1

1K 23 15
                                    


June 30, 2015. 2:54 pm

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa cafeteria ng school dahil break namin, nang biglang may humila sa buhok ko. Si Matilda pala, mataba at bully kong kaklase. Mabilis siyang naglalakad habang hatak-hatak ang buhok ko. Sobrang laki ng katawan niya kaya hindi ako makapalag.

Ano nanaman bang ginawa ko sa kaniya? Gusto kong mapaiyak sa sakit. Kung pwede ko lang sana siyang patulan kaso masyado siyang malakas...

Hila-hila parin niya ang buhok ko hanggang sa makarating kami sa likod ng Senior High Building. Pagdating namin doon ay may naghihintay na dalawa pa niyang kaibigan. May hawak silang mga itlog, harina at iba pa.

Biglang binitawan ni Matilda ang buhok ko at kasabay nito ang pagtulak niya sa akin kaya ako napadapa sa madamong lupa.

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you!" Sinimulan nila ang pagkanta at may dumating.

Sa lahat ng tao ay siya ang pinakahuling gusto kong makita.

"Happy Birthday Angelica!" Sabay-sabay at masaya nilang pagbati. Habang ako naman ay nakadapa parin dito sa lupa.

Sawang-sawa na ako sa mga ginagawa nila sa akin.

Nang mag-angat ako ng tingin ay agad na nagulat si Angelica ngunit ito ay mabilis na napalitan ng masayang ekspresyon.

"We prepared something for you." Sabi ng isa sa mga kaibigan niya.

"Show me." Sagot niya habang nakatingin parin sa akin.

"We will bake a cake. Hihihi. We will show you how." Sabi ng isa sa kanila.

Mukhang alam ko na kung saan papunta ito.

"First, crack the eggs." Naramdaman ko na lang ang pagkahulog ng isang basang bagay sa ulo ko.

Mas minabuti ko ng ipinikit ang aking mga mata. Kahit anong gawin ko ay wala akong laban sa kanila. Kalma Hana. Apat sila, mag-isa lang ako.

"Second, put the flour." Muli nilang ibinuhos ang isang plastik ng harina sa aking ulo. Hindi ko maisip kung ano na ang naging itsura ko ngayon. Mas lalo siguro ako nagmukhang mahina at katawa-tawa.

Nang muli akong tumingala ay nakita ko si Angelica na nakangisi, nasisiyahan siya sa anumang kalokohang pinaggagagawa ng kanyang mga kaibigan.

"Then, add the special syrup." at may kung anong ibinuhos sa kin.

Napapikit na lang ako at napakapit ng mahigpit sa mga damo sa lupa.

"Your cake is ready Angelica!" Sabay nilang sabi at saka sila pumalakpak.

"Nagustuhan mo ba?" Rinig kong sabi ni Matilda.

Saglit siyang napatitig sa akin at saka ngumisi. "Oo nagustuhan ko." Sagot niya at pagkatapos ay humalakhak siya. "Pero bakit walang candle?"  Pagpapatuloy pa niya.

Umupo siya sa tapat ako at ngumiti. Yung ngiting lumilinlang sa lahat.

Saktong pagtayo niya ay tumunog ang bell sa school, hudyat para sa pagsisimula ng susunod na klase.

Nang dahil doon ay nagsitakbuhan na sila at bago pa man makaalis si Angelica ay muli siyang lumingon at ngumisi.

***

4:45 pm

Buong maghapon na nakatakip ang ilong ng mga seatmates ko dahil sa umaalingasaw na amoy na nang-gagaling sa akin. Ang ibig kong sabihin ay yung 'special syrup' na ibinuhos sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanila at nagsorry. May mga iba pang pinagtatawanan ako, maging kasi ang instructor namin ay napapatakip ng ilong.

Who Are You: School 2015 (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon