Andito ako ngayon sa SC office nakatitig sa computer pero wala akong mailagay. Ang dami kong pending reports at may training pa kami pero heto ako at nakatunganga. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyayari sakin. Lintek daig ko pa ang nabroken hearted sa ginagawa ko.
Di ko alam kung ilang beses na kong napabuntong hininga basta ang bigat lang ng dibdib ko at gusto kong mawala na to.
Pagkatapos kasi nung araw na nagpasama si ma'am sakin hindi na nya ko pinansin pati practice namin natigil na mamili na lang daw ako ng kakantahin ko sa competition at iparinig ko na lang daw sakanya for approval. Iniiwasan nya ako alam ko dahil sa sinabi ko. Pagkatapos ko kasing sabihin yun inaya na nya kong umuwi at hindi na niya ako muling kinausap.
Kaya heto ako ngayon nagdadalawang isip kung kakatok ba ko sa opisina nya para kausapin siya o manatili na lang dito at magmukmok. Ipinagluto ko pa naman siya ng adobo at bumili rin ako ng bulaklak.
Umamin na rin naman ako sakanya kaya lulubusin ko na. Pero natatakot ako dahil wala akong mukhang maiharap sakanya nagmumukha kasing itinake advantage ko yung pagiging malapit namin sa isa't isa.
Napabuntong hininga na lang ulit ako. Bwesit sana kasi may bayad bawat pag buntong-hininga edi sana mayaman na ako.
"Lalim nun ah." Nagulat ako sa nagsalita kaya napatingin ako sa may pinto. Si Miss Mariano lang pala pano naman ito nakapasok dito ng hindi ko namamalayan?
"Ma'am kanina ka pa po ba dyan?" I asked not minding what she said wala ako sa mood makipag-biruan bahala siya diyan.
"Sakto lang para makita kong nakikipagtalo ka sa isip mo. Iniisip mo ba kung paano mo iaabot yan?" Turo nya sa bulaklak at Tupperware na nasa mesa ko. Tssk marites kapatid ni marichu asawa ni marisol.
"Pano mo naman nasabi ma'am? Eh paano kung sakin talaga yan?" Balik na tanong ko dito lakas kasing makahula.
"You won't buy flowers for yourself do you?" She asked. " I saw you earlier sa flower shop buying those flowers so you can't say na para sayo yan. Kay Miss Mendoza ba?" aruyy nakita naman pala ako stalker ko talaga to si ma'am.
"Yeah, galit yata sakin si ma'am eh." Sabi ko na parang nagsusumbong close kami ni ma'am kaya ganito kami mag-usap.
"Ibigay mo na yan malay mo magkabati na kayo. Mauna na ko, magpapasama sana akong maglunch sayo mamaya pero wag na lang. Bye." She said and leave. Parang bata lang eh, kung hindi dahil kay ano hindi ko siya pakikinggan pasalamat siya may hidden connection kaming dalawa.
Tumayo na ko, at nilakasan ang loob na pumunta sa kabilang opisina. Sana lang talaga maging okay na kami dahil ang bigat sa dibdib kapag siya yung hindi ko nakakausap sa loob ng isang araw.
Napabuntong hininga na naman ako sa harap ng pinto ni ma'am Juicecolored pray for me. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ko o hindi. Pero pinili kong kumatok na lang.
I heard her say come in. Kaya binuksan ko ang pinto nakatingin naman sya sakin pero bigla ring inilipat sa laptop nya ang tingin nya. Sabi ko na galit talaga siya sakin.
"What do you need? I'm busy so I have no time for nonsense." Saad nito nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Inilabas ko mula sa likod ko ang bulaklak at yung niluto ko at iniabot ito sakanya.
"I just want to give you these." sabi ko.
"For what?" She asked without looking at me as if I'm not that important. Ay oo nga pala hindi naman talaga, I'm just her student ako lang ang tatanga tangang malandi na ninais na malandi siya.
"Peace offering?" patanong na sagot ko.
"I don't like flowers. You may leave and bring your stuffs with you." seryosong sagot niya at walang emosyong tiningnan ako.
YOU ARE READING
Imperfectly Ever After (Velasco Series 1)
RomanceThis story is about the unusual student named Angel Christoff Bernardo, who is intersex and in love with her best friend. Throughout her college life, she thought that her best friend was really the one she wanted. Until a person came who changed he...