Chapter 1

38 4 3
                                    

Yuki

Padabog na lumakad pababa sa hagdan ang maganda kong kapatid.Halos maramdaman kong lumilindol yata sa buong bahay, nilingon ko siya at nakitang nakasimangot nanaman ang mukha niya.

Ano nanaman  kaya ang problema ng bruha na'to? Baka madamay nanaman ako sa init ng ulo niya.

"Anong gusto mong agahan Junalin?" pambungad ni Ate Maricel sa kapatid ko na halos sampung taon nang nagtratrabaho sa amin. 

" May pagpipilian  pa ba ako? " sagot nito at umupo na rin sa lamesa. Dinukot ko na ang pinakamalaking karne sa lamesa at sinubo tsaka tumayo na.

" O Yumi di mo ba tatapusin man lang tong pagkain mo?" tanong sa'kin ni Ate Maricel.

Di nalang ako sumagot at lumabas na ng bahay. Naghintay ako ng tricycle sa waiting shed ng subdivision namin

Tumingin ako sa wrist watch ko at halos 5 minutes na pala akong late. Patay na ako pagdating dun.

Saglit lang ay may dumating kaagad na tricycle at may lalake pang nakaupo sa loob. Papasok na sana ako ng bigla niyang nilagay ang back pack sa natitirang upuan.

" Aba sarap sapakin nito, para namang may lamang ginto yang bag niya at kailangan pa talagang paupuin." sabi ko sarili at umupo nalang dun sa likod ng tricycle bago pinaandar ni Manong.

Pagdating sa school, una na akong bumaba at tumakbo papasok sa room namin na nasa gilid lang gate. Nakita ko pa siyang lumabas at nagbayad kay manong. Hindi ko maaninag kung anong itsura niya kasi nakatalikod siya at nahaharangan ng mga dumadaan na mga estudyante. 

Pero matangkad siya at maputi, sa tingin ko nasa senior high na siya.

" Yuki!! Andito ka na pala! Dali may report pa tayong gagawin!" bungad sa'kin ng isa kong kaklase habang papalapit sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at inabot naman ni Kate sa'kin ang manila paper at isang marker pen. 

"Ikaw na gumawa ha, may gagawin pa kasi akong importante dun sa guidance. " Tugon niya at lumabas na ng room. 

Nilagay ko na muna ang bag ko sa arm chair. Binuklat ko na muna yung manila paper. Hay naku, magiging busy na yata kami nito dahil malapit na yung sem break.

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula nang magsulat.


Natapos ang buong klase na halos mabaliw ako sa mga huling requirements ng mga teachers namin.

Yung iba kong mga kaklase nagsimula nang magligpit ng mga gamit. Niligpit ko narin yung mga libro ko at kumuha ng walis sa broom box.

Sa school kasi namin lahat ng mga students kailangang maglinis ng mga assigned area. Hindi kasi nag hire ng  Janitor ang school namin para naman maging responsable rin kami. 

Pagkatapos ng paglilinis sumabay na akong umuwi sa mga classmates ko. tutal pare-pareho lang kami ng daan pauwi.

"Tahimik ka yata Yumi?" tanong sa'kin ni Ynna, classmate at close friend ko rin. 

Nga pala Yuki tawag nila sa'kin, kasi ako narin ang nagsabi na real name ko ang gamatin dito sa school kasi sanay akong sa bahay lang tawaging Yumi.

" ah wala. Nagkasagutan nanaman kasi kami ni Mama kagabi, ayun hindi umuwi, baka nandun nanaman sa boyfriend niyang 20 anyos." 

Halatang nagulat si Ynna sa sinabi ko," anoo?! May bf yung Mama mo?inunahan ka pang magkaboyfriend Yuki!!" tumawa siya ng malakas pero agad namang tumahimik ng mabasa niya ang expresyon ng mukha ko.

" Sorry, pinapatawa ka lang."

"Di naman ako galit," wika ko sa kanya at pilit na ngumiti.

Pumara na ako pagdating sa tapat ng gate ng subdivision namin at kumaway sa kanila.

Bago pa man ako mapasok ng guard ng subdivision ay may dumaan na tricycle at natalsikan ako ng putik sa blouse ko. As in halos kumulay brown na ang damit ko.

Nakatayo lang ako doon at tiningnan ng masama ang humarurot na tricycle. " di man lang nag-sorry"

" okay ka lang miss? " tanong sa'kin ng guard.

Kung ikaw kaya manong, nagyare to sa'yo okay kalang?

May tumigil namang na jeep at bumaba si Junalin na nay dalang grocery. Nagulat din siya sa itsura ko at mabilis na lumapit sa'kin. 

" Ano bang nagyare sa'yo? di ka naman pinalaki ni Mama na maging baboy ah!?" mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya dahil 'di naman humingi ng tawad. 

"Abnormal." Inabot ko na ang panyo na kanina niya pa binibigay sa akin at nagpunas ng mukha.

Malas ko today; summary nang araw ko ngayon period.



////////////////////////////////////////

Sana magustuhan niyo po ang Last dance. 

kung meron po kayung masasabi just comment below.

A Dance With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon