" wag na nga lang kaya tayong tumuloy Yuki, mukhang uulan na rin kasi eh" sabi ni Ynna at hinihila ako papasok sa gate.
Napatingin na rin ako sa langit at parang tama nga siya. Sayang naman, ngayon nga lang kami makakalabas.
" Okay, bukas na lang siguro, pero samahan mo kong umuwi ha."
Tumango na lang siya.
Naghintay kami ng jeep sa labas ng gate. Sandali lang ay may huminto sa tapat namin. Sumakay na kaagad kami . Yung lalake naman na nakaupo sa tapat ko nakatitig lang ng diritso kaya sinundan ko ang tingin niya.
Nakatingin siya kay Ynna?
Nakayuko lang si Ynna at sa tingin ko napansin niya rin yung kakaibang titig ng lalake.
Dahil medyo naiinis na rin kami, bumaba na kami malapit sa isang palengke. Madaming taong naglalakad-lakad sa paligid at nagsisigawan, halos magpalit na kami ng mukha ng mga tao sa siksikan kaya hindi ko inalis ang tingin kay Ynna, baka kasi magkahiwalay kami.
Nilagay ko ang bag ko sa harap at niyakap ng mahigpit. Nagkakasiksikan na rin kasi, kaya dapat ay maingat ako.
Napatigil ako sa paglalakad ng lumubog sa putik ang isa kong paa. Hindi iyon nadumihan pero nagulat lang ako kasi akala ko kung ano na ang natapakan ko.
Paglingon ko sa pwestong kinatatayuan ni Ynna, siya kaagad ang hinanap ng paningin ko, pero nawala na siya.
Nagpanic ako kaya binilisan ko ang paglakad at paikot-ikot na hinanap si Ynna. Wala akong ibang nakitang naka-umipormi na katulad ko kaya nahirapan akong hanapin siya. May nahagip din ako sa braso na akala kong si Ynna dahil sa mahaba nitong buhok.
Hindi ko na lang namalayan na nakarating na pala ako malapit sa dulo ng palengke. Huminto na muna ako dun, dahil iniisip kong baka hinahanp lang rin ako ni Ynna. Mas mabuti pang tawagan ko na lang muna siya.
*dialing*
Nagri-ring lang ang phone niya pero wala namang sumasagot. Ilang ulit ko nang dinaial ang number ni Ynna, pero hindi niya talaga sinasagot.
Nainip ako kaya ti-next ko na lang siya
Send to Ynna04:
hanap kita, san ka ba? dto ako sa malapit sa bigasan.'
Nakatitig lang ako sa phone, hinihintay ang reply niya.
Hindi parin siya nagrereply.
Patingin-tingin lang ako sa paligid, sakaling makita ko siya.
May narinig akong pamilyar na boses sa likuran ko.
Boses ng babae. Sa sobrang pamilyar ng boses niya, napalingon ako at kumunot ang noo ko.
Bakit sila magkasama? Bakit iba yung pakiramdam ko sa nakikita ko?
Anong meron sa kanila?
BINABASA MO ANG
A Dance With Him
RomanceA normal student, Yuki Aomi Juezen (yuzen) also known as Yumi, like those students who just want to survive the terror life as a high school student. She spends her days peacefully with her super-popular-with-boys, yet heart-breaker childhood frien...