CHAPTER 2

141 7 1
                                    

After 10,000,000,000 years natapos din ako. Dejoke lang 5:00 pm pa lang naman ng hapon and it's time to go home. Inayos ko na gamit ko at lumabas pagbukas  ko ng pinto sya ding pagbukas ng kabilang pinto iniluwa nito ang babaeng magandang ipinaglihi sa sama ng loob.

"So, it's your office and you are the Student Council President." napatango na lang ako at tipid ngumiti. Wala naman akong dapat isagot kasi di naman sya nagtatanong. Tumango din si ma'am at tumalikod na. 

Malapit na. Malapit ko ng isipin na may topak si ma'am. Pero sa ganda nya weird naman kung may topak sya. Natanaw ko si ma'am kasabay nyang maglakad si Miss Mariano. Close pala sila ni Ma'am kahit opposite attitude nila. Miss mariano is one of my great profssor close kami niyan ni ma'am dahil nakasama ko siya noong panahong broken siya. Ewan ko nga kung sinong nanakit doon eh ang ganda ganda tapos ang bait bait pa. Kung hindi nga ako inlove na inlove noon kay Xindy eh baka sakaling niligawan ko si ma'am pero dahil ayon po sa code of ethics ay hindi pwede baka mawalan ng license si ma'am pag nagkataon.

Lumakad na ko papuntang parking at sumakay na ko sa motor ko. Pagtapat ko sa front ng school andun sila nag-aabang ng sasakyan. Nakilala agad ako ni Miss Mariano and as usual ngumiti sya. Si ma'am sungit ayun tumingin lang. Tssk sino bang nanay mo ma'am itatanong ko kung anong unang ipinakain sayo noong bata ka pa at naging ganyan attitude mo?

Umalis na ko dun medyo nakakabanas si ma'am sarap pakainin ng chocolate para naman magkaroon ng energy at baka maisipang ngumiti nabasa ko kasi nakakalighten yun ng mood baka umepekto kay ma'am diba?  Dumeretso na ko sa bahay. Pagdating ko dumeretso agad ako sa kwarto ko at nahiga first day pa lang pero pagod na pagod na ko. Third year na ko ilang months na lang masisira na ang katahimikan ng buhay ko.

Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ring ng phone ko. It's Xindy nakalimutan ko palang i-chat sya.

"Hello."

[Nakauwi ka na?] she asked

"Yeah, Halos kakarating lang. Sorry di agad ako nakachat."

[It's okay. Pahinga ka muna. I'll call you later. Aalis kami ni Papa.]

"Sige. Just call me later bye." She ended the call.

Pagkababa ng phone tumayo na din ako at naglinis ng katawan. Oorder na naman lang ako ng pagkain tinatamad na ko magluto. Mag-isa lang naman akong kakain. Habang nag-iintay ng order ko ginawa ko ang madalas kong gawin syempre ang magsayaw at iupload sa SocMed. Pero dahil I prefer peace laging di kita ang mukha ko sa lahat ng dance video ko. Code name din account ko even Xin di nya alam na may dummy account ko.

After one song dumating na din yung order ko. Pagkakain ko nag upload na ko and just a minute ang daming likes and views. Isa din to sa pinagkukunan ko ng income. Iba na talaga nagagawa ng Social media minsan helpful pero madalas sumpa at mabuti na lang mabait pa sakin si God dahil ginawa niyang helpful sakin ang SocMed pero sa tingin ko bumabawi lang yun sa lahat ng nagawa niya sakin noon.

I receive a phone call and syempre galing kay Xin.

'Hello. Nakauwi na kayo?" I asked.

[Yeah. Nagdinner ka na?]

"Katatapos lang bago ka tumawag. Ikaw?"

[Katatapos lng din.]

"Nag-aano ka na?"

[Kahiga na medyo napapagod na ko.]

"Pahinga ka na kaya? kita na lang tayo bukas." I said kakahiya naman kasi kung makikipagtalk pa ko ng matagal sakanya eh pagod na sya saka medyo inaantok na din ako. And the feeling of excitement is now fading hindi na katulad dati na makita ko lang ang pangalan niya sa screen eh todo kilig na ako.

Imperfectly Ever After (Velasco Series 1) Where stories live. Discover now