Chapter 5

26 0 0
                                    

" Anong tinitingin-tingin mo?!" naiiritang tanong ni Junalin.

Lage na lang talaga siyang ganito. Parang araw-araw ay nereregla siya.

Umiwas na lang ako ng tingin at nanood ulit ng tv. HIndi kasi mawala sa isip ko yung nakita ko kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hawak-hawak ko ang isang bowl ng chips. Bigla naman siyang dumukot at mabilis na tumayo. Napatingin ako sa kanya sa gulat. Para siyang lumipad at pumulupot kay Cedric.

Nanlaki ang mga mata ko. Seriously, dito pa nila yun ginawa. Sa harap ko mismo.

Nakita kong ngumuso si Cedric sa direksyon ko which is, sa tingin ko hindi niya napansin na nakakahalata ako.

Bumitaw si Junalin at nagsalita bigla, " Uy Tito yung pinabili ko ha!! Bye po Tito!!"

Halata namang nagpapalusot lang siya. Tsk.

Ngumiti lang si Cedric at tumingin sa'kin,

" Alis na ko ha, mag-ingat kayong dalawa dito."

I rolled my eyes at tinoon ulit ang atensyon ko sa tv.

"Huy, Yuki, magpaalam ka nga kay Tito!"

Naiinis ako tuwing maririnig ko siyang ganito. Kung makaganyan parang inosenteng bata lang at walang masamang ginagawa. Hindi talaga siya nakokonsensya sa tinatago nilang dalawa.

Dahil parang kumukulo na ang dugo ko sa katawan, ginawa ko na lang ang gusto ni Junalin.

"Bye, po. Ingat."

Bye; Bye sa buhay ko. sarap niyang sakalin.

Ngumiti pa siya at tuluyan nang lumabas ng bahay. Sana hindi na lang siya bumalik.

"Huy, akin na nga yan." kinuha niya sa'kin ang hawak kong bowl.

Pinabayaan ko na lang siya at umakyat na lang ako sa kwarto ko.

Naririnig ko pa siyang naglilipat ng channels.

Pagkapasok ko sa kwarto agad akong humiga sa kama at tinitigan ang kesame. Parang lutang yata ang pag-iisip ko ngayon. Medyo mabigat ang pakiramdam ko.

Ano ba tong nararamdaman ko ngayon. Parang pasan-pasan ko ang problema ng buong mundo. Kainis.

Nakakaimbyerna ang mga nangyayare. At itong kapatid ko naman parang bruha kung makapaglandian sa Cedric na yun.

Hindi ako makatulog dahil sa mga iniisip ko.


Kinabukasan kailangan ko pang pumasok kaya maaga akong gumising. As usual hindi ko na naman nadatnan si Mama. Kaya naabutan ko Si Cedric at Junalin na naghaharutan sa kusina.

Hindi na ako kumain ng almusal at dumiritso na sa school. Sinalubong kaagad ako ni Ynna.

"Aga mo yata ngayon."

Tumawa siya ng mahina at tinapik-tapik ang balikat ko.

"psst. Yumi."

Nilingon ko siya sa tabi ko.

malungkot yata siya at nakayuko.

"Bakit?"

"mami-miss mo ba ako?"

Nabigla ako sa tanong niya. Pero naalala ko rin bigla na sa susunod na araw na siya aalis. Ang bilis ng oras.

"Ewan."

"Ewan?!" sigaw niya.

tumawa na lang ako ." Ano ka ba syempre oo, mag-isa na lang tuloy ako dito. Kaya dapat magmadali kang bumalik!"

Ngumiti siya ay kinorot ako sa pisngi.

"I promise!!"

*****

Excuse ako sa morning class namin dahil may practice pa kami. Tumungo agad ako sa Gym.

Naabutan ko pa silang nagre-rehearse.

Tumigil sila bigla ng makita nila akong papalapit. Kinabahan tuloy ako. Hindi ako sanay na nasa spotlight.

"YUUUKIIII!!!!! Thank you!! andito ka na talaga!!!" sigaw ng leader namin.

Dun ko lang napansin. Nandun din yung mga seniors. Nakangiti silang lahat sakin.

Hinila niya ako papunta sa stage at pinatabi dun sa lalaking inutusan ako nung huli kong punta dito.

NI hindi man lang niya ako binati.

Ngumiti na lamang ako sa kanya saka binaling ang atensyon sa leader namin na nagsasalita sa baba.

" Okay guys! Alam niyo naman siguro na we had some changes sa script natin and characters."

Tinawag niya yung assistant niya at inabot ang hawak na papel.

Tinawag niya isa-isa ang mga actors. At isa na ako dun. 

Lumapit naman sakin yung katabi kong lalaki at hinawakan ang braso ko.

"Tara"

Nagulat ako pero wala akong naging reaksyon dahil sobrang bilis niya at nakaupo na siya sa hagdan. May hawak siyang papel. Inabot niya sakin ang isa.

"Huh?"

Hindi ko talaga siya gets.

"Magre-rehearse tayo."

"P-Pero hindi naman ikaw ang p-partner ko"sabi ko habang nakayuko.

"He quit too."

Napaangat ako ng ulo. Pinagiisahan ba ako ng mga yun?

"That means, he need a replacement. And you know what I mean."

"Ikaw?" tanong ko sa kanya

Tumango naman siya.

Englishero pa. Pero hindi ko yata kayang tanggapin na ito ang partner ko. Promise hindi ako marunong umakteng tsaka hindi ako sociable. Kaya, mahihirapan siguro sila sakin.

"Start with your line"

I nodded. Pati ako napapaenglish na dito. Sa tingin niya pa lang kinakabahan na ako.

Kakasimula pa lang ng linya ko, pinatigilan niya na ako.

"From the start."






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Dance With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon