa'kin ni Ellaine.

Tumango lang ako at kumuha ng bottled water sa lamesa. Lumapit na rin yung iba tsaka umupo sa gilid ng stage para magpahinga sandali.

" Okay guys, mamayang 7 siguro matatapos na natin ang kailangan tapusin tonight, dahil we only have more than 1 week." sabi ni Ellaine sa'min.

" Oh siya guys bumalik na tayo sa ginagawa natin!"

Tinulungan na rin ako ni Ellaine sa paggupit ng mga colored paper. Palinga-linga naman siya dun sa lalakeng nagutos sa'kin. Napapansin ko ring patingin-tingin rin siya sa'min.

" May problema ba Ellaine?" tinanong ko na siya dahil medyo naiirita rin ako dun sa lalake.

" ah, wala naman. Sakto na siguro ang dami nito. Dali ilagay na natin sa box."

"sure." 

Pagkatapos naming mailagay ay tinawag naman bigla si Ellaine ng kaklase ko at naiwan nanaman akong mag-isa sagitna ng ibang tao.

" Can I help you?" malalim na tinig na bigla nalang bumulong sa'kin.

Nagulat tuloy ako at nabitawan ang hawak na kahon.

" ah, sorry".

Tinaas ko ang tingin sa kanya. 

Yung lalake pala kanina.


////////////////////////////

Don't forget to comment below!

thanks for reading!!

A Dance With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon