" Yuki!!!!" pasigaw na tawag ni Risa sa'kin habang papasok palang ng room.
" Bakit?" naguguluhan kong tanong at pumasok na kaagad ng classroom tsaka umupo sa upuan ko.
Naipaliwanag sa'kin ni Risa na biglaan daw na nag quit si Ynna sa pagiging bida sa stage play namin at kasulukuyang naghahanap pa sila ng kapalit. Wala naman dawng may gustong pumalit.
Napapansin ko ring aligaga si Ellaine sa pag aasikaso sa play habang nagpapraktis kami tuwing hapon.
Sinubukan naming e-recruit si Allysah na mula sa kabilang section na maging Mianne kapalit ni Ynna. Sa ngayon hindi pa sinabi samin ni Ellaine kung bakit tumigil si Ynna, sa tingin ko naman may problema siya.
" Kakausapin ko na lang si Ynna mamaya, hindi parin ba kayo nakakahanap ng bago?" tugon ko kay Ellaine habang nasa Gym kami.
" Wala pa rin eh."
Umalis na kaagad ako at pinuntahan si Ynna sa classroom namin. Inaasahan ko sana na makita siya doon pero wala naman siya kaya tinanong ko nalang sa mg kaklase ko.
Nakita ko rin siya sa wakas sa likod ng canteen na may kausap na lalake. Nagtago na muna ako sa gilid, baka kasi maka-isturbo lang ako.
Wala akong naiintindihan sa pinaguusapan nila ang napapansin ko lang ay para silang nag-aaway. Hinawakan bigla nung lalake si Ynna sa braso pero inalis niya ito at bigla nalang sinampal ni Ynna yung lalake, Napatakip ako ng bibig. Para lang akong nanonood ng teleserye.
Saglit lang ay umiyak na si Ynna, at hindi pa rin yata naka get-over yung lalake.
Hindi ako gumalaw sa pinagtataguan ko. Pero tumingin si Ynna sa direksyon ko kaya naalarma ako at kinabahan na baka makita niya ako.
Malapit na sana niya akong makita ng tawagin siya ng lalake at may sinabi sa kanya na hindi ko maintindihan. Umalis na kaagad ang lakake at iniwan si Ynna.
'Di ko man lang nakita ang mukha nung lalake na nagpaiyak sa bestfriend ko.
Lumakad na kaagad ako at lumayo kay Ynna.
Kinabukasan, late nang dumating si Ynna sa school. This time kinausap ko na siya tungkol sa pag-quit niya sa play.
" Sorry sa inyu ha, na disappoint ko kayo." malungkot niyang tugon habang nakatingin sa baba.
" Bakit ka ba kasi nag-quit?" tanong ko sa kanya
Huminga muna siya ng malalim at saka tumingin sa'kin.
" Si Ate kasi, tumawag siya sa bahay. Sabi niya dun na raw ako sa Singapore pag-aaralin. Hindi ko naman alam kung bakit pa. Eh wala naman kaming problema dito at tsaka graduating na tayo sa March."
Nakinig lang ako sa kanya habang hinuhugod ang likod niya.
" Next week na ang flight ko, 2 days bago ang play. Kaya nag-quit na kaagad ako para makahanap na kayu nang bago."
" Pero Ynna, wala pa rin kaming nahahanap eh. Walang may gusto ng lead role tsaka kung babalik tayo mula sa simula, mahihirapan mag-adjust yung new actor at hindi agad tayo makakaforward sa dapat na scene na papractisin natin at kunti nalang ang natitirang oras para mag-praktis."
" sorry talaga, si Ate kasi eh, hindi na mapigilan. Pero may kilala ako, sigurado kaya niya yung role ko." nakangiti niyang wika.
"talaga? dali puntahan na natin!"excited ko siyang hinila pero hindi naman siya tumayo.
Nakangiti pa rin siya sa'kin. Ang weird ng kaibigan ko.
"No need to rush!! Ako na kakausap kay Ellaine mamaya sa uwian."
Napabuntong-hininga na lang ako at umupo ulit sa upuan.
Tumawa ult siya ng mahina. Tatanungin ko pa sana siya pero pumasok naman yung teacher namin sa first period.
Nakakainis talaga ang panira ng moment.
===================================================================================
"okay guys!Mayroon akong special announcement, " sabi ni Ellaine habang nasa practice kami.
Nagulat nga ako nang makita si Ynna na pumunta sa Gym. At si Ellaine naman, mukhang maganda nga ang sasabihin niya dahil bigla na lang yatang naging energetic.
Kumain kaya siya ng cloud 9?
" May bago na tayong Mianne!!"
Nagpalakpakan silang lahat. Si Ynna naman bigla nalang tumabi sa'kin at inakbayan ako. " This will be fun, fwend.hehe"
" so, sino nga yun Ellaine?" sabi ng ilang kasama namin.
" Before that, please fall in line by group na tatawagin ko, by the way bagong assigned group niyo na ito. And pinagusapan na rin namin tong mga officers natin." pagpapaliwanag ni Ellaine.
Dati kasi sa mga tag-ayus at taggawa lang ako ng props. Saan naman kaya ako ngayon maaa-sign?
"Reyes, Cortez, Dewangan, Aspina, sa Assistant Stage Managers kayo. Maribel, Yamelo, Hermosa, Cinco you will be the Set designers, and blah blah blah blah"
Tinawag na halos lahat ang mga classmates ko, pero kukunti nalang kami ang natira. Nilapitan ko na si Ellaine.
" Ah, bakit hindi yata ako natawag Ellaine?"
" Ay sorry ha. Akala ko kasi alam mo na."
Alam ang alin?
////////////////////////////////
HAHA cloud 9 nilagay ko kasi yun yung favorite kong kainin pag bad trip
just comment below
feel free to comment sa may violent reaction. :)
BINABASA MO ANG
A Dance With Him
RomanceA normal student, Yuki Aomi Juezen (yuzen) also known as Yumi, like those students who just want to survive the terror life as a high school student. She spends her days peacefully with her super-popular-with-boys, yet heart-breaker childhood frien...