Stacey POV
Ilang araw na mula nung huli ko syang nakita kahit mga kaibigan nya hindi alam kung asan sya. Exam na bukas at hindi ko alam kung papasok ito, sinubukan ko nang kontakin ito sa social media pero walang reply. Nag-aalala ako dahil student ko ito at adviser niya ako, marami na siyang naiwang lesson at mageexam na din bukas kaya obligasyon kong alamin kung ano bang nangyayari sa kanya.
I went to Miss Mariano's office baka may alam sya kung bakit absent na naman si AC close naman sila. At nakita ko silang nag-usap noong huling beses na pumasok siya baka may nabnggit ito na pupuntahan.
"Miss Mariano." pagtawag ko sa atensyon ng propesor na abala sa pagtitipa sa laptop niya.
"Yes Miss?"tanong nito na hindi na ako tinatapunan ng tingin naiintindihan ko naman dahil busy nga siya.
"Alam mo ba kung bakit wala si Miss Bernardo? Baka may nabanggit sya sayo?" lakas loob na tanong ko dito.
"Wala eh try mo tawagan wait. Heto number nya. Di mo kasi makokontak sa social media yun." She said. And hand me her phone.
Napakunot ang noo ko dahil mabuti pa siya may number ng estudyante ko smantalang ako wala eh ako ang adviser nila. Kinuha ko na lang ang kailangan ko para makaalis na.
Matapos makuha ang number nya nagpaalam na ako kay Miss Mariano. Pagdating ko sa office nagdadalawang isip pa ko kung tatawagan ko or hindi pero kailangan, part to ng trabaho ko. So I chose to call her. After 3 rings she answered her phone.
[Hello who's this?] She asked in the other line malat ang boses nito parang may sakit.
"Hello this is Miss Mendoza. Is this Miss Bernardo?" pagpapakilala ko, kasi baka hindi naman si AC to dahil iba nga yung boses.
[Ma'am, bakit po?] Tanong nito kaya nakumpirma ko na siya na nga ito ang pasaway kong estudyante.
"Hey you okay? Ilang araw ka ng wala exam na bukas papasok ka ba?" tanong ko naman sakanya bilang sagot sa bakit na tanong nito.
[Opo. May mga inaasikaso lang po ako pero tapos na po. I need to plan the up coming intramurals kaya opo papasok na ko. Namiss mo po ako?] Masigla ang boses nitong tanong.
"Nope. I'm just doing my job. Pumasok ka na bukas I'll expect you there." I said plainly para hindi siya mag-assume.
[Ahh sige po. Bye ma'am salamat sa pag inform.] She said and ended the call.
AC POV
Ilang araw akong hindi pumasok dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil madami akong inaasikaso, panagalawa dahil iniiwasan ko si ma'am na makita. Natatakot na ko sa nararamdaman ko.
Nung araw na umalis ako ng school to help someone. Bumalik ako dun to get my things in my office and right after that sa parking lot I saw Miss Mendoza with that Trevor guy kissing.
By that day napag- alaman ko din na they are long time lovers. And it hits my heart very hard.
Masakit malaman na may nagmamay ari na pala ng taong gusto ko. Akala ko noong una crush ko lang si ma'am pero nung makita ko syang may kasamang iba nasaktan ako ng sobra at dun ko nalaman na hindi ko lang sya basta crush. I'm starting to like her. O baka talagang gusto ko na sya unang araw palang na inirapan nya ko.
Pero hindi pwede. Professor ko sya at student nya ko higit sa lahat may nag mamay-ari na sakanya.
Nung tumawag sya sakin kahapon masaya ako dahil akala ko inaalala nya ko pero mali pala. Malamang kailangan nya kong kontakin dahil adviser ko sya at obligasyon nyang alamin kung bakit hindi ako pumapasok.
YOU ARE READING
Imperfectly Ever After (Velasco Series 1)
RomanceThis story is about the unusual student named Angel Christoff Bernardo, who is intersex and in love with her best friend. Throughout her college life, she thought that her best friend was really the one she wanted. Until a person came who changed he...