Epilogue

215 6 1
                                    

Warning: R+18. Matured Content ahead bawal sa bata! Wag matigas ang ulo.

Stacey POV

Mahigit isang taon na simula nung maganap ang kidnapan at mahigit isang taon na din nang  mailigtas ako ni Chris mula kay Trevor.

Isang taon na din kaming magkarelasyon, siyempre siya ang may-ari ng school kaya walang naging problema ang relasyon namin.

Ngayon nga ay graduation na nila and I'm so proud dahil gagraduate siya with flying colors. Napakatalino niya kaya hindi na nakakapagtaka kung makukuha niya ang award na yun. This past few months nga eh halos hindi na kami masyadong nagkikita dahil sobrang busy niya na nauunawaan ko naman dahil alam kong makakabawi siya.

Andito kami ngayon sa gymnasium ng school at nag-hihintay na matapos ang event. Kanina pa ako kinakabahan hindi ko alam kung bakit. Parang may mangyayaring hindi maganda.

"And now graduates let's hear a word from your Magna Cum Laude Miss Angel Christoff Bernardo Velasco." Malakas na palakpakan ang bumalot sa paligid at tumayo si Chris, napakaconfident ng bawat galaw niya no wonder na nirerespeto siya ng lahat. Napangiti ako ng magtama ang mga mata namin pagkaakyat niya sa stage. Kumindat pa ito na ikinapula ng pisnge ko. Grabe talaga ang epekto ng batang ito sakin.

"Magandang araw sa inyong lahat at congratulations sa ating lahat graduates. I am honored to graduate with flying colors, pero hindi ko magagawa ang lahat ng to kung wala ang pamilya ko." Chris paused and look at her dad and siblings. "Dad, bro's and ate's thank you sa walang sawang pagsuporta sakin pati na sa lovelife ko, sa mga kaibigan ko, Xin,Rye, Simon and Miriam salamat sainyo. And to Miss Clarisse, ma'am I'm so grateful to be your student and friend thank you so much for the support. I will take this opportunity para ipaalam sa inyong lahat lalo na sainyo tito and tita." Turo nya sa mga magulang ko. Wait what?? My parents are here? Hindi man lang ako nainform! Nawala ang atensyon ko dun ng magsalitang muli si Chris.

"That I am so much grateful to have your daughter." Malakas na hiyawan ang bumalot sa paligid na ikinanganga ko. Teka ano bang ginagawa niya? Graduation speech dapat yan eh.

"I know, I know this should be a graduation speech pero kasi I want this to be unique and memorable kaya graduates can you help me?" Tanong niya sa mga graduates na ikinatawa ng mga ito bago nag yes. Mas lalo akong kinabahan dahil wala akong ideya sa kung anong gagawin niya, nakatingin lang ako dito at alam kong alam niya yun.

"Hey ma'am kalma ka lang muna dyan at makinig ka." This time nakatingin na siya sakin at sinalubong ko ang mga tingin nito trying to read what's in her mind. "Babe, ang dami na nating napagdaanan, ang dami na nating naging away. Pero ito tayo nananatiling lumalaban." I wipe my tears tumulo na pala ang luha ko ng hindi ko namamalayan grabe na kasi yung halo halong pakiramdam hindi ko na alam kung anong nangyayari.

"Wag kang umiyak you should be happy." Unti unti syang lumapit sakin. Inabot niya ang kamay niya sakin na agad ko namang kinuha at sumama sakanya paakyat ng stage.

"Everyone I want you to finally meet the love of my life Miss Stacey Leigh Mendoza." Nagsigawan naman sila na ikinatawa ni Chris, oo marami nang nakakaalam na girlfriend ko siya pero ngayong araw lang niya ginawang official.

"Kahit mapanakit ka mahal na mahal kita. Pero babe nagsasawa na kasi ako." Napakunot ako ng noo sa sinabi nya. Ano to? Ipinakilala ako para lang makipagbreak?

"Really?! So you introduce me to everyone para makipaghiwalay ka sakin?! Unbelievable!" I exclaimed. But she just look at me. Tumingin siya sakin ng walang emosyon at nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko, seryoso pala talaga siya. Nararamdaman kong namumuo na ang luha sa mga mata ko na agad kong pinunasan bago pa ito tuluyang bumagsak.

Imperfectly Ever After (Velasco Series 1) Where stories live. Discover now