3

305 12 0
                                    


July 6, 2015. 7:45 am

Almost one week had passed pero para parin akong hangin kay kuya. Si mama naman kung nakamamatay lang ang tingin siguro double dead na ko ngayon.

Sa susunod na magkaharap talaga kami ng Angelica na yan ang pupuntiryahin ko talaga eh yang nguso niya. Wala kasing araw na hindi siya nakangisi sakin. Paputukin ko labi niya eh. But I know I cant do that.

Si dad naman mas lalo siyang naging caring sakin. Para siyang personal doctor ko kung makacheck-up sakin. Pero that's okay alam ko naman na nagwo-worry lang siya sakin.

Sabay kaming lahat magbreakfast. Pero tapos na pala sina Mom at Kuya. Naalala ko, gumawa pala ako ng rice cakes kagabi, peace offering ko kay kuya. Alam ko namang di yon makakatanggi dahil once in a blue moon lang ako magluto, pero hindi man ako ganoon kagaling hindi naman nakamamatay yung luto ko no.

"Tapos na po ako." Sabi ko at nilapag yung kutsarang hawak ko. Pumunta na ako sa kusina at chineck ang fridge pero wala akong nakitang rice cake.

Sa pagkakaalala ko dito ko yun nilagay?

Omz. Sana hindi tama itong naisip ko.

Hindi maaari.

Pinaghirapan ko yun.

Tsk. Hindi talaga pwede.

Naging makakalimutin na ata talaga ako. Lagi ko na lang namimisplace lahat ng gamit.

Gaya ng dati yung formal theme ko sa History bigla ko na lang makikita sa drawer ni Angelica.

Teka?

Angelica.

Angelica.

Paano napunta sa drawer ni Angelica yung history formal theme ko?

Sabi ko na nga ba at tama ako!

Naging makakalimutin na talaga ako ng dahil sa ilang beses na paguntog sa akin ni Angelica. Oo ilang beses na akong nauntog nung bulate na yun. Sa school, sa kwarto, sa cr, sa sala, sa kahit saan basta hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong inaway.

Naalala ko nanaman yung mga nangyari sa amin noon, mas nadodown tuloy ako. Ang pathetic ko. Im such a loser. (Oetori~)

Alalang-ala ko pa kung paano niya ako alilahin noon. Buti na lang at nagising ako sa katotohanan.

Ang problema nga lang kahit ako yung inaapi-api niya ako parin yung lumalabas na kontrabida sa pamilyang ito.

Bumalik ako sa dining hall at kinalabit ko si Dad.

"Do you need anything Hana?" Sabi ni dad saka siya ngumiti.

I smiled back to him. "Dad have you seen the rice cakes I made last night?" Tanong ko.

*cough cough*

Napalingon ako kay Angelica na umuubo. Nakarma na ba siya? Tuberculosis na ba ito?

Napatingin din siya sa akin pero napaiwas din siya agad ng tingin.

Agad ko ding ibinalik ang tingin ko kay dad.

"No, hindi ko nakita. Nawawala ba?" He said.

Tumango ako at umupo sa katabing upuan ni Dad.

"Then should I buy you a new one pagkagaling ko sa work?" He asked again.

Umiling na lang ako at ngumiti ulit.

"Wag na lang dad gagawa na lang ako ng bago."

Lumakad na ako papunta sa kwarto ni kuya para tanungin kung nakita ba niya yun kahit na para sa kanya naman talaga yung rice cakes at hindi niya ko pinapansin pero biglang humarang si Angelica sa dinaraanan ko.

"Angelica pati ba naman daan ipagdadamot mo pa sakin? Tabi male-late na ko sa school, kailangan ko pang magtoothbrush." sabi ko at bumuga ng hangin sa kanya.

Hahahaha.

Agad naman akong napatawa ng mag-akto siyang parang nasusuka. Inamoy ko naman ang hininga ko, hindi naman mabaho ah. Nagtoothbrush na kaya ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad tapos bigla ulit siyang humarang habang nakatakip ng ilong. Trip ba nitong bulateng to.

Tinabig ko siya at bigla siyang nahulog at nagpagulong gulong sa hagdan at bumagsak ang duguan niyang katawan.

JOKE! Hahaha. How I wish na magagawa ko yun pero im not evil like her. Mabait ako ng milyong paligo sa kanya no.

"Angelica tawag ka ng Mom mo." Sabi ni Dad na nasa likuran ko na pala.

Nang makalampas sa amin si Dad ay umirap siya at nagtungo sa baba.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad, dahil wala ng paharang-harang na Angelica sa dinadaanan ko ay matagumpay kong narating ang harap ng pintuan ni Kuya.

Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan na niya ang pintuan niya.

Bumungad sa akin ang isang Harold Lance Lee na may kagat kagat na rice cake at may hawak na tupperware na naglalaman ng gawa kong rice cakes kagabi.

"Anong kailangan mo?" Sabi ni kuya habang ngumunguya-nguya pa.

Tinuro ko naman yung tupperware na naglalaman ng rice cakes.

"Gusto mo neto? Makipag-ayos ka muna kay Angelica." Sabi niya at akmang isasara na niya ang pinto pero agad kong hinarang ang kamay ko.

"Aray! Huhuhu." Agad kong binawi ang kamay ko. Ang lakas ng pagkakasara niya naipit tuloy ako. Fudge masakeeeeeeet.!

Tumakbo siya sa akin na parang natataranta at hinablot niya yung kamay ko habang busy ako sa pag-ngawa.

"Ayan kasi bakit mo hinarang yang kamay mo naipit tuloy!" Sabi niya ng pagalit habang ako ay lumuluha parin sa sakit ng daliri ko.

At siya pa ang may ganang magalit ngayon?! Agad naginit ang ulo ko sa sinabi niya. Si Angelica na ba talaga ngayon ang kakampihan niya? Hindi man lang ba niya mapansin na sobrang sakit ng kamay ko tapos siya pa ang magagalit.

Hinila ko ulit ang kamay ko.

"Grabe ka naman kuya! Porke hindi tayo magkasundo ginaganyan mo na ko. Bakit ka ba galit? Wala naman akong nagawang masama sa kung sino dito sa bahay na to ah? Gumawa pa ko ng rice cakes buong magdamag para makipagbati sayo kahit hindi ko alam ang ikinagagalit mo pero ngayon makikita kong nasayo pala. Kuya sana naman maisip mo na hindi ko kayang gawin yung mga ibinibintang nila sakin." Pinunasan ko ang nakawalang luha sa mga mata ko at nagpatuloy

"Naisip mo ba yung nararamdaman ko sa tuwing kasama mo siya na mas kinakampihan mo siya? Na parang siya pa yung tunay mong kapatid kaysa sakin?" Pagkatapos kong sabihin lahat ng gusto kong sabihin ay umalis na ko sa harapan niya.

****

Who Are You: School 2015 (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon