Chapter 25 Finale

150 3 0
                                    

Stacey POV

"Subukan mo lang na hindi mag I do patay ang magulang mo." Bulong ni Trevor sakin habang nasa harap kami ng altar.

Kakatanong pa lang ng pari kung may tutol sa kasalang ito pero wala. I'm expecting her to stop this pero paano eh hindi nga nya alam na nandito ako. Kahit yata magdasal pa ako ng sampung beses ngayon wala ng atrasan dahil andito na kami at malapit ng mag I do.

"As if may choice pa naman ako?" Galit na bulong ko din sa kanya at humarap na sa pari.

"Stacey do you take Trevor as your beloved husband? For better or for worst for richer-

"Whats up madlang people????? Do you want some fun??? Say yooohooo!?" Sigaw ng kung sino sa labas. Mukhang naka microphone pa ito dahil mas malakas pa ang boses nito sa mic na hawak ng pari. Sino ba yun? Kung sino ka man salamat kahit mukhang naligaw ka lang at dapat ay sa showtime ang punta mo salamat pa rin.

"Father keep going. My men will take care of it." Gigil na sabi ni Trevor pero hindi siya iniintindi ni father dahil nakatingin lang ito sa labas." Father! Ikasal mo na kami!" He shout again.

"Not so fast Mr." Napalingon ako sa bagong dating. E. Ibig sabihin andito din siya? Napangiti ako sa isiping yun na agad ding nawala dahil sa pagkagulat ko kay Trevor.

"At sino ka naman?!" Sigaw na naman ni Trevor. Hindi ba sya napapagod kakasigaw?

"Bilis mo namang makalimot. Matapos ng lahat ng nangyari kinalimutan mo lang ako?" Madramang sagot ni E, may ganito pala siyang side ang tahimik niya kasing masyado at medyo seryoso.

"What the hell are you talking about?!" Mukhang mas lalong naasar si Trevor sa sinabi ni E. Habang si E seryoso lang na nakatingin sa kanya pwede na siyang pang best actress.

"Ako to yung nabuntis mo kaya father itigil mo na to dahil sya ang tatay ng anak ko at ayokong lumaki siya ng walang kinikilalang ama."

"What the hell? Are you crazy? Hindi nga kita kilala paano kita mabubuntis? Ilayo nyo nga to?!" Tawag nya sa mga tauhan nya pero walang lumapit.

"Wala bang nakarinig?!" Sigaw na naman nya dahil wala talagang lumapit para sundin ang utos niya kaya napalawak ang ngisi ni E.

Napabaling ang tingin ko sa mga magulang ko at magulang ni Trevor na sobrang naguguluhan at natatakot sa nangyayari ang ibang bisita naman ay unti-unti ng lumalabas para hindi na madamay sa gulo.

"Wala sir. Masarap na ang tulog nila eh pasensya." Chris. Dumating siya para iligtas ako, nakatingin siya sakin at ngumiti, aba nakakangiti pa siya sa lagay na yan ha?

"Anong ginagawa mo ditong abnormal ka?!" He asked in disbelief. Matalino kasi ang girlfriend ko hindi katulad mo na gamunggo ang utak nabulok pa ang kalahati. Gusto ko sanang sabihin yun kaya lang baka ako naman ang saktan nito eh may pasa pa nga yung sapak niya.

"Im here to get back what is supposed to be mine sir." Chris confidently said and winked at me. Aba talaga bang hindi niya sineseryoso ang nangyayari?

"Walang sayo." Trevor shout and get his gun. Hinawakan niya ako sa leeg at tinutukan ng baril. Naalarma silang lahat even Trevor's parents hindi siguro nila ineexpect na kayang gawin ng anak nila ang mga ito. Medyo nahihirapan akong huminga sa pagkakakapit niya sakin pero tiniis ko dahil alam ko namang andyan siya at hindi niya ako pababayaan.

"Anak stop this. Hindi ka criminal ibaba mo yan. Itigil mo na to pakiusap." Pakiusap ng mommy niya pero sadyang baliw na ata ang anak nila dahil hindi ito nakinig.

"No mom! Kung hindi sya magiging akin isasama ko na lang sya sa hukay!" Sigaw nito na ikinatakot ko.

"Sure ka ba sir na sasama yan?" Chris ask na tila hindi man lang kinakabahan sa nangyayari at may pangisi ngisi pa dahil alam niyang pikon na pikon na si Trevor sa mga sinasabi niya.

Imperfectly Ever After (Velasco Series 1) Where stories live. Discover now